Thirty

1.7K 56 24
                                    

Months after...

Papunta na sana ako sa kwarto para matulog na nang makarinig ako ng katok ng pinto mula sa labas ng Apartment ko. Bukas na kasi ang flight ko papuntang Australia kaya plano kong matulog nang maaga.

Pinagbuksan ko na muna 'yong kumakatok at laking bigla ko na ang makita ay si Danna. Sa tagal niyang pagiwas sa'kin talaga namang nakakapagtaka na nandito siya ngayon sa Apartment ko.

“Hey Kris! Kumusta?” She sounded drunk.

“Danna? What are you doing here? Are you drunk?”

“No, I'm not drunk. Nakainum lang!”

“What brought you here?”

“I miss you.” Yeah! She's drunk. “Bukas na ang alis mo 'di ba? I wanted to see you bago ka umalis.” She added.

“Bakit hindi ka ba sasama kela Shaun para ihatid ako bukas sa Airport?” Tanong ko.

She shakes her head. “Hindi! Ayokong makita kang umalis.”

“Bakit?”

“Masakit kasi para sa'kin ang makita kang aalis.” She pokes my chest. “Hindi mo ba 'ko papapasukin ha?!”

“Y-yeah, sige pasok ka.”

Dumiretso kaming dalawa sa sala, pinaupo ko siya sa sofa pero hindi naman siya nakinig. Nakatayo lang siya habang tila tulalang nakatitig sa sofa.

Humarap siya sa'kin na may malungkot na mga mata. Bigla niya akong niyakap sa bewang ko 'tsaka ko narinig ang paghikbi niya.

“B-bakit ka umiiyak?” Tanong ko na may halong pagaalala.

“Mamimiss kasi kita.”

“Kung mamimiss mo naman pala ako, eh bakit hindi mo 'ko pinapansin?”

“Dahil gusto kong i-distansya ang sarili ko sa'yo para makalimutan ko na ang feelings ko sa'yo. Pero langya eh, hindi mawala. Ngayon alam ko na kung bakit gusto mo din umalis para makalimutan si Cara, naiinitindihan ko na mahirap alisin ang feelings mo sa isang tao lalo na kung lagi mo 'tong nakikita. Kaya kahit alam kong masakit para sa'kin na umalis ka tatanggaping ko. Kris, sana kapag nakalimutan mo na siya, ako nalang ang sunod mong mahalin.”

Pinabitiw ko siya sa pagkakayakap niya sa'kin 'tsaka ko pinunasan ang luha niya. “I can't promise you anything Danna, but i won't close door. You are very attractive woman, you're a good person, madali ka lang magustuhan.”

“So okay lang bang sabihin na... I will wait for you?”

“No, don't wait for me. Alam mo kung soon magiging tayo talaga kahit maghintay ka man o hindi, mangyayari 'yon. Hindi kasi natin masasabi ang future kaya ayaw kong maghintay ka, malay mo kasi may magustuhan ka ng iba at makalimutan mo na 'ko--” Bigla niyang hinalikan ng mabilis sa labi ko kaya nahinto ako sa pagsasalita ko.

Napakurap ako ng maraming beses dahil sa pagkabigla.

“I'm still going to wait.” She said. Napatitig lang ako sa mga mata niya at kitang-kita ko na seryoso siya sa sinabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya. “Ihahatid na pauwi.”

She shakes her head. “Ayokong umuwi. Gusto pa kitang makasama sa mga huling oras mo dito sa Pilipinas.”

“What do you mean? Dito ka matutulog?”

She nodded. “Gano'n na nga.” Mukhang seryoso din siya sa sinabi niyang dito siya matutulog.

“O sige, do'n ka na sa kwarto ko dito na 'ko sa--” Bigla niya akong hinila sa paglalakad papunta sa kwarto ko.

What is she doing?

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon