Natigilan ako sa pagkain nang sinabi niya yun, "N-naalala mo..." naalala niya yung Toyang so ibig sabihin naalala niya ung sa amin.
"You used to sing that before."
Gusto ko sanang tanungin sa kanya niya kung naalala niya na sa kantang yan una siyang nagkacrush sa akin? Dahil sa kanta na yan kaya kami tinutukso ng mga pinsan niya... sa kanta na yan.... sa kanta na yan nagsimula.
"Am Stephen..."
"What?"
Pero nakakahiyang tanungin, baka isipin niya kababae kong tao tinatanong ko yun, baka isipin niya ang babata pa namin non para seryosohin ang mga ganong feelings, mapapahiya lang ako nakakahiya.
"Wala." Napatingin ako sa Sisig na kinakain namin, "Ang sarap talaga ng Sisig na ito sa tingin ko makukuha ko ang secret ingredients nito."Pagkalabas namin ng restaurant na iyon ay nagulat kami nang biglang bumagsak ang malakas na ulan. Nagkatinginan kami ni Stephen, "Oh my gulay, wala pa naman tayong dalang payong." Ang sabi ko sa kanya.
"My Mom might wait for us, I forgot to bring my celphone."
"Ako nga rin."
Napatingin kaming parehong sa langit, ang dilim pa rin at maulap.
"I think this will not stop, we are just wasting our time here."
"Anong gagawin natin malakas ang ulan?"
"Let's run." Ang suggestion niya.
"What?"
"Let's just run under the rain."
"But you might get sipon, you know sick." Ang sabi ko sa kanya.
"But when we are kids we used to run and play under the rain and I cant remember the time that we get sick after being wet."
Natigilan ako, "N-naalala mo yun?"
"C'mon lets go!" Hinila niya ang kamay at magkahawak kaming tumakbo habang bumubuhos ang malakas na ulan.
Habang tumatakbo kami ay pinagmasdan ko si Stephen... nagflashback sa akin ang kabataan namin. Tuwang-tuwa kami kapag bubuhos ng malakas ang ulan kasi instead na maligo kami s loob ng banyo ng bahay namin ay mas pinili pa naming tumakas palabas ng bahay at maligo sa ulan.
Naalala ko non, hinahabol ako non ng Nanay ko ng pamalo kasi pasaway ako. Tapos tawa lang ng tawa si Stephen habang pinapanood kaming mag-ina na naghahabulan. Tapos mamaya maya ay lalabas na rin sa bahay nila si Tita Kris upang pagalitan naman si Stephen.
Sabi ng matatanda magkakasakit daw kami kasi nagpaulan kami pero ewan ko ba, siguro ay sadya lang na malakas ang resistensya namin ni Stephen kasi di naman kami nagkasakit.
Nakarating kami sa Cherish Shop na basang basa ng ulan kaya agad kaming nilapitan ni Tita Kris at inabutan ng tuwalya.
"Para pa rin kayong mga bata pasaway pa rin kayo, ang hilig niyo talagang magpaulan."
Sinamahan kami ni Tita Kris sa pantry ng shop upang patuyuin ang sarili namin, "Oh suutin niyo itong mga damit na ito para di kayo sipunin." Kumuha si Tita ng mga damit na binibenta niya sa shop niya para pamalit namin.
Tinitignan ko ang damit na inabot sa akin ni Tita nang biglang naghubad sa harapan ko si Stephen. Naku kasi nong mga bata pa kami sabay kaming pinapalitan ng damit ng mga nanay namin after maligo sa ulan, pero dahil nga sa bata pa kami noon wala pang malisya kung sabay kaming magpalit ng damit.
"Huh!" Napatalikod ako at napakagat sa hawak kong damit. Grabe ang puti pala talaga niya parang bond paper.
"Am.. Im sorry, I just forgot na you were there, I just want to change clothes already."
