Ring ng cellphone ang gumising sa pagtulog ko. Napaungol ako dahil sakit ng ulo ko agad ang naramdaman ko. Uminum kasi ako magisa kagabi dito sa Apartment ko kaya heto ngayon ang napala ko.
Kinuha ko na lang ang cellphone ko sa side table at sinagot ang tumatawag without looking at the screen.
“Hello?” I sounded husky.
“Krisostomo, this is your Mom.”
Parang biglang nagising ang diwa ko dahil sa kanya. “Ma, napatawag ka po?”
“May sasabihin kasi ako sa'yong importante.”
Umupo ako mula sa pagkakahiga ko at napahawak agad ako sa ulo ko. Urgh! Fuck this hangover.
“Ano po 'yon?”
“After nang school year mo dyan, dito ka na sa Australia magaaral. Kaya asikasuhin mo na 'yong mga papers mo sa pagalis.”
“What?”
“You heard me, ikaw na lang ngayon ang nandyan sa Pilipinas kaya nagaalala ako.”
“Pero Ma, ayos naman ako dito. Hindi ko naman kailangang--”
“Krisostomo, ang gusto ko magsama-sama tayo dito sa Australia. 'Tsaka sinabihan na kita dati na susunod ka sa'min 'di ba?”
“Opo.”
“Kung gano'n 'wag ka ng makipag-talo, asikasuhin mo na 'yong papers mo. Kapag nagkaroon nang problema sa Visa sabihan mo 'ko, uuwi ako dyan para tulungan kang asikasuhin lahat. Understand?”
“Opo.” She ended the call.
Shit!
May idea naman akong mangyayari talaga 'to, hindi nga lang ako prepared na malapit na pala akong umalis. Lalo na't parang hindi pa 'ko handang umalis.
Kung iisipin din naman baka sa pagalis ko tuluyan na 'kong makalimot sa nararamdaman ko for Cara. Kung malayo ako baka, mawala na 'tong nararamdaman ko para sa kanya.
Two weeks na din, two weeks na no'ng nag confess ako sa kanya. Two weeks na simula no'ng Acquaintance Party. Two weeks na no'ng hindi kami nag uusap.
Sinusubukan niya akong kausapin pero umiiwas naman agad ako. Hindi pa kasi talaga ako handang makausap siya. Siya ang dahilan kung bakit ako laging nagpapakalasing kahit na napakahina ko namang uminum.
Alam kong nahihirapan siya katulad kung paano ako nahihirapan. Mas masakit nga lang talaga sa part ko dahil hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa'kin. Mahirap naman sa kanya dahip iniisip niyang baka mawala na ang best friend niya sa kanya.
Kaya ko naman eh, kaya namang matanggap na maging mag kaibigan na lang kami. Hindi nga lang muna ngayon, masyado pang masakit.
--
Naglalakad na 'ko papuntang classroom ko nang makita kong makakasalubong ko sa paglalakad si Cara. Kasama niya ang mga kabanda niya at lahat sila mukhang may pinaguusapang nakakatuwa dahil lahat sila nakangiti.
Nabaling ni Cara ang tingin niya sa'kin kaya 'yong ngiti niya ay nawala.
Tinuloy ko lang ang paglalakad ko at nilampasan lang siya na akala mo hindi ko siya nakita. Masakit 'tong pagiwas ko sa kanya, hindi ko lang talaga mapigilang gawin 'to.
“Third!” Dinig kong tawag niya.
Huminto ako sa paglalakad pero hindi ko siya hinarap. Narinig ko ang paglalakad niya papalapit sa'kin hanggang magpakita siya sa harap ko.
“Uy hanggang kailan mo 'ko hindi papansinin?” Tanong niya. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
“I told you to give me time 'di ba?”
“Pero miss na kita.”
Ako din naman miss ka na.
Naglakad na lang ulit ako 'tsaka ko muling narinig na tinawag niya 'ko.
“Third!”
Tinuloy ko lang ulit ang paglalakad nang hindi siya pinapansin. Ni hindi ko din siya nilingon kahit isang beses. Hanggang 'yong paglalakad ko ay dalhin ako sa classroom ko.
