Fifteen

1.3K 63 7
                                    

Kauuwi ko lang galing computer shop. Nag search kasi ako ng magandang school na pwedeng magustuhan ni Cara para pumayag na siyang sa same school na lang kami magaral.

Masaya naman akong may nahanap ako na school na merong course na pareho naming gusto. Ang gagawin ko na lang talaga ay kombinsihin siya. Sana lang ma-kombinsi ko siya.

“Jays, hindi ka pa ba mag aayos para graduation ball n'yo?” Tanong ni Mama sa'kin pagpasok ko nang bahay.

“Magpapahinga lang po ako.” Sagot ko sabay akyat papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto ko, binagsak ko ang katawan ko sa kama ko 'tsaka ako humikab. Ipinikit ko muna 'yong mga mata ko para magpahinga ng kunti.

Katok mula sa labas ng kwarto ko ang gumising sa'kin mula sa pagidlip. Dali-dali akong napabanggon dahil na realize kong may Graduation ball akong pupuntahan.

“Jayson!” Si Mama 'yon habang kumakatok sa labas ng kwarto ko.

“Gising na po!” Shit! Bakit ba kasi umidlip pa 'ko?

Nag madali na lang akong mag shower, sampong minuto lang ata ang tinagal ko sa bathroom. Nag madali na din ako sa pagbibihis ko.

Sinuot ko ang dark blue polo ko sa harap ng salamin at inisa-isang ayusin ang botones ko.

Mas natagalan ako sa pagaayos ng buhok ko kesa sa pagbibihis ko.

After kong mag asikaso nag madali na 'kong lumabas ng kwarto na ang tanging bitbit lang ay ang susi ng motor ko.

“Ma, aalis na 'ko!” Pasigaw kong sabi habang tumatakbo palabas ng bahay.

Kailangan kong mag madali dahil baka nag hihintay na sa'kin si Cara. Susunduin ko pa man din siya.

Sumakay agad ako ng motor ko at pinagana ang makina nito. Sinimulan ko ang byahe ko na may kasamang pagmamadali hanggang sa finally makarating ako sa bahay nila.

Tinabi ko lang ang motor ko 'tsaka ako bumaba at nag doorbell.

Ilang sandali nag bukas ang pinto pero hindi si Cara ang nakita ko kundi 'yong best friend niyang si Third.

Nakaramdam na naman ako ng selos nang makita siya. Ewan ko ba, kahit ilang beses na i-reassured ako ni Cara na best friend lang para sa kanya si Third hindi ko pa rin mapigilang magselos.

“Cara is your boyfriend!” Third almost shouted habang nakatingin sa loob ng bahay.

Binalik niya ang tingin sa'kin. “Hey bro.” He greeted.

“Hey.” I greeted back.

Ilang sandali lang nagpakita si Cara na mukhang inis sa pagiging late ko, pero hindi nabawasan ng pagsimangot niya ang ganda niya sa suot niyang short black dress.

She crossed her arms.

“I'm sorry, nakaidlip kasi ako eh.” I apologized.

“Alam mo bang halos isang oras ko nang suot 'tong dress ko?”

“I know, I'm sorry.”

She rolled her eyes. “Fine, let's just go. We're already late.”

Nagpaalam na muna siya sa best friend niya 'tsaka kami sumakay sa motor ko. Dahil naka-dress siya kaya pa side lang siyang umangkas. Binagalan ko na din ang pagmamaneho ko para hindi liparin masyado ang dress niya.

Nang makarating kami sa school, pinark ko agad ang motor ko. Dito palang sa parking dinig na agad ang ingay ng music na for sure nanggagaling sa gym ng school dahil do'n gaganapin ang Graduation ball namin.

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon