Tim’s POV
Gabi na pero nandito pa kami ni Steph sa hospital. Nakatulog si steph kaya bumalik muna ako sa rest house at kumuha ng mga damit. Sinama ko si Hanna sa Pagkuha ng mga damit namin ni Steph.
Pagdating namin ng Rest house si Jim at Red nanunuod ng palabas.
Nagulat naman sila sa pagdating namin. Lumapit naman si Jim kay hanna.
“anong nangyari sa mukha mo Steph?! Bakit parang pumayat ka ata? At mas pumuti? Ikaw ba yan?”sabi ni Jim habang tinutusok tusok yung mukha ni Hanna.
Kinuha naman ni Hanna ang daliri ni Jim at pinaikot ito. Si Jim naman ay namimilipit.
“HAHAHA! What a loser!” asar naman ni red.
“aaaargh! Ano bang problema mo steph!” sabi ni Jim pagkabitaw sa kanya ni Hanna.
Natawa naman ako kay Jim.
“haha! Dude! Meet steph’s half-sister. Hanna.”nanlaki naman ang mata ni Jim at pati ni Red napatigil sa pagtawa.
Nagalok namang makipagkamay si Hanna pero itinago na lang ni Jim yung kamay niya.
Kaya napangisi si Hanna. Natakot na ata si Jim.
“Hanna. Hintayin mo ko dito. Kukuha lang ako ng gamit sa taas.” Sabi ko kay hanna.
Jim’s POV
I can’t believe it! Magkamukhang magkamukha sila ni Steph.
Mejo may pagkakaiba pero konti lang.
At matatawa kayo sa itsura namin ni red dahil malayo kami kay Hanna at magkadikit na magkadikit naman kami na parang akala mo natatakot.
“hahaha! Hey, sorry kanina. It’s just that. Ginagaya ko lang yung sis ko. Diba maton ang pagkakakilala niyo sa kanya nung first meeting niyo?” then she gave her sweetest smile.
Yung ganyang ngiti ang hindi namin nakikita kay steph.
“uhh yeah?” sabi ko.
“teka nasan nga pala si Steph? Bat di niyo kasama?”tanong ni Red.
“nasa hospital siya. Kumuha kami ng mga damit—“ naputol na yung sinasabi ni Hanna dahil bigla akong tumayo tapos umalis ng bahay. Pati pala si Red ganun din. Pero bigla kaming napabalik.
“sa pinakamalapit na hospital.” Sabi ni hanna.
Pano niya nalaman na yun yung pakay ko?
Pssssh whatever! Gusto kong mapuntahan si Steph. Kamusta na kaya siya?
Ano kaya nangyari sa kanya?
Maya maya lang ay nakarating na kami sa hospital. Tapos naghanap kami ng naghanap hanggang sa may natanaw kaming kwarto na parang nandun si steph. Pinasok naman namin ito.
“STEPH!” pagpasok namin sa loob. Bigla kaming nahinto dahil hindi si steph ang nakahiga. Kundi si Mr. montecillo. Tumutulo ang luha ni steph habang tulog.
Bigla namang dumating si Tim tsaka si Hanna.
“oh ano mga ugok? Di niyo kase pinatapos ang sinasabi ko eh. yan para tuloy kayong timang.” Sabi ni hanna. Pero hindi siya mukhang war freak. Habang sinasabi niya yan ay para siyang anghel.
What the?! O.o ano ba itong sinasabi ko? -_-
///
VOTE|COMMENT|SHARE ♥
BINABASA MO ANG
In Love With You[TO BE EDITED]
Ficțiune adolescențiA story of a girl named Stephanie that has to be with those popular handsome guys in one roof. Makakilos ka pa kaya ng maayos? Makakayanan mo bang tumagal? lalo na't may kanya kanya itong pag uugali? Read this story to witness Stephanie Montecillo...