Twenty Seven

1K 42 0
                                    

Nandito na kami ngayon hospital kung saan tinuro ni Ansel. Nag text siya sa mgaka-bandmates niya kung saan kami didiretso para puntahan si Cara.

Halos paliparin ko kanina ang kotse ko dahil sa pagaalala ko kay Cara. Kung ano mang nangyari kay Tita for sure nahihirapan at nasasaktan ngayon si Cara dahil siya nalang ang pamilya nito ngayon.

Sa nurse station kami nag tanong kung saan ang hinahanap naming pasyente at nang maituro naman niya 'to pumunta na agad kami do'n.

Nang makarating kami nadurog ang puso ko nang makita ko si Cara na umiiyak ng sobra, habang yakap-yakap siya ni Ansel at hinahaplos ang likod nito bilang pag-comfort.

Sa iyak niyang 'yan mukhang hindi maganda ang nangyari kay Tita.

“Cara,” Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa direksyon ko. Bumitaw siya sa pagkakayakap ni Ansel sa kanya at lumapit ito sa'kin.

Niyakap niya agad ako 'tsaka siya mas lalong humagulgol ng iyak.

“Sorry kung ngayon lang ako.” I apologized.

“Wala na siya Third. Wala na si Mama.”

Shit!

Niyakap ko na siya ng mahigpit. “Shh. Tahan na, Cara. I know ayaw ni Tita na umiyak ka ng ganyan.”

“Magisa na lang ako ngayon.”

“No, nandito pa kaming mga kaibigan mo.”

“Your friend is right Cara.” Dinig kong sabi ng isang ka-banda ni Cara na siyang Basses nila.

Pero imbes na ma-comfort namin siya, parang mas lalo pa siyang umiyak. Ngayon ko lang siya ulit na nakitang ganito. She's always bubbly, happy and charming. It breaks my heart to see her like this to think na hindi ko pa siya pinapansin nang mangyari 'to sa kanya, sobrang nakaka guilty. Mas inintindi ko 'yong sakit na nararamdaman ko kaya tuloy no'ng malaman niya ang balita sa Mama niya hindi ako ang una niyang na iyakan.

--

Ito na ang araw ng paglibing sa Mama ni Cara. Kasama sa pakikilibing ang nga ka-trabahong pulis ng Mama niya, ang mga kaibigan niya no'ng Highschool except sa ex niya na kahit sa pakikilamay hindi ko nakita. Pero 'yong Mama daw nito ay dumalaw at nakiramay kay Cara. Nandito din ang mga ka-bandmates niya and si Dorothy na ilang araw nang bumabalik at lumuluwas para makiramay.

Hindi naman ako umalis sa tabi ni Cara. Same kaming hindi pumapasok ng school nitong mga nakaraan na araw. Ni hindi ko rin maasikaso 'yong papers ko para sa planong pagaaral ko sa ibang bansa tulad ng gusto ni Mama. Hindi ko siya maiwan dahil maliban sa malungkot siya, nagaalala akong pabayaan niya ang sarili niya. Hindi rin niya masyadong makausap ang mga dumadalaw sa Mama niya dahil mas madalas siyang matulala.

Katulad ngayon nasa tabi niya lang ako, naka akbay ako sa kanya habang at paminsan-minsan niyayakap siya dahil sa walang tigil niyang pagiyak lalo na't ngayon na ang huling beses na makikita niya 'to.

Ito lang ang kaya kong gawin for her.

After ng burial ng Mom ni Cara, umuwi na muna kami ni Cara sa bahay nila ng Mom niya. 'Yong ibang nakilibing ay nagsiuwian na din naman maliban sa ka-bandmates niya na sumama sa'min sa bahay.

Plano kasi nilang sabay-sabay na kaming umuwi, plano lang naming pagpahingahin si Cara.

Sa pagdating namin sa bahay, hinatid ko si Cara hanggang sa kwarto niya. Pinaupo ko siya sa gilid ng kama. Tapos na siya sa pagiyak niya pero 'yong mga mata niya malungkot pa din.

“Magpahinga ka muna, mamaya pa naman tayo uuwi.” I told her.

Hindi siya umimik sa sinabi ko basta humiga na lang siya at nagtalukbong ng kumot.

Lumabas na 'ko ng kwarto para hindi na siya istorbohin pa. Dumiretso ako sa sala kung saan nando'n ang ka-bandmates niya.

“How is she?” Ansel asked.

“Nagpapahinga na siya.” Sagot ko.

“Tulog na ba?” Polo asked.

I shake my head. “Hindi pa, nakahiga lang siya nung umalis ako sa kwarto niya.”

“Nakakapanibago talagang makitang ganito si Cara.” Sabi ni Ronlee na may malungkot na tono sa boses nito.

“Tama ka, siguro dapat gumawa tayo ng paraan para pangitiin ulit siya.” Sabi naman ng guitarist nilang si Enrique.

“Sa ngayon nagluluksa pa siya kaya bigyan n'yo muna ng space.” Suggest ni Dorothy.

“Dorothy is right.” Ansel agreed.

“Salamat sa pagaalala n'yo kay Cara.” Sabi ko na dahilan para mapatingin silang lahat sa'min.

“Hindi mo kailangang magpasalamat, kaibigan din kami ni Cara.” Sabi ni Polo.

“She needs us now, ang importante sa ngayon 'wag natin siyang hayaang mapagisa.” Dorothy said.

Sangayon ako sa sinabi niya. Baka kasi mas lalo lang siyang malungkot kung ma-fe-feel niyang mag isa siya.

Sana lang maging mabilis ang recovery niya dahil sobrang nagaalala ako sa kanya.

“Third, tingin ko dapat magpahinga ka na din. Pareho lang kayo ni Cara na halos walang tulog.” Sabi ni Dorothy sa'kin.

“Hindi naman ako inaantok eh, sa Apartment ko na lang ako babawi ng tulog.” 'Wag lang sana akong antukin sa byahe namin mamaya, ako pa naman ang magmamaneho dahil dala ko 'yong kotse ko dito.

Nagpunta na lang muna ako sa dining para do'n ako magpahinga at umupo. Wala na kasi akong maupuan sa sala dahil na ukupahan na nila 'yon.

Naghintay kami ng oras hanggang sa dumating ang oras nang pagalis namin.

Binalikan ko si Cara sa kwarto niya, kumatok muna ako sa pinto 'tsaka ko 'to binuksan. Gising na si Cara. Nakaupo na siya sa kamay niya habang yakap yakap niya ang tuhod niya.

Tumingin siya sa direksyon ko.

“Nakapagpahinga ka na ba ng maayos?” Tanong ko.

“Oo.” Medyo paos ang boses niya. Pinaghalong pagod at pagiyak na siguro ang dahilan niyan.

“Aalis na tayo, mag prepare ka na.”

“Dito na muna ako kahit isang linggo pa, sumabay ka na sa kanila.”

“Pero--”

“Don't worry about me Third, I'm fine i promise. Gusto ko lang mapagisa.”

“No, we all agreed na hindi ka hahayaang mapagisa.”

“Wala naman akong gagawing masama nu, gusto ko lang talagang mapagisa.”

“'Yan ba talaga ang gusto mo?”

She nodded. “Oo. Babalik ako after one week.”

I sighed. “Okay. Sasabihan ko sila, pero hindi ko alam kung ma-co-convince ko sila.”

“Ako na ang bahalang kuminbinsi sa kanila.”

“Okay.” Pagsangayon ko.

To be continued...

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon