Acquaintance Night...
I'm fixing my grey polo in front of the mirror and also my hair. Nang ma-assured ko na ang look ko para sa gabing 'to napabuntong hininga ako dahil sa kaba.
Ngayon na kasi ang gabi, ngayon na ang gabing plano kong aminin kay Cara ang totoo kong nararamdaman.
Maraming beses ko 'tong napagisipan, ayoko nang maunahan pa ulit. Lalo na ngayong ang lagi na lang niyang nakakasama ay ang Ansel na 'yon. Simula nang makapasok siya sa banda, maliban sa school, nasa banda na din ang oras niya.
Kung wala akong gagawin baka tuluyan siyang malayo na sa'kin at baka tuluyan siyang mahulog sa type palang niyang si Ansel.
Hindi ko pa din alam hanggang ngayon kung paano ko 'to sasabihin sa kanya basta ang alam ko lang, hindi matatapos ang Party na hindi niya malalaman itong nararamdaman ko para sa kanya.
Lumabas na 'ko ng kwarto ko, dumiretso ako sa paglabas ng Apartment.
Sumakay ako sa kotse ko at sinimulan ang pagmamaneho. Gusto ko sana sabay kami ngayon ni Cara na pupunta sa Acquaintance Party pero tinawagan na niya ako kanina na 'wag ko na siyang sunduin kasi maaga siyang umalis para mag rehears daw muna.
Nang makarating naman ako sa school, pinark ko lang ang kotse ko. Dumiretso ako sa football field dahil do'n ang venue ng Party. Habang papalapit ako, dinig na dinig ko na ang malakas na music na magmumula dito.
Nang makarating ako, ang una ko agad na hinanap ay si Cara. Tumingin ako sa Stage pero wala pa naman akong nakikitang nag se-setup ng kahit na anong music instruments do'n. Siguro wala pa sila.
Sunod kong hinanap ay ang mga kaibigan ko. Nang makita ko naman sila ay nilapitan ko agad sila.
“Dude, nasaan na si Cara?” Shaun asked.
“Do'n siya sumabay sa ka-banda niya. Nakita n'yo na ba silang dumating dito?”
“Hindi eh.”
“So, alam mo na ba ang sasabihin kay Cara ngayon?” Danna asked me.
Umiling ako. “Hindi pa pero bahala na.” Ang totoo alam nang lahat ang tungkol sa plano kong 'to.
“Dude, kapag binasted ka ni Cara maraming pang chikababes dyan!” Klay said.
“'Wag ka ngang nega dyan! Mamaya mangyari talaga 'yan sinabi mo eh!” Kinakabahan na nga kung anu-ano pang sinasabi.
Nakarinig kami ng hiyawan ng mga babae mula sa direksyon ng stage na dahilan para mapunta do'n ang atensyon namin.
We saw there ang drummer ng The Street na pinsan ni Rocco na si Ronlee. Sinisimulan na niyang i-setup ang drum set niya.
Kung gano'n nandito na pala sila. Nasaan kaya si Cara? Baka nasa back stage pa.
Mas lalo akong kinabahan.
Mas lalong lumakas ang hiyawan nang lumabas pa ang dalawa pa sa member ng banda. Sa lakas ng tugtog ng music nangibabaw pa din talaga ang mga tilian ng mga babaeng tagahanga nila.
“Grabe! Sikat talaga sila dito sa school ah.” Kumento ni Rocco.
“Dapat pala nag banda din ako para sikat din ako sa chicks.” Klay said.
“Gago! Wala ka ngang talent sa pagkanta o kahit na anong instruments, na ngangarap ka pang mag banda.” Shaun told Klay.
Naramdaman ko na nag vibe ang cellphone ko mula sa side pocket ko. Kinuha ko 'yon at nakita kong si Cara kaya dali-dali ko 'tong sinagot.
“Hello?”
“Hey, nandito ka na?”
“Yup! Nakikita ko na 'yong ibang kabanda mo na sumasampa sa Stage.”
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.