Papunta na ako ngayon sa bahay ni Cara para sunduin siya at sabay na kaming pumasok ng school. Maaga akong gumising para dito. Wala siyang idea sa plano ko, gusto ko siyang surpresahin.
Nang makarating ako sa bahay niya, itinabi ko lang muna 'yong motor ko at pinatay din ang makina nito.
Nag doorbell naman muna ako ipang sandali lang nag bukas ang pinto nila at si Tita ang nakita ko na naka uniform na ng pulis.
"Magandang umaga ko."
"Oh ang aga mong manligaw a!" Tita comments.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko. "Uh... Susunduin ko lang po sana si Cara."
"Cara, may sundo ka!"
Ilang sandali lang nag pakita na rin si Cara at ngiti ko agad ang sinalubong ko sa kanya.
"Ang aga mo a!" She comments.
"Susunduin kasi kita."
"I see. Sige kukunin ko lang 'yong bag ko." Pumasok na ulit siya sa loob 'tsaka muling nag salita si Tita.
"Motor mo ba 'yan?"
"Opo."
"'Yan gagamitin nyo?"
"Opo."
"Ayusin mo pagmamaneho."
"Opo."
Nag pakita ulit si Cara at this time bitbit na niya 'yon bag niya. "Aalis na po ako, Ma." Bumeso muna siya kay Tita bago siya tuluyang lumapit sa'kin.
Lumapit naman agad kami sa motor ko. Sumakay ako dito at pinagana ang makina. Nang mapagana ko 'to umangkas na sa likod si Cara. Dahil na nakapalda siya kaya pa side siyang sumakay sa motor ko. Kumapit naman na siya sa bewang ko kaya pinaandar ko na 'yong motor ko.
Dahil medyo malayo naman na kami sa bahay nila nag salita ako.
"'Wag ka lang kumapit sa bewang ko, yumakap ka."
"Love, mag focus ka na lang sa pagmamaneho mo 'wag ka ng pumaraan!"
I chuckled. "Malay mo lang naman, gumana."
Nang makarating kaming dalawa sa school, pinark ko lang muna 'yong motor ko 'tsaka siya bumaba. Nang mapatay ko ang makina at maitabi ng maayos ang motor sinimulan na namin ni Cara ang mag lakad papunta sa classroom namin.
"Hoy Love, may hindi pa pala ako natatanong sa'yo." Tanong niya habang nasa hallway kami.
"Ano 'yon?"
"Bakit sinabi mo kay Mama kagabi na manliligaw kita?"
"Bakit hindi ba?"
"Hindi ka naman nanliligaw nu! May usapan lang tayo na kapag nagka-abs ka na hindi naman mangyayari 'tsaka magiging tayo."
"Confident akong magkaka-abs ako kaya sinabi kong nanliligaw ako para hindi mabigla si Tita na tayo na agad."
"E paano kung hindi ka magka-abs?"
"E di liligawan kita!" Inakbayan ko siya 'tsaka ko siya hinila papalapit sa'kin. "Gagawin ko ang lahat maging akin ka lang!"
"Bakit?"
"Isn't it obvious? Because i like you!"
Hinawi na niya 'yong kamay kong naka-akbay sa kanya. "Oo na, sige na! Baka ma-late na naman tayo dahil sa'yo."
Bigla tuloy pumasok sa isip ko 'yong paghalik ko sa kanya. Natutuwa talaga akong malaman na ako ang first kiss niya. Kainis nga lang dahil hindi siya ang first kiss ko. Tsk!
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.