"Ah... Im okey, Im alright." Ang sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya.
"Im done changing na. You can turn na."
Tumingin na ako sa kanya at nang makita kong nakabihis na siya ay napahinga na ako ng maluwag.
"You can change na rin."
"Yah." Am teka maghuhubad ako pero bakit nakatayo pa rin siya diyan at ayaw pa niyang lumabas ng pantry. Ganon ba sa Amsterdam? Okey lang na maghubaran sa iisang lugar ang mga tao?
"Amm... I will change na."
"Yah, I will go outside."
At tumango ako. Dapat lang noh. Bakit naman nya ako papanoorin sa pagbibihis ko?
Lumabas na siya ng pantry at nagpalit na rin ako ng damit.Paglabas ko ng pantry ay naabutan ko si Stephen na may kausap na isang lalaki na nakapanghip hop ang porma.
"Do you remember me, your cousin? Kuya JJ."
Napakunot ng noo si Stephen, "Yah I remember you. You are the one who have thought me how to ride a bike."
"Yes yes yoh Man. You remember me. Am ano... ano bang sasabihin ko, putsa nauubusan ako ng ingles sayo."
"Magtagalog ka Kuya. I still can understand Tagalog."
Napatalon ang pinsan niya na yun sa tuwa, "Puteek yan! Akala ko di na tayo magkakaintindihan eh."
"No worries about the language Kuya." Napatingin sa akin si Stephen, "Am Kuya JJ by the way I want to introduce to you Belya."
"Girlfriend mo?"
"Naku hindi, kababata niya ako sa Batangas." Ang sabi ko kay JJ.
"Ala eh, pagke ganda gandang binibini pala nire. Ako pala si JJ, pinsan ni Stephen. Kung di mo na maitatanong, half din ako."
Napatingin ako kay JJ mula ulo hanggang paa. Half siya? Saang banda?
"Talaga? Anong lahi mo?"
"Half Tagalog Half Bisaya. Ayos ba Bai?" Tapos tumawa siyang malakas.
"Ay Kuya parehas tayo, half Tagalog half Bisaya rin ako."
"Talaga, akalain mo nagkita tayo rito, baka ikaw ang destiny ko."
"Ahem.." ang sabi ni Stephen, "Please dont try to speak Bisaya, I will not really understand."
"Of course, of course. Tagalog english only. By the way, Belya kung hindi mo jowa itong sa pinsan, matanong ko lang. Single ka pa ba?"
"Huh?" Kidlat din itong pinsan ni Stephen. Mabilis.
"Ahm Kuya JJ, do you still have your bikes?"
"Yah of course. You know bikes is still my favorites. Im still the Bicycle prince of Gapo."
Galing! Bicycle King pala itong si Kuya JJ.
Pinasyal kami ni Kuya JJ sa plaza kung saan nagpaparenta siya ng bisikleta ron.
"I told you, Prince of Bikes in Gapo." Sabi niya sa amin. Ah kaya pala prince of Bikes kasi rentehan ng bisikleta ang business niya.
"I missed my bike in Amsterdam, sayang I forces to sell to it because we have to move here in the Philippines. Do you know how do ride a bike , Belya?"
Umiling ako. Paano ako magbibisekleta eh di naman ako magaling sa pagbalanse.
"In Amsterdam, bicycle is life. This is their number one means of transportation, its their convenience, a very important one." Ang kuwento niya.
"Oh really, here in the Philippines Kilay is life."
Napakunot ng noo si Stephen sa sinabi ko.
"Ah... corny ko. Never mind that." Ang sabi ko na lang, "Am di talaga ako marunong magbike eh."
"Turuan kita gaya ng ginawa ko kay Stephen nong bata pa siya." Ang alok sa akin ni Kuya JJ.
"NO WAY!"
Napatingin kaming biglang dalawa ni Kuya JJ kay Stephen dahil sa lakas ng pagkasabi niya.

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?