Twenty

1.1K 41 3
                                    

Our free time came...

Papunta na kami ngayon sa Cafeteria para do'n tumambay at kumain na din.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad papunta sa Cafeteria nakita ko si Cara na mukhang papunta din ng Cafeteria at may kausap siyang isang unfamiliar na babae.

“Cara!” Tawag ni Shaun sa kanya.

Lumingon ito sa direksyon namin at ngumiti nang makita kami. Lumingon lang din ang babaeng kasabay niyang maglakad 'tsaka sila sabay na huminto sa paglalakad at hinintay kaming makalapit.

“Tatambay din kayo sa Canteen?” Cara asked.

“Gano'n na nga, free time eh. Ikaw?” Tanong ko.

“Do'n din ang punta ko. Anyways,” Tinapik niya 'yong braso nung babaeng kasama niya. “She's Dorothy, siya 'yong Manager ng Banda na The Street.”

Kung gano'n siya 'yong babaeng nag offer sa kanyang sumali sa banda. Kasing tanda lang ata namin siya, 'di kaya masyado pa siyang bata para mag manage ng banda?

“The Street? Teka, kilala mo si Ronlee?” Tanong ni Rocco do'n sa Dorothy.

“Yup! Siya 'yong drummer ng band. Why you know him?”

“Oo, pinsan ko 'yon eh. Pero bakit kayo magkasama ni Cara? Bakit may nanliligaw ba kay Cara na The Street member?”

Dorothy shakes her head, chuckling. “No. Kinausap ko lang si Cara para itanong ulit kung sasali ba siya sa banda namin. I'm kinda desperate na para makahanap ng girl vocalist namin at si Cara lang talaga ang nakikita kong qualified.”

“Woe! Cara, bandista ka na pala!” Manghang sabi ni Klay.

“Not yet, hindi pa 'ko nakakapag paalam. Pero sana, makasali ako sa kanila.”

“Uh... Sige na, mauna 'ko sa'yo. Sabihan mo lang ako kapag nakausap mo na ang Mama mo.” Dorothy told Cara.

“Okay.” Kinaway na niya ang kamay niya bilang pagpapaalam sa'min.

“Cara, sasali ka talaga sa The Street?” Tanong ni Danna sa kanya.

“Gano'n na nga.”

“Wow! Swerte mo kung gano'n kasi naman kilala sa school ang The Street.”

“Talaga? Ba't parang hindi ko naman sila kilala?” I comment.

“Kasi sa girls lang sila popular dahil gwapo sila lahat. It makes sense kung bakit nag hahanap sila ng girl vocalist para makahatak ng boy fans.” Danna said.

Haay! Kung may dadag na bagong suitor dahil may makikilala na naman siyang mga lalake na baka soon maging mga ka-banda niya, madadagdagan pa ng mga fans na lalake.

Badtrip talaga! Kapag wala akong ginawa baka lalo lang lumabo na maging kami. Sana talaga gumana 'yong pagpapaselos namin ni Danna sa kanya.

“Tara na, pumunta na tayo ng canteen.” Sabi ko sa lahat, hinawakan ko sa kamay niya si Danna 'tsaka ko sinimulan ang maglakad kaya napalakad na din siya.

“Simula na ba?” Pabulong na tanong ni Danna.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Naramdaman ko lang ang pagsunod nila sa'min hanggang sa makarating sa canteen. Pumwesto na kami sa isang table. Katabi kong umupo sa table si Danna at Shaun. Habang si pinaggigitnaan naman ni Klay at Rocco si Cara.

“Anong gusto mong kainin? Ako na ang bibile.” Tanong ko kay Danna.

“Uh... Kahit ano na lang.” Sagot niya.

Tumayo na 'ko at nag simulang maglakad papunta sa bilihan ng foods. Nang magawa ko naman 'yon, bumalik na 'ko sa table namin. Pero papalapit palang ako si Cara agad ang tinignan ko at nakikipagbiruan lang siya kela Shaun.

Kahit na alam kong kaibigan ko sila Shaun, sa totoo lang nakakaramdam pa din ako ng selos tuwing nakikita siyang tumatawa kasama ang ibang lalake.

Pambihira! Siya dapat pinagseselos ko eh, bakit ako 'tong nag seselos ngayon? At sa mga kaibigan ko pa.

Lumapit na 'ko ng tuluyan sa table 'tsaka ko narinig ang pinaguusapan nila.

“Kailan mo planong kausapin ang Mama mo? Tungkol sa pagsali mo sa banda?” Tanong ni Shaun kay Cara.

“Baka this weekend uuwi ako sa'min. Baka mainip din kasi si Dorothy at humanap na agad ng ibang female vocalist kung patatagalin ko pa.”

“Need a ride?” I asked Cara habang inaabot ko na kay Danna 'yong nabili kong foods for her.

She shakes her head. “Mag bu-bus na lang ako. Mag date na lang kayo ni Danna sa weekend.” She smiles, teasingly.

Parang natutuwa pa siyang may iba akong pinagtutuunan na pansin na babae.

“Gusto mo bang mag date tayo?” Tanong ko kay Danna.

“Do you really want to date me or dahil sinabihan ka lang ni Cara?”

“No i uh... really want to date you.”

She smiles. “Okay, mag date tayo.”

Nagpalakpakan silang lahat kasama si Cara na may kasamang pagpito ng mapangasar. Loko talaga 'tong mga tropa ko, alam naman nilang nagpapanggap lang kami sinasabayan pa si Cara sa pangaasar nila.

“Sa wakas hindi na torpe si Third!” Malakas niyang sabi na nagpatawa sa lahat.

Napakamot na lang ako sa likod ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Totoo din naman kasing torpe ako, na to-torpe akong aminin sa kanya ang totoo kong nararamdaman para sa kanya. Umabot pa tuloy ako ngayon na paselosin siya gamit ang isang kaibigan na sa totoo lang parang hindi naman nag wo-work dahil natutuwa pa siya.

To be continued...

Her Name Is CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon