chapter 34

71 5 0
                                    

Jim’s POV

Naunang pumasok sa kwarto si Tim napahinto naman kaming dalawa ni Red dahil huminto si Tim.

“Bakit ka humint—“ hindi ko naituloy ang sinasabi ko dahil pagtingin ko sa kwartong kinabibilangan ni Steph.

Tahimik… 

May nakatuping kumot at hospital gown.

At higit sa lahat wala si Steph at Joan.

Dahan dahang naglakad si Tim papuntang kama dahil may nakita siyang nakalukot na papel dun.

Pagkatapos niyang basahin ito biglang tumulo ang luha niya at binitawan ang papel.

Kaya kinuha ko ito at binasa. Tumabi naman sakin si Red para makibasa din.

Don’t you ever try to call, email, message or find me. Dahil pupunta ako sa lugar kung saan hindi mo mahahanap, sa lugar kung saan wala ka, sa lugar kung saan walang mananakit sa akin, sa lugar kung saan tahimik at ang alam lang ay mamuhay ng normal. Kalimutan mo nako you’re the worst man I’d ever met! Mas malala ka pa sa stupid ex-childhood-slash-boyfriend ko! I HATE YOU! Magsama kayo ng sister ko! Siya nga pala it’s over now! at wag na wag mong gamitin ang kapangyarihan mo para hanapin ako.

PS. Your EX.

Dahan dahang umuupo si Tim. 

“Dude… hindi naman niya alam.”

“SHUT UP!!” sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya kinilabutan kami ni Red.

Tinapik ko naman si Red. Sign na kailangan na naming mauna.

“just call us Bro.” sabi ni Red sabay tapik sa braso ni Tim.

Iniwan namin siyang umiiyak doon.

What happened? Bakit hindi umayon sa plano namin ang nangyari?

Kinausap ko yung doctor na may hawak ng mga records ni Steph.

“Doc. Nasan po sila steph?” tanong ko.

“Nang magising si Steph at pag-alis niyo. Sinabi ko na kinaikailangan niyang magpagamot sa ibang bansa. at pagkasabing pagkasabi ko nun ay sinabi niya agad na gusto niya nang umalis agad agad. At wala naman kaming nagawa ni Joan.”

“alam niyo po ba kung saang bansa sila pumunta?”

“Yun nga e. I tried to ask her pero ayaw niyang sabihin.”

“Ah sge salamat Doc.” Tapos umalis na yung doctor.

Hindi pa kami lumabas ng hospital ni Red dahil magulo parin sa labas dahil sa mga reporter.

“What are we going to do now?” tanong ko kay Red.

“I guess kailangan nating bumalik sa dati kung saan walang stephanie at Joan sa buhay natin. Kailangan na nating bumalik sa career natin.”

I answered him with a nod.

///

Wooo! Isang chapter na lang tapos epilogue na! ^_^

In Love With You[TO BE EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon