Ansel Adams POV
Three years after...
Palakpakan ang sumalubong sa'min sa pagtapos naming tumugtog na may kasamang hiyawan. Kaya may hiyawan dahil may mangilan-ngilang tagahanga kaming nanuod ngayon sa gig namin.
“Gusto n'yo pa munang uminum bago umuwi?” Tanong ni Ronlee ang drummer namin sa lahat nang makababa kami ng stage.
“Pass na muna ako!” Sagot ni Cara sa kanya. Binaling niya ang tingin sa'kin at binigyan niya ako ng tingin na sumunod-ka-sa'kin. Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.
“Ikaw, Ansel gusto bang uminum muna bago umuwi?” Tanong ni Ronlee sa'kin.
Umiling ako. “Hindi na, gusto ko nang matulog.” I lied. May plano kasi kami ni Cara ngayon gabi after ng gig namin. It's our first anniversary na hindi nila alam. Cara and i been dating for a year now. Eksaktong ngayong araw na naging kami pero wala ni kahit isa sa mga ka-banda namin ang may alam nun. Kaming dalawa lang ang nakakaaalam. Hindi namin pinaalam dahil sa binigay na rule ng Manager naming si Dorothy na bawal pormahan si Cara.
Pero pareho naming sinuway ni Cara 'yon dahil hindi ko na kasi talaga maitago sa kanya yung nararamdaman ko at gano'n din naman siya.
I can still remember kung paano ko inamin sa kanya ang nararamdaman ko. I invited her na mag hangout kami, kaming dalawa lang. Sinama ko siya sa lahat ng paborito kong lugar. Kung saan ako bumibile ng CDs, sa paborito kong Bar, pinanuod din namin ang Paborito kong local banda na Southboarder sa gig nito. It was like a date for me kahit na ang tingin niya lang noon do'n ay hangout lang ng magka-banda. Hinatid ko siya sa Apartment niya after ng not-so-called-date namin. Nasa tapat kami ng pintuan niya ng aminin ko sa kanya kung gaano na 'ko katagal na may lihim na pagtingin sa kanya.
At first ipinaalala niya sa'kin yung rule na hindi namin siya pwedeng pormahan. Pero inamin ko rin sa kanya na hindi ko na kayang pigilan yung nararamdaman ko kaya sinabihan ko siyang pagisipan niyang mabuti kung tatanggapin niya ang feelings ko para sa kanya o hindi.
Hindi naman ako nasaktan at na disappoint sa sinagot niya sa'kin. Dalawang linggo after kong aminin sa kanya ang feelings ko, inamin din niya na may feelings siya for me. Simula noon hindi na 'ko nagaksaya ng oras at tinanong ko na siyang maging girlfriend ko. Walang ligawang nangyari basta tinanong ko na agad siya at pumayag din naman agad siya.
I was so happy that day magpasa-hanggang ngayon din naman. Hindi ko nga siguro siya nilagawan noon pero araw-araw ko naman na siya nililigawan. Gano'n ko sinusulit na iparamdam sa kanya na mahal ko siya.
“Ano ba 'yan, ang ke-KJ n'yo naman eh!” Pagaangal ni Ronlee.
“Bakit ba trip mo ngayong uminum ha?” Tanong ni Polo ang base guitarist namin sa kanya.
“Baka nabasted.” Natatawang sabi naman ni Enrique ang guitarist namin.
“Gago! Tss! Babae lang 'yon 'no!” Sabi ni Ronlee na nagpatawa kay Enrique.
“Ang hilig mo kasi sa babae, yung babae naman walang hilig sa'yo!” Biro ng manager naming si Dorothy. May nagkaka-trip naman dito kay Ronlee, nagkataon lang na yung mga trip niyang ligawan, hindi siya ang trip.
“Wow! Pulutan ako ngayon ah!” Sarkastikong sabi ni Ronlee na nagpatawa sa'ming lahat.
“Sige, mauna na 'ko ah!” Paalam ni Cara.
“Bunso, mag iingat sa pagmamaneho mo ah!” Sabi ni Polo sa kanya. Bunso ang tawag sa kanya ni Polo dahil parang kapatid na ang tratuhan nilang dalawa.
“Oo nga, hinihingal na pa naman 'yang Oner mo!” Pagsangayon ko. Maraming beses ko na siyang sinabihan na bumili na ng bagong masasakyan pero ang sinasagot lang niya ay hindi niya afford bumili. Alam kong afford niya 'yon dahil may naiwang pera sa kanya ang Mama niya kaya lang napakakuripot noya. Sinasabihan ko siyang ibibili ko nalang siya pero tinatanggihan naman niya.
Tumawa sila Enrique at Ronlee sa kumento ko.
Cara rolled her eyes. “Hinihingal ka dyan! Maayos pa yung takbo niya 'no! 'Saka 'yon nalang ang remembrance ko kay Mama.”
'Yan nalang palagi ang dinadahilan niya. Pero pwede namang maging remembrance pa rin 'yon kahit hindi na niya ginagamit eh.
She waved her hand. “Sige na, mauna na 'ko!”
“Sabay na tayo.” Sabi ko. Kinaway ko na rin ang kamay sa kanila bilang pagpaalam.
Sabay na kami ni Cara na naglakad papuntang parking. Pinipigilan ko na hawakan na ang kamay niya kahit na gustong-gusto ko na 'tong gawin. Nagaalala lang ako na baka nakasunod sa'min ang ibang kabanda namin at mabisto kami.
Plano naman naming sabihin sa kanila ang tungkol sa'min, naghahanap pa nga lang ako ng tyempo.
Sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang sa Oner na. “Drive safe, baby.” Pagpapaalala ko sa kanya nang makasakay siya sa Oner.
“I will! Magkita tayo sa Apartment, okay?”
I nodded, smiling. “Syempre naman.” Gusto ko siyang halikan kaya lang baka may biglang sumulpot na ka-banda namin. Mahirap ang ganitong sitwasyon pero nakakaya pa naman naming i-handle kahit papaano.
Sinimulan na niya ang pagmamaneho kaya pumunta na rin naman na 'ko sa kotse ko. Sumakay ako dito at pinagana ang makina 'saka ko sinimulan ang pagmamaneho para sumunod papunta sa Apartment niya.
Sa Apartment kasi niya naming planong mag celebrate ng Anniversary.
Sa pagdating ko sa Apartment niya nasa loob na siya. Pinark ko na yung kotse ko, binitbit ko ang bag ko 'saka ako naglakad papalapit ng pinto.
Kumatok ako ng tatlong beses ilang sandali lang pinagbuksan niya ako ng pinto. Hinawakan niya ako sa kamay, hinila niya ako papasok 'saka niya sinarado ang pinto. Pagsara ng pinto agad niya akong niyakap ng mahigpit.
“Happy anniversary, baby.” Bati niya.
I hugged her back. “Happy anniversary din baby.”
Ako ang unang bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Hinawakan ko siya sa chin niya 'saka ko siya hinalikan sa labi tulad ng kanina ko pa gustong gawin. It's just a sweet kiss.
“I love you.”
She showed me her perfect smile. “I love you too.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.