Eight

1.5K 73 8
                                    

I'm waiting for Cara here outside her house para sunduin siya. I'm highly nervous right now kasi ito na ang araw para tanungin si Cara kung pwede ko na ba siyang maging girlfriend.

Pero mamaya pang break time 'yong plano ko. Kasabwat ang ibang friends namin.

Sana lang hindi mahalata ni Cara ang kaba ko dahil baka mahuli niya ang plano ko. Sana lang din talaga mapapayag ko siyang maging kami na.

Lumabas na 'to sa bahay nila na bitbit ang bag niya.

“Good morning, Love.” She greeted with a bright smile.

I half a smile. “Good morning din.”

Pinagana ko na 'yong makina ng motor ko. Umangkas naman siya agad habang ang mga kamay niya ay nakayakap sa bewang ko.

Sinimulan ko na ang pagmamaneho papunta ng school. Habang nasa byahe kami mukhang good mood siya dahil kumakanta pa siya. Sana lang hindi magbago 'yang mood niya kapag tinanong ko na siya, mamaya.

Nang makarating kami ng school, pinark ko lang sandali ang motor ko ‘tsaka siya bumaba. Nang maayos ko sa pagkaka-park ang motor ko, sabay na kami ni Cara na nag lakad papunta sa classroom namin.

“Love, ayos ka lang? Bakit kanina ka pa tahimik?” Tanong niya habang nag lalakad kami.

Kinakabahan kasi talaga ako.

“May inisiip lang.”

“Ano 'yon?”

I shake my head. “Wala.” I smile to reassured her.

She shrugged. “Okay, sabi mo e.”

Buti na lang hindi na siya nag dagdag pa ng tanong.

Nang makarating kami ng classroom, dumiretso agad kami sa upuan namin. Nag usap naman agad si Cara at Fiona pagupo namin.

Kakuntyaba ko din Fiona sa plano namin. Plano niyang samahan at patagalin kundi ang oras nila ni Cara sa canteen para sa plano, sana naman 'wag siyang madulas at masabi kay Cara ang plano namin.

Dumating naman ang teacher namin sa First subject na si Ma'am Horja at sinimulan nito ang klase. Habang nasa klase, hindi ako makapag focus. Pina-practice ko na kasi sa isip ko 'yong sasabihin mamaya kay Cara. At dahil wala akong focus napagalitan pa 'ko ng teacher namin.

Nang dumating ang break time...

“Mauna na 'ko a!” Paalam ko kay Cara. Hindi na 'ko nag hintay pa ng sagot niya basta lumabas agad ako ng classroom namin.

Tumakbo ako papunta sa classroom nila Paulo. Tumakbo ako na akala mo may humahabol sa'king may hawak na baril dahil sa sobrang kaba ko.

Pagdating ko ng classroom nila Paulo nakita ko na nagtataka ang mga classmates nila.

“Dude, where is it?” Tanong ko kay Paulo. I'm referring sa, bulaklak, teddy bear and chocolates. Nabasa ko lang sa internet na 'yan daw ang best na iregalo sa babaeng nililigawan.

Pinakita niya sa'kin 'yong teddy bear at chocolate habang nasa table ni Jomar ang bulaklak. “Dyaheng bitbit ko 'to Dude, pasalamat ka't malakas ka sa'min.” Paulo said.

Alam kong dyahe 'to, alam ko ang pakiramdam pero wala na akong pakialam do'n para naman 'to sa babaeng nagugustuhan ko.

“Salamat!”

Lumapit sila sa'kin at inabot na 'to sa'kin.

“Nasaan na si Cara?” Tanong ni Paulo.

“Papunta na ng canteen kasama si Fiona.”

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon