Twelve

1.5K 71 2
                                    

Exams week...

Naka focus lang ako dito sa Test Paper na sinasagutan ko. Mabuti na lang nakapag-review ako kaya may nasasagot ako. Salamat na lang sa kasama ko laging mag review, ang maganda kong girlfriend na si Cara.

No'ng una tinatamad akong mag review eh, kaso pinilit niya ako. Ayaw ko naman siyang magalit sa'kin kaya pumayag na 'ko.

Baka hindi rin kasi ako makahalik kapag magalit siya.

After our madugong exams... napa-sandal na lang ako sa sandalan ng upuan ko.

“Nahirapan ka ba sa exam?” Tanong ng mahal ko sa'kin. Tumingin lang ako sa kanya, nag pout din ako 'tsaka tumango.

Kahit nag review kami 'yong iba mahirap pa din.

“Maaga uwian ngayon, uuwi na ba kayo agad?” Fiona asked us.

“I don't know. My Love, uuwi na ba tayo?” Tanong sa'kin ni Cara.

“Hindi ko alam, baka biglang magyaya sila Paulo na gumala.”

“Kung gano'n sila ang tanungin natin.” Cara said 'tsaka siya tumayo na bitbit ang bag niya.

Tumayo na din ako bitbit din ang bag ko. Kinuha ko ang bag ni Cara para ako ang mag buhat nito 'tsaka kami sabay-sabay na tatlo na naglakad palabas ng classroom namin.

Naka-akbay ako kay Cara habang nag lalakad kami sa Hallway.

Nakasalubong naman namin sila Paulo na mukhang plano kaming puntahan sa classroom namin.

“Uuwi na ba kayo?” Tanong ni Paulo sa'min.

“Kayo?” Tanong ko.

“Nakakatamad pang umuwi eh.”

“Foodtrip na lang muna tayo, bago umuwi!” Fiona suggested.

“Laro na lang tayong counter strike!” Jomar suggested.

“Ano namang alam namin do'n? Ma-bo-bored lang kami ni Cara sa panunuod sa inyo.” Fiona asked him.

“E di, maglalaro kami habang kayo ni Cara mag fo-foodtrip.”

“Guys may exam pa din bukas, kesa maglaro kayo sa computer shop mag review na lang kayo.” Cara told Jomar.

'Yan ang girlfriend ko. Aral muna bago computer.

“Jays, ano tingin mo?” Jomar asked me.

“Syempre susunod ako sa girlfriend ko at sa suggest ni Fiona na kumain. Nagutom ako sa exam eh.”

“Okay! Final decision mag fo-foodtrip tayo! Libre ni Jays!” Paulo exclaimed.

“Ano? Teka! Si Cara lang ililibre ko nu!”

“Ang mabuti pa, pumunta na lang tayo sa bahay at magluto. Do'n tayo kumain.” Cara suggested.

“Much better!” Fiona agreed.

“Yeah!” I agreed.

Kami na ang nag lead ng way ni Cara para sa'ming lahat. Dumiretso kami ng parking para kunin ang motor ko. Sinabihan lang namin sila na mauuna na lang kami ni Cara sa bahay nito at sumunod na lang sila. Wala naman kasi silang motor tulad ko.

Pagsakay namin ng motor ko, sinimulan ko na agad ang byahe papunta sa bahay ni Cara.

Nang makarating kami do'n, itinabi ko muna 'yong motor ko 'tsaka siya bumaba. Pinatay ko muna 'yong makina ng motor 'tsaka din ako bumaba.

Sabay na kaming pumasok sa bahay niya.

“Mag bibihis na muna 'ko sa kwarto ko, my Love.” Paalam niya sa'kin.

“Uh... Pwede ko bang makita ang itsura ng kwarto mo?” Tanong ko sa kanya.

Siguro halos araw-araw na 'ko dito sa bahay niya para samahan siya habang wala si Tita pero hindi ko pa nakikita 'yong kwarto niya.

“Why?”

