Twenty Five

1K 38 4
                                    

Natapos ang unang round ng pagkanta ng The Street na may four song. Ang una, solo ni Cara. Ang pangalawa naman ay may solo si Ansel pero nag se-second voice naman si Cara at ang pangatlo at pangapat naman ay duet nilang dalawa.

May kanta sila sa duet nila na minsan nagtitinginan sila sa mata ng isa't-isa na may kasama pang ngiti sa labi. Nakakapagselos pero wala naman akong magagawa.

Papalapit sa'min si Cara at habang naglalakad ito papalapit sa'min may mangilan-ngilang mga lalake at babaeng bumabati sa kanya.

Mukhang sisikat na nga siya.

“Hi guys!” Bati niya sa'min paglapit niya.

“Ang cool mo kanina Cara!” Kumentong paghanga ni Klay sa kanya.

“Salamat, kinakabahan nga 'ko eh.” Cara said.

“Parang hindi naman halata sa'yo.” Kumento naman din ni Rocco.

Cara laughed. “Magaling lang akong magtago.”

Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti.

“Hindi na masama para sa first performance mo.” I said.

“Salamat.”

Siguro dapat dumiskarte na 'kong sabihin sa kanya itong nararamdaman ko sa kanya. Kailangan ko nga lang mag isip kung paano.

“Tutugtog na ba kayo agad?” Tanong ko.

Umiling siya. “Mamaya pa kaya makikigulo muna ako sa inyo.”

“Gano'n ba. Uh...” Tumingin ako sa mga grupo ng tingin ko ay mga couple na ngayon ay nag sasayaw. “Gusto mong sumayaw?”

“Bakit gusto mong sumayaw?”

“W-wala lang. Bakit, hindi ka na ba pwedeng makasayaw ngayon dahil sikat ka na?”

“Sira! Nagtatanong lang eh.” Inabot niya 'yong kamay niya sa'kin. “Tara na.”

Hinawakan ko na 'to 'tsaka ako na ang humila sa kanya papunta sa dance floor.

Nang makarating kami, nilagay ni Cara ang mga kamay niya sa balikat ko. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa bewang ko. Kapansin-pansin din na pinagmamasdan kami ng iba, siguro dahil sikat na siya ngayon.

“Siguro dapat masanay na 'kong pinagtitinginan ka ng mga schoolmates natin.” I said.

“Pinagtitinginan ba nila tayo?”

“Hindi mo napapansin?”

She shrugged. “Ayaw ko lang din sigurong pansinin.”

“Siguro iniisip nila kung sino 'yong gwapong kasayaw mo.”

She laughed. “Gusto mo ba isigaw ko sa kanila?”

I chuckled. “'Wag na.”

“Bakit nga pala ako ang niyaya mo at hindi si Danna?” Tanong niya.

“Uh kasi...” Hindi pa niya alam ang tungkol sa paghinto namin ni Danna ang pagpapaselos sa kanya, hindi naman kasi gumagagana. Masyado kasi siyang nakafocus sa banda niya ngayon kaya hindi ako nabigyan nang pagkakataong masabi 'yon. “Ang totoo, hindi na 'ko nanliligaw sa kanya.”

“What?!! Why???!!” Gulat niyang tanong.

“Basted ako eh.”

“Bakit nga?”

“Bakit parang gulat na gulat kang na basted ako?”

“Eh kasi naman na sa'yo na lahat ng qualities ng boyfriend na hinahanap ng babae sa isang lalake kaya sobrang nakakagulat na mababasted ka. May ginawa ka bang kalokohan kaya ka niya binasted?”

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon