Napabuntong hininga ako.
Napapabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan ko ang shirtless kong katawan sa salamin dito sa gym.
Bukas na!
Bukas na ang deadline ni Cara sa pustahan naming dalawa and until now wala pa din akong abs. Well siguro may shape na pero hindi ito ang usapan namin.
Haay! Nakakainis talaga! Confident pa naman akong malapit na maging kami tapos, ayas naman nitong makisama ng abs ko.
"Par, mukhang matatagalan pa talaga bago maging kayo ni Cara." Kumento ni Aben.
Kasama ko ang mga tropa ko dito sa gym para suportahan ako sa pagpapa-abs ko.
"Par, baka maunahan ka pa ng iba dyan. Pansin n'yo rin naman 'di ba? Maganda si Cara kaya madaming dude ang nakakapansin na sa kanya sa school." Reden comments. Totoo 'yon maski ako nararamdaman at nakikita ko 'yon.
"May narinig nga akong naguusap tungkol kay Cara e. Kung 'di lang daw dikit ng dikit si Jays kay Cara baka pinormahan na nila si Cara." Jomar said.
"Hindi kayo nakakatulong dude!" Paulo scolded them.
Napa iling na lang ako 'tsaka ko sinuot ang sando ko.
"Anong plano mo ngayon, Par?" Paulo asked me.
"Mukhang sa ibang paraan ko na lang siya pasasagutin. Wala pa nga lang akong idea kung paano."
Umalis na kami ng gym after naming mag workout. Plano na naming umuwi nang makita namin si Cara na mukhang kagagaling lang sa Market dahil sa bitbit nitong groceries.
Tumakbo agad ako papalapit sa kanya. "Bakit ang dami mong dalang grocery?" Tanong ko paglapit ko sa kanya.
"Birthday kasi ni Mama, plano ko siyang ipagluto."
"I see. Let me help you with that!" Kinuha ko sa kanya 'yong isang plastic ng nag at ako ang nag buhat nito.
Binaling ko ang tingin ko kela Paulo na mukhang hinihintay ako. "Mauna na kayo, ihahatid ko pa si Cara." I told them.
"Okay!" Sagot ni Paulo.
Sinimulan na namin ni Cara ang mag lakad papunta sa kanila.
"Saan ka pala galing?" Tanong niya.
"Gym, nag workout kami."
She chuckled. "Bukas na pala and deadline natin. May abs ka na ba?"
"Uh... Anong lulutuin mo para kay Tita? Pwede ba 'kong makikain?" Pagiiba ko agad ng topic. Hindi ko pa kasi alam ang isasagot sa kanya e.
"Yeah sure! Para may kasama naman kaming mag celebrate ni Mama."
"Okay. After kitang mahatid, uuwi muna ako para makapag shower na muna."
She smiles. "Okay."
Nang makarating kami sa bahay niya. Hindi na muna ako pumasok. Inabot ko lang sa kanya 'yong grocery na ako ang nag bitbit 'tsaka din naman agad ako nag paalam.
Dumiretso na 'ko sa paguwi ko sa bahay. Pagdating na pagdating ko, pumasok ako sa kwarto ko at nag shower. After ko namang mag shower, nag bihis din naman agad ako. Nag pantalon ako and gray T-shirt. Nang matapos ako, lumabas na ulit ako ng kwarto ko.
Bumaba ako ng hagdan, nasa sala na 'ko nang marinig kong tinawag ako ni Mama.
"Jasyon!"
Nilingon ko siya. "Po?"
"Kararating mo lang aalis ka na ulit?"
"Uh... May pupuntahan lang po akong birthday."
"Birthday nino?"
![](https://img.wattpad.com/cover/122105566-288-k868042.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Name Is Cara
RomanceAng istoryang ito ay tungkol sa mga lalakeng dumaan sa buhay ni Cara.