Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dito sa sofa. Dito na 'ko natulog after ng inuman namin kagabi ni Cara dito sa Apartment habang siya naman ay pinatulog ko na sa kwarto ko.
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at naka amoy ako na parang may niluluto sa kusina. Gising na siguro si Cara at gumagawa na ng breakfast.
Naglakad ako papunta sa kusina habang humihikab pa.
Nakita ko siyang mukhang maganda ang gising dahil nag ha-humming pa siya habang nagluluto.
Dumiretso ako paglapit sa ref at binuksan ito.
“Good morning.” Dinig bati niya.
“Morning.” I greeted back habang kinukuha ang pitsel na may lamang tubig.
“Hangover?” She asked.
“Yeah!”
Kumuha ako ng baso at sinalinan 'to ng tubig 'tsaka ako uminum. Aah! That feels good.
Binaling ko ulit ang tingin kay Cara na hindi pa rin humihinto sa pag-hu-hum niya.
“Mukhang maganda gising mo ah.” Kumento ko.
“Wala akong hangover eh.”
“Buti ka pa.”
“Ang dami mo kasing ininum eh, akala mo naman ang lakas mong uminum.”
“Kasi nga 'di ba? Nag ce-celebrate tayo.”
“Oo nga pero hindi ko naman sinabi na damihan mo ang paginum. Eh mas madami ka pang ininum sa'kin eh.”
Paano naman kasi, nainis ako sa ka-torpehan ko kaya uminum na lang ako ng uminum.
Umupo na muna ako habang busy pa siya sa pagluluto. I'm enjoying this, minsan niya lang 'tong nagagawa dito sa bahay kaya tuwing nagluluto siya dito sinusulit kong enjoyin.
After niyang magluto, tinulungan ko na siya sa paghahain niya. Nang magawa namin 'yon, sinimulan na agad namin ang kumain.
“Ngayon ka na ba mag sisimulang mag rehears?” Tanong ko habang nasa gitna kami ng pagkain.
She shakes her head. “Walang rehearsal ngayong araw, bukas pa.”
“Are you excited?”
“Oo naman!” She smiles, widely.
“Ihahatid na kita bukas para alam ko kung nasaan ang rehearsal studio n'yo.”
“Why?”
“Syempre para alam ko kung saan pupunta kapag uh... gagabihin ka at gusto mong magpasundo.”
She chuckled. “Kung magpapagabi man ako sa rehearsal, hindi naman kita iistorbohin para lang sunduin ako nu. Mamaya kung ano pang isipin ni Danna kapag ginawa mo 'yon. Mamaya ako pang maging dahilan kung bakit hindi ka pa niya sagutin. Hangga't maari ayaw kong pagselosan ako ni Danna.”
“Bakit naman?”
“Dahil alam kong magiging away lang kung pagseselosan ang best friend.”
“Bakit pinagselosan ba 'ko ng ex mo?”
“Uh... y-yeah may times na nagselos siya.”
Kaya naman pala ayaw niyang mag selos si Danna sa kanya. Well, hindi naman mangyayari 'yon dahil pinagseselos lang naman namin siya ni Danna.
Nang matapos kaming kumain, umuwi din naman agad si Cara dahil mag re-ready pa siya para sa pagpasok sa school.
--
Naglalakad na 'ko papuntang classroom nang marinig kong may tumawag sa'kin.
“Kris!” Nilingon ko 'yon at si Danna ang nakita ko. Huminto ako sa paglalakad para sabay na kaming maglakad papuntang classroom.
“Hey.” I greeted paglapit niya.
“Hey!” She greeted, smiling.
Tinuloy na namin ang paglalakad. “Kumusta daw ang pagme-meet ni Cara with The Street?” She asked.
“Ayos naman, friendly naman daw sila at nice. May natipuhan pa nga siyang band member niya eh.”
“Oh-wow! Really? Eh paano kung type din ng lalakeng 'yon si Cara?”
“Malas niya dahil nagbigay ng rule si Dorothy na bawal ligawan si Cara.”
“At pabor 'yon sa'yo.”
I chuckled. “Tama ka.”
“Pero alam naman natin na maraming hindi sumusunod sa rule.”
“Tama ka din.”
“Mauunahan ka na naman.”
“Tama ka na naman.”
She punched me on my arm. “Aww! Bakit mo ginawa 'yon?” Pagaangal ko.
“Nakakainis na kasi ang katorpehan mo. Mahirap bang sabihin na gusto kita?”
“Mahirap 'yon.”
“Talaga? Paano naging mahirap?”
Pumunta siya sa harap ko at huminto sa paglalakad kaya napahinto din ako.
Tumingin siya mga mata ko habang nakapamewang 'tsaka muling nag salita.
“Gusto kita!” She shrugged. “See ang dali lang.” She added.
“Madali lang 'yan para sa'yo kasi hindi naman 'yan ang totoo mong nararamdaman.”
“Haay! Mag best friend nga kayo.” She said shaking her head.
“What do you mean?”
“Wala.” Tumalikod siya at sinimulan na niya ulit maglakad. Gano'n na lang din ang ginawa ko.
“Tingin ko din pala dapat na natin itigil ang pagpapaselos sa kanya.” Huminto ulit siya sa paglalakad at humarap sa'kin.
“Why?” She asked.
“Hindi naman nag wo-work eh, hindi siya nag seselos. Parang dinidistansya pa nga niya ang sarili niya sa'kin dahil ayaw daw niyang magselos ka sa kanya.”
“Gano'n ba, kung gano'n anong sasabihin natin sa kanya kapag nagtaka siya kung bakit ikaw naman ang dumistansya sa'kin?”
“Sabihin nalang natin na binasted mo na 'ko.”
“Sige, gano'n na nga lang siguro.” She said, nodding. “Siguro dapat masabihan din ang mga ugok nating mga kaibigan.” She added.
“Tama ka.”
--
Oras na ng free time naming lahat, papunta na kami ng canteen para do'n tumambay.
“Sa Cara 'yon 'di ba?” Tanong ni Shaun habang nakatingin siya sa open space.
Sabay-sabay kaming tumingin sa direksyon nun at do'n ko nakita si Cara na kasama si Dorothy at apat pa na lalake. Lahat sila mukhang nagkakasayahan base 'yon sa tawanan na pumapaligid sa kanial.
“She's with The Street. Wow, she's so cool.” Danna said.
“Sino sa kanila si Ansel?” Tanong ko habang hindi inaalis ang titig sa magandang pagtawa ni Cara. Sa sobrang laki ng tawa niya halos mag blush na siya.
“Siya 'yong may hawak ng gitara at ang pinaka cute sa kanila.”
May hawak ng gitara? Siya 'yong katabi ngayon ni Cara. 'Yong lalake ngang 'yon ang may pinaka may itsura sa iba pang lalake.
Naramdaman kong kumirot 'yong puso ko dahil sa selos.
“Siya ba 'yong natipuhan ni Cara?” Tanong ni Danna sa'kin.
Tumango ako. “Oo.”
“Katulad pala ni Ansel ang tipo niya.”
Bwiset!
“Tara na!” Pagyaya ko sa lahat.
“Hindi ba natin tatawagin si Cara?” Shaun asked.
“Hindi na!” Busy naman siya sa pakikipagtawanan sa bago niyang mga kaibigan eh at do'n sa Ansel na 'yon.
Urgh! Kainis! Ganito rin ang pakiramdam ko no'ng nalaman kong nagkaroon siya ng boyfriend. Nararamdaman ko na naman ngayon! Kainis talaga!
To be continued...
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.