“Curious lang ako kung ano'ng itsura nun.”

Napaisip siya sandali 'tsaka din naman nagsalita. “Okay. Follow me.”

Ngumiti ako ng malaki dahil sa sagot niya.

Siya na ang na unang umakyat, sumunod lang ako sa likod niya hanggang sa makarating kami sa unang pinto dito sa second floor.

Binuksan niya ang pinto at nakita ko ang isang simple at medyo magulo niyang kwarto. May poster siya ni Avril Lavigne at gano'n din ang The Beatles na nakadikit sa dingding. 'Yong kama niya mukhang dahil sa pagmamadali sa pagpasok ng school nakalimutan na niyang ayusin.

“Pasensya na makalat, hindi pa 'ko naglilinis eh.” She apologized.

“No it's fine.”

Lumapit siya sa closet niya at kumuha ng pangpalit na damit. Pumasok siya sa bathroom niya para siguro mag palit.

Lumapit na muna ako sa kama at umupo dito. Napatingin ako sa study table niya at do'n ko nakita ang tatlong picture frame na nakapatong dito. 'Yong isa litrato niya na kasama ang mga magulang niya, 'yong isa ay litrato nila nung siguro ay yumao niyang Papa at 'yong isa naman ay nagpaselos sa'kin dahil litrato nila 'yon ni Third.

Tsk! Kahit hindi na namin na paguusapan ang tungkol sa best friend niya inaatake pa din talaga ako ng selos pagdating sa kanya.

Gusto ko din na may picture kaming dalawa.

“Tapos na 'kong mag bihis.” Dinig kong sabi niya. Nilingon ko siya bilang respond sa sinabi niya. Naksuot na siya ngayon ng short at T-shirt.

Tumayo na 'ko at hinarap siya. “Gusto ko mag picture din tayo tapos ilagay mo din sa frame at ipatong sa study table mo.”

Napataas siya ng kanang kilay niya na parang nagtataka sa sinabi ko 'tsaka niya na ibaling ang tingin sa side table niya kaya mukhang na gets niya kung bakit ko biglang nagustuhan na magkaroon kami ng litrato.

“Okay. Gawin natin 'yon, may camera ka ba?”

“Meron sa bahay! Ang gusto ko nakahalik ka sa'kin 'tsaka nakayakap.”

She laughed. “Para ka talagang ewan.”

I shrugged. “'Yon ang gusto ko eh.”

Lumapit siya sa'kin at tumayo sa harap ko. “Paano bang yakap ang gusto mo?” Niyakap niya ako sa bewang ko. “Ganito ba?”

“Gusto ko 'yong mas mahigpit pa.” Hinigpitan naman agad niya ang yakap niya sa'kin.

“Ganito?”

I just nodded, smiling.

“At paanong halik ang gusto mo?” Hinalikan niya ko ng mabilis sa pisnge ko. “Ganyan ba?”

Umiling ako bilang sagot. Sa halip na sagutin siya ginawa ko na lang. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya at nilapat ang labi ko sa labi niya. I used my tongue to ask a permission to enter her mouth. She parted her lips. I thrusted my tongue to her mouth and play with her tongue, sensuously.

I moan between our passionate kiss.

Ito ang unang beses na nag kiss kami ng passionate and it's so... good.

Siya ang unang bumitaw sa halik naming dalawa. I looked at her face, her cheeks are red.

“H-hindi naman pwede 'yong gano'ng kiss sa picture eh.” She embarrassingly said.

I laughed. “Tama ka.”

She bites her lower lip. She can't look at straight at my eyes.

Nakarinig kami ng doorbell mula sa laba ng bahay. Tingin ko 'yon na ang mga kaibigan namin.

She cleared her throat. “Bumaba na tayo.”

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Mabuti na din 'to dahil baka kapag tumagal pa kami dito sa kwarto niya baka mabali ko na 'yong sinabi ni Tita na alamin ang limit naming dalawa.

To be continued...

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon