“Third!!” Dinig kong sigaw ng best friend kong si Cara habang nag lalakad ako sa hallway ng school. Halos mag echo ang boses nito sa dahil sa sobrang lakas.
Nilingon ko siya.
Nakita kong tumatakbo siya papalapit sa'kin habang suot nito ang bonnet na binigay ko sa kanya. May pangalan niya 'to kaya kung sino mang mapapatingin sa bonnet niya for sure malalaman agad ang name niya.
Paglapit niya bigla siyang tumalon at niyakap ako kaya halos matumba ako. Buti na lang naka-balanse agad ako.
“You look happy, anong meron?” I asked habang nasa kalagitnaan kami nang yakapan. Ito ang dahilan kung bakit lagi kaming pinagkakamalang na mag boyfriend/girlfriend dahil malambing siya. Private man o in public.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa'kin. She's grinning widely kaya for sure may masaya siyang ibabalita sa'kin. “Someone offered me na maging vocalist ng band!” She jumps, giggling.
“Oww? Really? How?” Now i know kung bakit siya masaya. Hilig niya talaga ang music ever since lalo na ang pagkanta pero na lilimitahan siya dahil pinagbawalan muna siya ni Tita na kumanta o sumali sa mga contest na ginagawa niya noon para makapag-focus siya sa pagaaral.
“I was just singing in the girls room here at school dahil na lss ako sa isang kanta then may kasabay ako na nasa girls room din na nag ma-manage ng isang band. Nag hahanap sila ng girl vocalist and she thinks na qualified ako!”
“So, tatanggapin mo?”
“I don't know yet, kakausapin ko pa si Mama about do'n.”
“And 'pag pumayag siya?”
“Tatanggapin ko 'yon!”
“I'm happy for you!”
She smiles. “Thanks! I'm just really hoping na pumayag si Mama. Nakaka-miss na mag perform sa stage. Five years na ata no'ng huling maka-kanta ako sa isang stage.”
I chuckled. “Yeah! Puro Videoke ka na lang.” Lahat napapatitig sa kanya 'pag sinimulan na niyang kumanta.
“Anyways, dahil may magandang balita ako manglilibre ako ngayon. May klase ka pa ba?”
“Wala na. Hindi ko tatanggihan 'yang pa-libre mo!” Inakbayan ko siya dahil baka bigla siyang umatras pa 'to sa panglilibre. Minsan lang siya mangalok kaya susulitin ko na.
Sinimulan ko na ang maglakad at dahil naka akbay ako sa kanya wala na siyang choice kundi ang maglakad din.
“Kapag ba sinabi mo kay Tita ang about dyan sa offer sa'yong maging vocalist, uuwi ka pa sa inyo?” Tumutuloy kasi siya ngayon sa isang dorm kaya kung sasabihin niya ng personal 'yon kailangan pa niyang umuwi sa kanila at dalawang oras din ang byahe do'n.
“Yup! Kung sa cellphone lang baka hindi ko siya mapapayag.”
“E di may chance na magkita kayo ng first Love mo.”
“Hindi din. Tuwing umuuwi naman ako hindi ko siya nakikita ang sabi ng mga dati naming classmate minsan lang umuwi 'yon do'n at kung umuuwi naman daw nasa bahay lang nila.”
“Updated ka pa din ah.”
She shrugged. “Kinu-kwento nila eh.”
“Namimiss mo pa rin ba?”
She just make a pa-cute face. Ganyan lang lagi ang ginagawa niya kapag ayaw niyang sagutin ang tanong lalo na't alam kong magsisinungaling lang siya.
“So, namimiss pa nga.”
“First love ko 'yon nu! Normal lang naman 'yon.”
“Hiniwalayan mo kasi eh.”
“Para 'yon,”
“Sa kanya.” Ako na ang tumapos sa sasabihin niya kasi alam ko na 'yon ang sasabihin niya. 'Yon naman lagi ang sinasagot niya sa'kin eh.
Ginulo ko ang buhok niya. Ginawa nga niya para sa lalakeng 'yon pero nasaktan naman siya.
Nakarating kaming dalawa sa Cafeteria at tulad nga sinasabi niya nilibre niya ako. Sana hindi masayang ang panglilibre niya at payagan siya ni Tita na kumanta ulit. Isa kasi 'yon sa nagpapasaya ngayon kay Cara.
“Kris!” Dinig kong tawag sa'kin pagka-pwesto namin ni Cara sa isang table. Nilingon ko kung sino 'yon at si Shaun ang kaibigan ko/ classmate ang nakita ko na papalapit sa'min.
“Hi Cara!” Bati niya kay Cara.
“Hi!” She greeted back.
“Sama ba kayo mamaya sa'min? Mag ka-Club kami.”
“Sinong kasama?” I asked.
“Sino pa ba e di mga kaibigan natin.”
“Join ako dyan!” Cara said.
“No! Kakainum mo lang kagabi iinum ka na naman! Gusto mo bang ipa-rehab na kita? Napapadalas na 'yang paginum mo eh.” Pabiro pero medyo seryoso kong sabi.
She laughed. “Grabe ka! Rehab talaga agad?”
“Lasingera ka na kasi!”
“Kapag may nagyayaya lang ako umiinum!”
“Eh paano kung araw-araw may nagyayaya, e di araw-araw ka ding iinum?”
“Siguro.” Napailing nalang ako sa sagot niya. Nag smile naman siya ng pa-sweet at nag peace sign.
“Para talaga kayong mag syota, bakit hindi n'yo subukang dalawa? Malay n'yo mag work.” Kumento ni Shaun na may kasamang nakakalokong ngisi sa labi.
Siraulo talaga siya, hindi naman lihim sa kanya na may gusto ako kay Cara kaya inaalaska niya kami.
“Tigilan mo nga 'yan, pre!” Pagsuway ko kay Shaun.
He raised his hands. “I'm just saying. Anyways, sasama ba kayo o hindi?”
“Sasama ba tayo?” Cara asked.
“Parang gusto mo lang akong gamitin para makainum ka eh.”
“Grabe ka talaga sa'kin! Hindi lang 'yon para sa'kin nu! Para 'yon sa'yo malay mo may makilala kang babae do'n chance mo nang magka-girlfriend!”
Tumawa si Shaun sa sinabi ni Cara. “Makinig ka sa best friend mo, pre!”
Para namang kailangan ko 'yon, 'tsaka paano ako poporma sa babae kung ang babae ngang mahal ko hindi ko magawang pormahan.
“Oo na, sige na! Sasama na din ako.” Pagsangayon ko na para matapos na. Minsan lang din naman 'to eh.
“Okay! Magkita-kita na lang tayo sa Club mamaya ah!” Shaun said.
Tumango lang kami sa kanya bilang sagot.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.