Thirty Three

975 38 8
                                    

Nasa byahe na kami ngayon ni Cara papunta sa studio kung saan may rehearsal kami with the band. We are both quite, maybe pareho kaming medyo kinakabahan sa plano naming sabihin sa kanila ang tungkol sa'min.

We both plan na after ng rehearsal namin sasabihin para hindi sila ma-distract habang nag re-rehears kami.

Pagdating namin sa rehearsal studio, sabay na kaming dalawa na bumaba sa kotse ko.

Lumapit din naman agad ako sa kanya. “Are you ready?” I asked.

“I'm ready to rehears pero ang pagsabi sa kanila ng tungkol sa'tin, i don't know. Kinakabahan ako.” Pagamin niya.

“Do you want to postpone it muna?”

She shakes her head. “No, i want it now. Prepared na 'ko ngayon, kinakabahan lang talaga ako.”

“Sige.” Tinapik ko siya sa ulo niya ng marahan. “Don't worry, everything will be just fine.”

Huminga siya ng malalim. “Sana nga.”

“Hoy kayong dalawa,” We heard Dorothy's voice. Sabay kaming napatingin sa direksyon niya na mukhang papasok na rin sa studio. Nakaramdam ako ng kunting kaba, narinig kaya niya pinaguusapan namin? Sa kanilang lahat kasi mas kinakabahan kami sa magiging reaksyon niya dahil siya ang Manager at gumawa ng rule na bawal pormahan si Cara. “Bakit nandyan pa kayo?” Tanong niya.

Medyo nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi naman niya narinig.

“Papasok na kami.” Si Cara ang sumagot. Tuluyan ng pumasok si Dorothy sa Studio habang kami ni Cara ay naiwan pa dito.

“'Di kaya niya narinig pinaguusapan natin?” Tanong ni Cara sa'kin.

“Mukhang hindi naman.”

Huminga siya ulit ng malalim. “Pumasok na tayo.”

Siya na ang naunang pumasok sa'min papasok ng Studio, habang nakasunod lang ako. Sa pagpasok namin, mukhang may pinagkakatuwaan lang sila dahil sa pagtatawanan na sumalubong sa'min.

“Anong meron?” Tanong ni Cara sa kanila.

“Tangna, si Polo may nabuntis daw ata.” Natatawang sabi ni Enrique. Sa pagiging babaero ni Polo, hindi na 'ko masyadong mabibigla kung may mabuntis nga siya.

“Oh my gosh! For real?” Cara asked Polo.

“'Di pa nga sigurado kung sa'kin nga 'yon, eh yung babaeng 'yon kasi marami na ring na i-kama. Malay ko ba kung akin nga 'yon o do'n sa ibang lalake niyang na i-kama?”

“Pag singkit ibig sabihin sa'yo 'yon, Dude!” Natatawa namang sabi Ronlee na nagpatawa sa'ming dalawa ni Enrique.

“Ano bang sabi nung babaeng na buntis? Ikaw daw ba ang ama?” Tanong ni Dorothy.

Polo shakes his head. “Hindi, nalaman ko lang sa iba na buntis siya.”

“Mukhang hindi naman ikaw ang ama, kasi kung ikaw talaga nakabuntis sa kanya 'di ba dapat ipaalam niya sa'yo 'yon?”

“Badtrip sa'kin 'yon eh, kaya kahit siguro mabuntis ko 'yon hindi pa rin niya sasabihin.”

“Sabi ko naman kasi sa'yo, magtino ka na!” Cara scolded him.

“It's hard bunso, lalo na kung ganito ka-gwapo.” Sagot ni Polo na may ngisi sa labi.

“Gwapo nga, gago naman.” Kumento ni Dorothy na nagpatawa sa lahat. Mukhang naging magandang topic 'to para mawala ang kaba naming dalawa ni Cara.

“Tama na ang chikahan, may sasabihin ako sa inyo.” Dorothy said again.

“Ano 'yon?” Tanong ni Ronlee.

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon