Nandito pa kami sa tapat ng bahay ni Jomar. May naka setup ditong mga upuan at isang lamesa kung saan nakapatong ang iniinum naming gin na may halong juice. Pinayagan kaming uminum ng Parents ni Jomar pero 'wag daw naming so-sobrahan. Tama na daw ang isang timpla ng isang gin at juice. Dahil anim kaming umiinum, siguradong hindi kami tatamaan nito.
May videoke din na naka-setup at sa ngayon, si Fiona ang kumanta ng Mirror Mirror nakalimutan ko kung sino ang kumanta nun.
Si Jomar ang tanggero namin at ang tagay na ngayon ay kay Cara. Tinungga naman agad ni Cara ang tagay niya sa awra niya feeling ko malakas siyang uminum. Ang totoo ayaw ko sana siyang pa-inumin kaso lang hindi naman kami para pagbawalan ko siya.
"Baka naman malasing ka agad niyan a!" Kumento ko.
"Don't worry Love, kaya ko sarili ko." She reassured. Sana nga kasi, nag aalala ako. Ako kasi sigurado akong kaya ko dahil isang gin lang 'yan e.
"Kanino next song tapos na 'ko?!" Fiona asked. Tinignan ko kung ano ang next song at nakita kong akin 'yon. Kinuha ko 'yong microphone at tumayo pa 'ko.
"My beautiful Cara, this is for you!" I winked at her. Nagpalakpakan naman ang mga kaibigan namin dahil sa pakana ko. "I just want to tell you na 'yong huling babaeng kinantahan ko, na in love sa'kin." Pahabol ko pang sabi bago sinimulan ang kumanta.
Tumawa lang siya sa sinabi ko.
I'm now singing Afraid for love to faid by Jose Marie Chan.
Hindi man siguro ako magaling kumanta pero marunong naman ako.
Kinakanta ko 'to habang nakatitig ako sa mga mata niya na parang ang bawat lyrics ng kanta ay para talagang nakatandahana para sa kanya.Hindi naman niya inalis ang tingin din sa mga mata ko habang kinakantahan ko siya.
After kong kumanta, palakpakan ang agad na salubong nila sa'kin pero hindi ko 'yon pinansin basta nakatitig lang sa babaeng kinantahan ko ngayon. Ang totoo naman talaga wala pa 'kong kinakantahang babae, siya palang. Sana nga lang talaga na in love siya sa ginawa ko.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at lumapit 'to sa'kin. Inabot niya 'yong kamay niya sa'kin. "Akin na ang mic ako naman ang kakanta."
Inabot ko na lang 'to sa kanya 'tsaka ako naman ngayon ang umupo.
"Love," Tawag niya sa'kin. "This is also for you and... i want to tell you too na ang huling lalakeng kinantahan ko, na in love sa'kin." She repeated my words, making me laughed.
Ang kakantahin niya ngayon ay ang Meron ba ni Nikki Valdez.
As she started to sing, lahat kami parang napanganga na lang sa sobrang pagkamangha dahil sa galing niyang kumanta. Hindi lang siya basta marunong kumanta, magaling talaga siyang kumanta!
Wow!
Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta dahil sa paghanga ko sa kanya. She's really good at singing. I didn't know about that.
After niyang kumanta, tumayo ako at pumalakpak. Naki-join sa pagpalakpak ang friends namin.
"More!" Sigaw ni Paulo na may kasamang pagpito.
"Sorry, tama na may TF na ang next." Cara told him.
Inabot na niya 'yong mic sa next na kakanta na si Aben. Umupo na kami ni Cara at hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Hindi ko parin maiwasang hangaan siya.
--
Oras na ang paguwi namin galing sa birthday ni Jomar. Plano kong ihatid si Cara sa bahay niya dahil gabi na. Si Fiona naman ay si Paulo na ang naghatid.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.