Ilang taon ko rin itong inimagine... at bawat imahinasyon ay talaga namang kinikilig ako. Pero iba pala kapag nasa realidad ka na. Maslalo na kapag di mo iniexpect. Saglit lang yun... pero yung saglit na yun parang panghabang buhay ko ng dadalhin sa memories ko... ang aking first kiss with my first boyfriend.
"Im sorry, ginulat ba kita?"
Obvious naman, nakakagulat kaya yun.
"Did I offend you?" Napakamot siya ng kanyang batok, "Nabastos ba kita? Sorry i just carried away."
Napanganga ako. Di ko kasi talaga alam ang isasagot ko. Isasagot ko bang kinilig ako? Or di kaya isa pa isa pa isa pang kiss. Mawawala ang pagkababaeng Pilipina ko non.
"Oh, it seems that you got shocked. Are you okey? Are you good?"
"Yah, your good... este Im good. I just also suprised." Ang sabi ko. "Ano pasok na ako? Tulog na ako baka mapanaginipan kita... este, gusto ko ng magpahinga."Di makatulog sa gabi sa kaiisip... sa diwa ko ikaw ang laging panaginip... eh bakit ba ikaw ang siyang laging laman ng isip ko.
Pinaulit ulit ko ang kantang iyon habang nakahiga ako pero di talaga ako makatulog sa kakaisip. Ano na ba kasi kami ni Stephen after naming mag chup chup mwah mwah? Jowa ko na ba siya. Naku wag kang assuming Belya, foreigner yun, laki sa isang liberated na bansa. Natural lang sa bansa nila mag MOMOL kiss kiss sex pa nga eh ng walang commitment. Kaya wag mong lagyan ng malisya yun. Erase erase erase. Kailangan wag kong isipin yun. Kaya kailangan kong magexercise, tama mageexercise ako.
Tumayo ako sa kama at lumabas ng kuwarto para magexercise.
"Belya I thought nagpapahinga ka na."
Nagulat ako nang paglabas ko ng kuwarto ay sabay din labas ni Stephen ng kuwarto. Boom!
"Ah.. eh.. oo nga. Nakatulog na nga ako eh, bigla lang akong nauhaw."
Tumango si Stephen, "I will get you water."
"No!" Ang pigil ko sa kanya, "Ako na. Malaki na ako, kaya ko ng magpunta sa kusina para kumuha ng tubig."
"Pero its so dark downstairs. Samahan na kita."
"Naku wag na sanay naman ako sa madilim, magaling naman akong mangapa... este kumilos kahit walang ilaw." Ang sabi ko.
"Bat feeling ko iniiwasan mo ko. Youre not accepting my offers."
"Hindi ah, kaya ko naman kasi talaga."
"Is that because I kissed you?"
Napatingin ako, "No."
"Dont you feel anything kanina? Dont you feel bad at that or akwardness? No comment talaga?"
"Alam ko namang na carried away ka lang. Pwede naman nating kalimutan yung nangyari kanina para walang akwardness."
"How can I forget them? Its my very first true kiss that I have from my very first true love."
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ayaw mo ba? Galit ka ba sa akin?"
"Hindi."
"Then why do you want to forget everything?"
"Dahil takot akong umasa dahil kapag umasa ka at di nangyari masasaktan ka." Ang sagot ko sa kanya, "Parang yung sa kaso ng tatay ko. Umaasa ako na makakamit niya na ang hustisya pero wala pa rin. Sa kanila bias ang hustisya."
"Pero I thought youre not giving up in you father's case."
"Oo, pero kapag natatalo kami ang sakit sakit. Ayokong umasa. Ang sakit na nga ng nangyari sa Tatay ko wag mo ng dagdagan ang mga isipin ko."
"Belya. Hindi kita pinapaasa." At lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "I kissed you because I love you. I kissed you because I cant help myself falling for you. And i want to do it to you many times."
"Nasasabi mo lang yan kasi naaawa ka sa akin sa kalagayan ng pamilya ko." Ang sabi ko sa kanya habang hawak pa rin niya ang mukha, "I love you since I was five, sure yun. I love the way you make us happy, the way you laugh, the way you care, I love you the way you are. I love all of you."
Parang di ako makahinga sa sinabi niya. Oxygen please ang lakas ng kaba ko.
"And I really love your lips kaya I cant help myself to kiss you ."
Namula ako sa sinabi niya.
"Gosh I really cant help it." Ilalapit niya na sana ang labi niya sa akin nang agad kong tinakpan ang bibig niya at inilayo sa akin.
"Teka di ka man lang ba manliligaw?"
"Ligaw?"
"Yah ligaw. Courtship. Ligawan mo muna ako tapos kapag sinagot na kita saka mo na ako pwedeng halikan uli."
"Ah... okey. Dalagang Pilipina." Ang sabi niya.
"Alam mo naman pala." At nag thumbs up ako. "Sige tulog na ako."
"Wait I thought youre going to have a drink downstairs."
Nakalimutan ko yung alibi ko sa kanya kanina.
"Okey na. Di na ako thirsty. Good night." At saka ako bumalik sa kuwarto ko.

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?