Tapos na sa pagluluto niya si Cara at gano'n din ang pagtulong ko sa kanya. But still wala pa rin si Tita so she decided na mag shower na muna.
Na iwan muna ako dito sa sofa nila habang nakaupo at hinihintay si Cara sa pagtapos niyang maligo.
Habang nakaupo ako biglang pumasok sa isip ko 'yong paguusap namin ni Cara. Base sa mga sinasabi niya kanina at tingin niya feeling ko kapag tinanong ko siya na kung pwedeng maging kami papayag siya.
Sana nga pumayag siya.
Nang matapos siya sa pag shower niya pinuntahan niya ako dito sa sofa kahit na basa pa ang buhok niya. Umupo siya sa tabi ko at tumingin sa'kin ng may curious look.
"Why are you smiling?" She asked.
"Uh... Wala."
"Meron e. Imposible namang kaya ka nakangiti dahil baliw ka?"
I chuckled. "Tama ka, baliw ako. Baliw na baliw sa'yo."
"Ang korni mo, Love."
"Korni pero gwapo."
"Gwapong walang abs."
"At least gwapo!"
She yawned. Teka! Na bo-bored ba siyang kausap ako?
Bigla niyang sinadal ang ulo niya sa balikat ko. "Inaantok ako, Love."
"'Wag mo 'kong tulugan, mawawalan ako ng kausap."
She chuckled. "I'll try."
"Anong oras ba darating si Tita?"
"Malapit na."
"Ako lang ba ang bisita?" Kakausapin ko siya ng kakausapin para 'di siya antukin.
"Yeah! Wala na kaming kamaganak ni Mama. Dalawa na lang kami, tapos hindi pa niya hilig na i-celebrate ang birthday niya."
"Kung gano'n bakit tayo mag ce-celebrate ngayon?"
Tinanggal niya ang pagkakasandal niya sa balikat ko at tumingin sa'kin na may pilyang ngiti. "Dahil pasaway akong anak."
I laughed, softly. "Ang cute mo talaga."
She makes a face. "Ano'ng kinalaman ng pagiging cute ko sa usapan natin?"
I shrugged. "Maybe because lagi ka nalang cute sa paningin ko." Hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot nito kaya parang ayaw ko na 'tong bitawan. Pinaglapat ko ang mga palad namin na parang isang couple.
I looked at her face. Nakatingin lang siya sa mga kamay naming magkahawak ngayon.
"Cara," I called her kaya napunta ang tingin niya sa mata ko. "I--"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakarinig kami ng ring ng telepono. Badtrip! Panira ng pagco-confess ko.
Bumitaw si Cara sa pagkakahawak niya sa kamay ko at sinagot niya ang tawag sa Telepono na katabi lang ng sofa.
"Hello? Third?!!" Ngumiti siya ng sobrang laki. Sino kaya 'yong Third na 'yon na nagpangiti sa kanya ng ganyan? Mabanggit palang niya 'yong Third para na siyang na excite bigla.
She giggles. "Ayos naman ako, si Mama as always nasa work pa din kahit birthday niya. What makes you call? Do you miss me?"
Tss! Sino ba 'yang kausap niya?
"Okay ipaparating ko na lang kay Mama ang pagbati mo. Kay... Bye."
Ibinaba na niya 'yong tawag 'tsaka siya muling tumingin sa'kin at 'yong ngiti niya 'di pa din mawala.
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.