Umupo din naman agad ako sa upuan ko.
“Pre, mukhang may hangover ka pa ah!” Biro ni Shaun sa'kin.
Hindi ko lang 'yon dahil wala ako sa mood ngayon para sa mga biro.
“Ayos ka lang?” Danna asked.
Tumango lang ako bilang sagot.
“Alam mo hindi mo dapat pinapahirapan 'yang sarili mo, kung miss mo na siya kausapin mo na siya. Mas lalo ka lang nasasaktan dahil sa ginagawa mo.”
Bigla kong naibaling ang tingin ko sa kanya. Sa tono niya kanina at sa itsura niya para siyang naiinis sa hindi ko alam na dahilan.
“Mahirap pa 'yon sa ngayon.” Sagot ko sa sinabi niya.
“Ba't 'di mo nalang kasi tanggapin na hindi niya kayang suklian ang feelings mo para sa kanya, mag move on ka na!”
“Tanggap ko na.”
“'Yon naman pala eh, ba't nag mumukmok ka pa dyan?”
“Wait! May nagawa ba 'ko? Bakit parang ang init ng ulo mo sa'kin?”
“Dahil nakakairita nang araw-araw lagi na lang parang end of the world sa'yo. Nakakasira ng araw kapag nakikita kong ganyan ang awra mo! Katabi pa man din kita!” Irita niyang sabi na may kunting pag irap pa.
Hindi nalang ako sumagot para matigil na din ang pagkairita niya sa'kin.
Nang dumating ang free time...
Hindi sumama sa'min si Danna para pumunta sa Cafeteria, siguro badtrip pa din siya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang irita niya sa'kin wala naman akong dinadamay sa pagmumukmok eh.
“Pre, kasalanan mo kung bakit hindi sumama sa'tin ngayon si Danna.” Kumento ni Rocco.
“Bakit ko naman naging kasalanan? Wala naman akong ginagawa.”
Hindi ko naman siya sinabihang 'wag sumama sa'min para hindi na siya mairita sa'kin.
“Gago pre manhid ka ba? Gusto ka ni Danna.” Sabi ni Klay na nagpatawa sa'kin.
“Gago! Ba't naman magkakagusto sa'kin si Danna?” Alam niya na may gusto akong iba kaya paanong magkakagusto sa'kin 'yon?
“'Di namin alam, siya tanungin mo.” Klay said.
“Wala siyang gusto sa'kin!” Pagtatama ko.
“Basta pre, malakas ang hinala kong trip ka nun ni Danna kaya nag tataray sa'yo dahil puro ka Cara kahit na binasted ka na niya.” Rocco said.
“Pre, may point sila.” Shaun comments.
Umiling ako ng umiling. Imposible 'yon. Wala akong makitang dahilan ni Danna para magustuhan niya 'ko.
“Teka sandali!” Dinig naming boses ng isang lalake na parang kami ang tinatawag.
Sabay-sabay kaming lumingon at 'yong pinsan ni Klay na ka-bandmate ni Cara at 'yong dalawa pa nitong badmate na hindi ko pa alam ang pangalan.
Bakit hindi nila kasama si Cara at Ansel?
“Dude, kaibigan ka ni Cara 'di ba?” Tanong nung isang lalake sa'kin. Medyo hingal siya dahil tumakbo sila papalapit sa'min.
“Oo, bakit?”
“Tumawag kasi sa'min si Ansel, magkasama sila ni Cara kanina nang may tumawag kay Cara na may masama daw na nangyari sa Mama niya.”
“Woe! What? Anong nangyari kay Tita?” Biglang kumabog ang puso ko dahil sa pagpapanick at pagaalala kay Cara.
“Hindi pa namin alam. Ang alam palang namin sinamahan ni Ansel si Cara para puntahan ang Mama niya. Magpapasama sana kami sa'yo baka alam kung saan sila pwedeng pumunta. Nagaalala din kami kay Cara eh.”
“Okay.”
To be continued...
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.