Three

1.9K 93 1
                                    

Seat up.

Push-up.

Jogging.

Diet.

Lahat na ata ng paraan para magka-abs ako ginagawa ko para lang manalo ako sa deal namin ni Cara. Grabe! Ngayon lang ako nagpakahirap ng ganito para lang maging girlfriend ko ang babae.

Parang mas madali pang manligaw e-- kaso hindi nga pala ako nanliligaw ng babae.

Haay! Ba't ba 'ko napasubo sa deal na 'yon?

Kapag hindi naman ako nagka-abs sa loob ng isang buwan, siguradong pagtatawanan niya ako. Buti na lang may kunting laman lang ang tyan ko at may shape na rin naman na ng abs kailangan lang talagang i-workout.

Tsk. Cara anong ginagawa mo sa'kin?

"Anak, nandito sila Paulo!" Dinig kong sabi ni Mama sa labas ng kwarto ko habang busy ako sa pag pu-push-up ko.

Ano bang kailangan ng mga 'yon? Nagpapa-macho 'ko e.

Tumayo na lang ako. Kumuha ako ng bimpo at pinunas ko 'to sa pawi ko 'tsaka ako nag lakad palabas ng kwarto ko.

Bumaba ako sa hagdan at dumiretso sa sala kung saan ko nakita sila Aben at Paulo.

"O bakit?" Tanong ko.

"Hindi ka sasama na pumunta sa birthday ni Jomar?" Paulo asked.

"Pass muna!" Birthday 'yon kaya ibig sabihin may kainan. Ibig sabihin masisira diet ko. Hindi pwedeng masira diet ko! Haay! Para akong babae.

"Gano'n? Sige, kami na lang. Sayang pupunta pa naman si Fiona at Cara."

"Nando'n din si Cara?" Gulat kong tanong na may halong excitement.

"Oo! Niyaya ko si Fiona e. Ang sabi niya 'pag sumama si Cara sasama siya."

"Okay! Sandali lang, mag sha-shower lang ako!" Nagmadali agad akong umakyat sa kwarto ko para mag shower.

Pagpasok na pagpasok ko ng kwarto ko, hindi na 'ko nag aksaya ng oras at nag shower agad.

Nang matapos naman ako, nag bihis lang agad ako at syempre nag ayos ng buhok ko. Nag lagay ng gel kunti para pogi sa mata ni Cara.

After kong mag asikaso, lumabas na 'ko ng kwarto ko at dumiretso sa sala.

"Tara na?" Tanong ko.

"Ang bilis Pre a!" Aben said, laughing.

"May chicks e!" Pangaalaska ni Paulo.

"Oo na! Tara na!"

Nagpaalam lang muna ako sandali kay Mama 'tsaka kami nag simulang mag lakad paalis bahay. Dahil malapit lang ang bahay ni Jomar sa'min kaya maglalakad lang kami pero ang plano muna namin ay sunduin sila Cara at Fiona sa may covered court.

Habang nag hihintay sa dalawa may narinig akong tumawag sa'kin.

"Jays!" Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin kung sino 'yon at nakita ko ay ang ex kong si Beauty kasama ang mga kaibigan niyang si Kaye.

Maglakad ang mga ito papalapit sa'min. "Anong ginagawa n'yo dito?" Tanong niya.

"May hinihintay kami." Sagot ni Paulo.

"I see. Jays, pwede ba tayong magusap?"

Umiling ako. "Ayoko!"

"Jays--"

"A.yo.ko!"

"Nandyan na sila!" Pagsasalita ni Aben kaya napunta ang atensyon namin sa kanya 'tsaka ko hinanap sa paningin ko si Cara na ang ganda lang sa simple niyang suot na pantalon and black T-shirt.

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon