Nineteen

1.1K 48 1
                                    

Tapos na ang inuman kaya oras na para sa uwian...

Nasa byahe na kami ni Cara, tahimik lang siya siguro dahil medyo madami siyang na inum.

“Third,” Tawag niya sa'kin habang nasa gitnan ako ng pagmamaneho.

“Bakit? Susuka ka ba?”

“No!” She looked at me. “I'm happy for you.”

“Happy for what?”

“You finally got a girlfriend! Hallelujah! Honestly akala ko gay ka dahil wala ka manlang pinapakilalang girlfriend sa'kin.”

Pambihira! Pinagkamalan pa 'kong bakla. Sa gwapo kong 'to?

“Magpahinga ka na nga lang.”

She laughed. “Just kidding Third. Pero totoong masaya akong may girlfriend ka na.”

Hindi pa man din nag sisimula ang totoong pagpapaselos namin sa kanya ni Danna nakakaramdam na 'ko na parang hindi 'to gagana kasi masaya pa siya na akala niya may girlfriend na 'ko.

Pero kung iisipin din naman. Noong nalaman ko na may boyfriend na siya sobrang nag selos talaga ako pero ang lagi ko lang sinasabi sa kanya na masaya ako para sa kanya.

Maybe gano'n din ang nararamdaman niya. Sana nga.

“Hindi ko pa girlfriend si Danna.”

“Kailan mo siya liligawan? Bagay kaya kayo.”

“Let's see. I don't know.”

“Ako ang una mong sasabihan kapag kayo na ha! Kung hindi magtatampo ako.”

“Oo na.”

Balik na siya sa pananahimik niya.

Nang makarating kami sa Dorm niya, naririnig ko na 'yong paghilik niya ng mahina ibig sabihin tulog na siya.

Paano ko naman siya gigisingin kung ganyan na kasarap ang tulog niya?

Sumandal na muna ako sa upuan ko at pinagmasdan ko na lang muna siya sa pagtulog niya. Lagi ko 'tong nagagawa at na e-enjoy tuwing matutulog siya sa Apartment ko.

“Cara,” Tawag ko sa kanya pero hindi siya nag respond. Malalim na talaga ang tulof niya. “I love you Cara. Papayag ka kaya kung sakaling mahalin kiya ng mas higit pa sa kaibigan? Kasi 'yon na ang nararamdaman ko talaga sa'yo noon pa kahit nagkaroon ka pa ng Love mo.”

I sighed. Tuwing tulog na lang siya 'tsaka ko nagagawang mag confess.

“Cara!” Tawag ko ulit pero hindi muli siya nag respond.

“I love you.”

“Mmm.” She mumbled.

I smiled looking at her. Ito ang unang beses na may respond siya kahit na Mmm lang.

Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog na lang din tulad niya.

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko dahil sa pagsara ng pinto sa kotse ko. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin kay Cara. I saw her holding a cup of coffee and one bottled water on her both hands. Iba na ang damit niya ngayon, siguro pumasok na siya sa dorm niya then binalikan na lang ako dito.

“Good morning Third, anong gusto mo? Coffee or cold water?”

“Coffee.” Kinuha ko 'yong kape na umuusok pa sa init.

“Bakit hindi mo 'ko ginising kagabi? E di sana do'n ka sa Apartment mo natulog.”

“Ang lakas na kasi ng hilik mo eh.” Hinipan ko ang kape ko 'tsaka ako uminum.

“Dapat ginising mo pa din ako, ang sakit tuloy ng likod ko.” She pouts.

“Ako din naman ah.” Nakakangawit kayang matulog ng nakaupo.

“Anyways, salamat sa paghatid.”

“Welcome.”

Inubos ko lang ang kapeng tinimpla ni Cara for me 'tsaka ko binalik ang tasa sa kanya.

“Aalis na 'ko salamat sa pa kape.”

“No problem. Ingat ka.” She kissed my cheek then binuksan na niya 'yong pinto ng kotse. Bago niya 'to isara may pahabol pa siyang sinabi.

“Teka, okay lang bang halikan ka pa din sa pisnge kahit na may girlfriend ka na?” Biro niya. Tungkol siguro 'to kay Danna.

“Wala pa 'kong girlfriend.” Gi-girlfriend-in palang kita!

“Malapit na. Sigurado ako.” She winked.

Sana nga, malapit nang maging tayo.

Kinaway niya ang kamay niya sa'kin bilang pagpapaalam 'tsaka niya sinarado ang pinto.

Pinagana ko na 'yong makina ng kotse ko. Papanuorin ko muna siyang pumasok sa dorm niya pero sinenyasan na niya ako na umalis na.

Sinimulan ko na ang pagmamaneho ko pauwi ng Apartment.

--

Naglalakad na 'ko ngayon dito sa Hallway ng school papunta sa classroom ko. Nang makarating naman ako, nakita ko 'yong mga kaibigan ko na mukhang walang hangover dahil nagtatawanan. Kasama na rin do'n si Danna.

Naalala ko na naman tuloy 'yong pinagusapan namin kagabi.

“Uy Kris!” Tawag sa'kin ni Rocco sa'kin nang makita ako kaya lahat sila napatingin sa direksyon ko.

Ngumiti naman agad sa'kin si Danna at sinuklian ko din naman agad 'yon.

“Naks! Puta may ngitiang nagaganap ah!” Pangaalaska ni Shaun.

Dahil sa biro niya binatukan siya sa likod ng ulo ni Danna. Buti na lang ginawa niya 'yon.

“Tumahimik ka nga!” She scolded him.

Lumapit na lang ako sa kanila at umupo na din sa upuan ko.

“Hey, kailan natin sisimulan ang operation pagselosin si Cara?” Tanong ni Danna pero 'yong tipong pabulong lang dahil magkatabi lang naman kami ng upuan.

“Kahit kailan pero alam mo tingin ko malabong mapagselos natin siya.”

“Tss! Maniwala ka, mag seselos 'yon.”

“Paano kung hindi?”

“Kung gano'n sumuko ka na, wala talaga siyang feelings para sa'yo!”

Badtrip kung gano'n.

“Ano bang pinagbubulungan n'yo dyang dalawa?” Tanong ni Shaun sa'min.

“May pinaplano lang kami ni Kris.”

“Ano naman 'yon? Ba't 'di n'yo kami sinasali dyan?” Tanong ni Klay.

“Baka date nila 'yong pinaplano, pre.” Biro ni Rocco.

“Tingin ko dapat malaman nila 'yong plan natin, baka makatulong sila at tigilan na nila ang pangaasar sa'tin.” Danna told me.

“Uhm... Kung ayos lang sa'yo, sige ayos lang sa'kin.” Sigurado kasing magtataka din sila kapag pinagseselos na namin si Cara sa harap nila.

“Ano ba 'yon? Ang lihim n'yo masyado ah!” Shaun said.

“Plano naming pagselosin si Cara.” Danna told him.

“Woe! Gagana ba 'yan?” Shaun asked, tumingin siya sa'kin kaya ibig sabihin para sa'kin ang tanong na 'yon.

I shrugged. “Sana.”

To be continued...

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon