Naghanda si Cara ng Mac and cheese. Paborito ko 'to. Ito ang pinaka gusto ko sa lahat ng niluluto niya para sa'kin. Unang beses pa lang niya daw itong natikman na gustuhan na niya kaya inaral niya hanggang sa ma-perfect niya 'to. Meron ding cake na may nakasulat na Happy Anniversary Baby. Meron ding alak kaya paniguradong malalasing kami.
“Wow! Pinaghandaan mo talaga ah!” Kumento ko.
“Syempre naman! Ito ang unang beses na mag ce-celebrate ako ng Anniversary kaya naghanda talaga ako.”
Nabanggit na nga niya na ako na ang pangalawa niyang naging boyfriend pero yung una niyang naging boyfriend hindi sila umabot ng isang taon.
But in my situation naman, siya na ang naging pangatlo kong girlfriend at kahit papaano umabot naman ng taon ang relasyon ko sa dalawa kong naging ex pero kahit gano'n, si Cara talaga ang pinakaminamahal ko at malakas ang impact sa'kin.
Kinuha ko sa loob ng bag ko ang regalo ko para sa kanya 'saka ko 'to inabot sa kanya.
“For you, baby.”
She smiled. “Salamat.” she opened it the small box and nakita niya ang couple ring na nabili ko kanina lang bago ako pumunta sa gig namin.
Nawala ang ngiti niya at napatingin sa'kin. “Couple ring?”
“Yup!”
“I don't want to ruin the moment but, if isuot natin 'to siguradong malalaman na nila ang tungkol sa'tin.” Naisip ko na rin ang tungkol dyan.
“E di 'wag na muna nating isuot hangga't hindi pa nila alam.”
“Eh anong gagawin natin dito?”
“Gawin na muna nating pendant.”
“Good idea!” Nilapag niya yung box sa lamesa. Tinanggal niya ang kwintas niya 'saka niya inalis ang pendant nito. Kinuha niya ang isang singsing sa box 'saka ito ang ginawang pendant.
“Ako na ang magsusuot sa'yo.” I offered. Inabot naman niya agad sa'kin ang kwintas 'saka ko 'to isinuot sa kanya.
“Sana hindi nila mahalata na bago na ang pendant nitong kwintas ko.” Sabi niya.
“Hindi naman observant yung mga 'yon 'no, kaya wala kang dapat ipagalala.”
“Kung sabagay may point ka.” Inabot niya sa'kin yung singsing para sa'kin. Hinubad ko na rin ang kwintas ko, tinanggal ko ang pendant nito na maliit na gitara 'saka ipinalit ang singsing. Sinuot ko rin naman agad ang kwintas.
Sinimulan na naming dalawa ang kumain kasabay ng dahan-dahan na paginum.
“Kailan pala natin planong sabihin sa mga kabanda natin ang tungkol sa'tin? Umabot na tayo ng isang taon pero hindi pa rin natin nasasabi sa kanila.” Tanong niya.
“I honestly don't know. Kinakatakot ko lang na baka hindi nila matanggap ang relasyon natin.”
“I really feel the same.”
Hinaplos ko siya sa pisnge niya gamit ang likod ng fingers ko. “Don't worry baby, masasabi din natin sa kanila.”
“Nakaka-konsensya lang din kasi dahil nag sisinungaling tayo sa kanila.”
“Gusto mo ba sabihin na natin bukas? Mukhang mapapatunayan naman natin sa kanila na seryoso tayo sa isa't-isa kasi umabot na tayo ng isang taon.”
Napakunot noo siya. “Sure ka?”
I nodded hesitantly. Tama rin naman siya eh, nakakakunsenya na talagang maglihim sa kanila, pero nakakakaba pa rin. “Kung hindi nila matanggap, pipilitin natin silang matanggap.”
She chuckled. “Tama ka. Sige payag ako.”
We finished to eat kaya we decided na sa sala nalang namin itutuloy ang pagiinum namin habang nakikinig na rin sa music ng NSYNC. Magkatabi kaming nakaupo sa sofa. Ang kamay ko ay nakapatong sa sandalan ng upuan na parang nakaakbay ako sa kanya.
“Hindi ka pa ba inaantok? Mag ti-three am na.” Tanong niya.
“Bakit inaantok ka na ba?” Tanong ko.
She shakes her head. “No.” Sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko.
I kissed her head. “I love you.” I whispered. With or without occasion, i always told her i love her. Dahil 'yon ang palagi kong nararamdaman kapag kasama siya.
She looked up at me, smiling sweetly. “I love you too.” She kissed me on my lips. “Dito ka na matulog.” She said.
I nodded. “Okay.” Hindi naman ito ang first time na magtatabi kami eh. Maraming beses na kaming natulog na magkatabi. Natulog lang, walang iba. Pero aaminin ko, maraming beses na 'kong naakit na may mangyari sa'min, but i respect her.
Uminum ulit siya ng beer niya 'saka niya muling sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Nag stay lang kaming dalawa sa ganitong posisyon. Hindi ko ininda ang pangangawit ng balikat ko dahil sa pagsandal niya hanggang sa marinig ko nalang siya bigla na mahinang humihilik.
Binuhat ko siya papunta sa kwarto niya 'saka ko rin naman siya inihiga ng dahan-dahan sa kama niya. Tumabi rin naman agad ako sa kanya at iniyakap ang braso ko sa kanya.
Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dahil nakarinig ako ng pagalarm ng cellphone. Bumangon si Cara at kinuha ang cellphone niya sa side table.
“Ba't ka nagalarm?” Tanong ko.
She looked at me and smiled. “It's just a reminder for Mama's death anniversary tomorrow.”
“Ah! I see.”
Nilapag niya ulit ang cellphone niya sa side table 'saka siya muling humiga katabi ko.
She kissed my cheek. “Do you want to come with me tomorrow to visit Mom?”
“Isasama mo 'ko?” Ngayon niya lang ako niyaya na samahan siyang bisitahin ang Mama niya.
She nodded. “Oo kung gusto mo. Ipapakilala na rin kita sa kanya.”
I smiled. “Oo ba!”
She chuckled. “But for now, we need to prepare para ipaalam sa mga ka-banda natin ang tungkol sa relasyon natin.”
“You're right!”
To be continued...
Sorry sa paghihintay, on going na ulit siya. 😁✌
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.