Naglalakad na ako sa Hallway papunta sa classroom ko nang makita ko si Cara na naglalakad at mukhang papunta din sa classroom nito.
Gusto kong mangumusta kung anong nangyari sa paguwi niya at ipaalam sa Mama niya ang plano niyang pagsali sa banda kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at bigla siyang inakbayan na medyo ikinagulat niya.
“Nagiging magugulatin ka na, bawas-bawasan mo na ang pagkakape.” Biro ko.
She rolled her eyes. “Sira!”
“Kumusta pagpapaalam mo kay Tita? Pinayagan ka ba na ba?” Tanong ko.
Ngumiti siya ng malaki. Ngiti palang niya mukhang alam ko na agad ang sagot.
“Pumayag siya basta hindi ko daw pababayaan ang pagaaral ko.”
“I'm happy for you.”
She giggles. “Thank you!”
“So, umuwi ka lang talaga para magpaalam kay Tita? Wala ka nang ginawa maliban do'n?”
“Well, nakita ko ulit 'yong dati kong mga classmates at napasubo na naman sa inuman.”
“Nando'n ba si Jayson Love?”
She laughed. “Wala, kaya mostly ang topic namin tungkol sa kanya. Hindi na daw kasi talaga siya nagpapakita sa kanila eh. Mabuti pa nga daw ako kahit papaano nakikita nila. Napapaisip tuloy ako kung anong ginagawa niya ngayon.”
“Namimiss mo na naman siya nu?”
“Tulad ng sinasabi ko, normal lang 'yon. Anyways... kumusta ang date n'yo ni Danna?”
“Uh...” Shit! Ano kayang idadahilan ko sa kanya? Hindi naman kasi talaga kami nag date ni Danna eh, kasi naman part lang 'yong nang pagpapanggap namin. “O-okay naman.”
“Nag enjoy ba siya? Baka na bore siya.”
“Grabe ka! Gano'n ba ang tingin mo sa'kin? Boring ka-date?”
“Hindi naman, wala ka pa kasing dini-date kaya baka dahil sa kawalan mo ng experience, na bore siya.”
“Hindi siya na bore, tuwang-tuwa pa nga siya eh.”
“Good to hear that. Teka ibig bang sabihin niyan, nililigawan mo na siya?” Tanong niya ulit.
“I uh... guess.”
“You guess? Hindi mo pa siya tinatanong?”
Umiling ako. Hindi pa namin na paguusapan na dapat ba kaming magpanggap na nililigawan ko siya.
“Haay! Ano ba! Ikaw dapat ang nag bibigay ng label sa inyo, mahirap na baka isipin ni Danna pinapaasa mo lang siya sa mga pagyaya mo sa kanya ng date.”
“G-gano'n ba, sige tatanungin ko na siya.”
“Good to hear that.”
“Nasabi mo na ba kay Dorothy ang tungkol sa pagpayag ni Tita na sumali ka sa banda?” Pagiiba ko ng topic.
“Nope! Plano ko palang siyang kausapin mamaya. Sinabihan ko din kasi siyang, ngayon ko ibibigay ang sagot sa kanya.”
“Gusto mong samahan kita?”
She shakes her head. “Mag focus ka na lang sa panliligaw kay Danna para naman magka-girlfriend ka na.”
Inalis niya ang pagkakaakbay ko sa balikat niya 'tsaka niya kinaway ang kamay sa'kin. “Mauna na 'ko, see yeah na lang mamaya.”
“Okay, balitaan mo 'ko sa paguusap n'yo mamaya ah.”
“Okay!” Pagkasabi niya nun, na una na siyang maglakad papunta sa classroom niya.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.