Eighteen

1.1K 46 2
                                    

Nandito na 'ko ngayon sa tapat ng dorm ni Cara para sunduin siya. Sabay na kasi kaming pupunta sa Club. Nakasandal lang ako sa kotse ko habang hinihintay siya at 'yong mga babaeng nakatira din sa dorm napapatingin sa direksyon ko 'yong iba sinusubukan pang magpa-cute.

Cute naman sana sila, kaya lang mas cute si Cara.

Hindi na bago sa'kin 'yang mga tingin ng babae tuwing sinusundo ko si Cara. Nabanggit pa nga ni Cara sa'kin na 'yong ibang girls daw dito ay interesado sa'kin.

Ilang sandali lang finally lumabas na si Cara sa dorm niya. Nakasuot siya ng pantalon at gray T-shirt. Buti na lang hindi siya nag dress dahil lalo lang kaming matatagalan sa pagalis dahil hindi ko siya papayagang gano'n ang suot niya sa Club. Baka mabastos siya at mapaaway pa 'ko.

“Sikat ka na naman sa girls dito sa dorm, pinaguusapan ka nila hanggang sa loob.” Sabi niya pagkalapit niya sa'kin.

“Paano mo naman nasabing ako ang pinaguusapan nila?”

“Eh kasi ikaw lang naman ang lalakeng nag hihintay dito sa kotse na nakasuot ng polo.”

Nilibot ko ang tingin sa paligid. Oo nga nu?

“Tara na?” She asked.

“Okay.”

Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat. Nang makasakay siya ako naman ang sumakay sa driver's seat. Pinagana ko ang makina at sinimulan ko ang byahe namin.

Habang nasa byahe kami nag patugtog ng radio si Cara at sinabayan niya 'yong kanta sa Radio. Naalala ko na naman tuloy 'yong tuwa niya nang may mag offer sa kanya sa banda.

“Alam mo na ba kung ano'ng name ng bandang sasalihan mo?” Tanong ko sa kanya.

The Street daw.”

“Bakit The Street?”

She shrugged. “I don't know, hindi ko natanong eh.”

“May na meet ka ng band member?”

She shakes her head. “Wala pa pero ang sabi nung nakausap ko puro lalake palang daw ang member.”

Dagdag suitor na naman pala 'yon. Hindi na 'ko mabibigla kung isa sa kanila may manligaw kay Cara.

Nakarating kami ni Cara sa Club kung saan mahilig pumunta ang kaibigan kong si Shaun.

Pinark ko lang ang kotse ko sa parking at pumatay ang makina 'tsaka naman kami sabay na bumaba.

Sabay kaming pumasok ni Cara habang naka-akbay ako sa kanya. Ngayon palang babakuran ko na siya baka kasi may mang bastos sa kanya.

Si Shaun agad ang una naming hinanap. We saw him with some of our classmates na babae at lalake na sina Danna, Rocco at Klay.

“Hey!” Shaun called us nang makita kami habang kinakaway ang kamay niya.

“Kanina pa namin kayo hinihintay ah.” He said.

“Ang tagal ni Cara mag bihis eh.” Pabiro kong sabi.

“Ang tagal? Tignan mo nga suot ko, paanong magiging matagal mag bihis ang ganito lang ang suot.”

I chuckled. “Biro lang!”

“Maupo na kayo.” Shaun told us 'tsaka kami inabutan ng tig-isang beer. Ininum naman agad 'yon ni Cara na akala mo uhaw sa alak.

Tsk! Tsk! Tsk!

Dinahan-dahan ko lang inumin ang beer ko dahil mahina akong uminum at 'di pwedeng magpakalasing dahil magmamaneho pa 'ko pa uwi.

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon