Dear Myself...
Maraming di maniniwala... maraming magtataas ng kilay sa isang rebelasyong ipagtatapat ko tungkol sa sarili ko.
Ito po ay ang... nagkaboyfriend na ako noon.
Tandang-tanda ko pa kung paano kami mahigpit na naghawak kamay noon habang tumatakbo sa ulan... kung paano niya ako niyayakap ng mahigpit sa tuwing natatakot ako sa malakas na kulog at kidlat... kung paano niya hawiin ang buhok ko sa mukha ko kapag magulo at ang pinaka di ko makakalimutan sa lahat ay kung paano kami nagpalitan ng I love you kaya naging kami.
Hindi ko makakalimutan yun... at hindi ko makakalimutan ang lalaking unang nagsabi sa akin ng mahal kita, ng maganda ka, na gusto ko at I love you.
Ito ay walang iba kundi si Stephen Serano.
Ang aking first love.
At ngayon magkikita mula kami...
Nasasabik na akong makita siyang muli.
-Belya-

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?