"Yan Stephen sige pa... tama yan..."
"Ayos ba sure ka? Baka masaktan ka."
"Wag mo kong intindihin okey lang ako. Kaya ko."
"Okey, bibilisan ko."
"Sige bilisan mo na. Ayan ang bilis, faster!"
"Belya malapit na ako."
"Ako rin."
"Mukhang magkakasabay tayo ah."
"Okey lang yan. Ayan na malapit na nga Go Stephen!"
"Ako rin Go Belya!"
Hanggang sa....
"And now you have reached the finish lane! Congratulations!"
"You won!" Ang nanlumo si Stephen," I never thought that you are an expert in car racing games."
Nagthumbs up ako, "Paborito namin itong laruin ng mga kaklase ko sa mga arcade kaya talagang master ko na ito."
"At least I didnt hurt your pride." Ang sabi niya sa akin. Akala niya yata kapag natalo niya ako mapipikon ako sa kanya.
"Ano ka ba? Laro lang yan noh, hindi ako napipikon at nasasaktan sa mga ganyan." Basta wag mo lang saktan ang puso ko.
"Another round?" Ang tanong niya sa akin. Aba hindi pagod si Kuya ah, gusto pa ng isa.
"Gusto mo talagang maka-score noh."
"Oo naman and this time I will get my points."
"Sige game. Let's start!" Ang nagsimula na uli kaming maglaro ng video game.
Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng kuwarto sa pagbaba ko ng hagdanan ay naabutan ko ang Papa ni Stephen na nakaupo sa salas.
"Tito, lumabas na po ba si Stephen? Nagkita na po ba kayong mag-ama?"
"Yah. Kausap lang niya ang Mama niya at ang Lola niya."
Tumango ako.
"Belya, kamusta na kayo ni Stephen? Okey ba kayo rito?"
Napangiti ako, alam niyo na kung bakit. "Okey po kami rito. Masaya naman po ako nagbabonding."
"Have you get to know each other deeply."
"Ay opo. Marami po kaming natuklasan sa isat isa."
"Well thats good. Belya, pwede mo ba akong tulungan hindi ko kasi alam kung anong magiging reaction ng anak ko kapag nalaman niya ang totoong dahilan ng separation namin ng Mama niya."
"Totoong dahilan po? Eh di ba may sakit ang Lola niya kaya kayo nagkahiwalay mag-asawa?"
Umiling ang Papa ni Stephen sa akin.
Alam kong tanggap na ni Stephen ang paghihiwalay ng mga magulang niya... pero ung tunay na dahilan nang paghihiwalay nila, hindi ko alam kung matatanggap niya. Kahit ako kailangan kong magpuno ng lakas ng loob sa pagsabi kay Stephen ng totoo.
"Bakit kanina ka pa hindi nagsasalita?" Ang tanong sa akin ni Stephen habang katabi niya ang Papa niya sa Driver's seat, "Ang weird, youre loud kaya."
"Hah hindi lang kasi ako makapaniwala na..." at napatingin ako sa Papa ni Stephen sa front mirror, "Na sa wakas makakauwi na rin tayo. Makikita ko na rin ang pamilya ko sa wakas. Bigla kong naisip si Nanay ano kayang isasalubong niya sa akin."
"Your Nanay have moved on. Believe me, she will hug you mamaya. Namiss ka na kasi niya." Ang sabi ni Stephen, "Papa do you notice something in Belya?"
"Notice."
"Habang tumatagal shes getting prettier and prettier."
"Stephen, it seems that you are going back to your childhood again. Bata ka pa lang youre really find her pretty."
"She's really pretty, for me, she's perfect."
Nagblush ako ng slight sa sinabing iyon ni Stephen at napatakip ng bibig ko para mapigilan ko ang sarili ko sa pagngiti."
Pagkauwi ko at after kong tanggapin ang sermon ng Nanay ko ay naisipan kong puntahan muna ang mga kaibigan ko, ilang days din kasi kaming di nagkita.
Ginabi na rin ako ng uwi at pagdating ko ay nagulat ako nang may isang lalaki ang nakatayo sa harapan ng bahay namin at parang may hinahanap.
"Uy Stephen?"
"Belya."
"Pambihira ka bakit ka andito bakit di ka magpahinga sa bahay niyo."
"Na miss na kasi kita eh."
"Ha? Eh kaninang hapon lang tayo huling nagkita, miss na agad?"
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap, "I dont know I just missed you and I cant help it."
Namula ako sa sinabi niya. Adik itong lalaking ito. Adik sa akin.
"Sounds weird?" Ang sabi niya.
"Ha?" Pero kahit gulat ako I cant help din na kiligin.
"Can I have some time with you?" Ang tanong niya sa akin habang hawak ang kamay ko.
Hindi naman kalayuan sa amin ang tabing dagat kaya doon kami naglakadlakad at gumawa pa ng sarili naming bonfire.
Tahimik kaming inienjoy ang katahimikan ng dagat at ang ganda ng bonfire.
"I missed this. Having a bonfire in a beach. We are still complete that time, Dad, Mom and me."
Pinagmasdan ko siya, siguro ang talagang na-miss niya ay ang magkasama silang buo ng pamilya niya.
"Kami rin ng pamilya ko, nong nasa labas pa si Tatay at buhay pa ang mga Lolo at Lola ko itong dagat na ito... ito ang weekend getaway namin."
"May chance pa kaya na ma-complete uli kami?"
Natigilan ako. Naalala ko ang sikretong sinabi sa akin ng Papa niya. Ang katotohanan tungkol sa kanilang pamilya.
"Pwede namang maging masaya kahit hindi buo. Sabi nga nila happiness is a choice."
"Oo naman and I found happiness in you."
Napangiti ako. Nakakakilig naman itong lalaking ito.
Umusod siya at lumapit sa akin.
Napayuko ako. Ramdam ko ang malagkit na mga titig niya sa akin.
Para talaga akong ice cream na nalulusaw. Nagbabagang mga titig.
"Youre so georgeous, Belya."
Napalunok ako. Parang nakalimutan ko kung anong ibig sabihin ng georgeous. Nakakamental block kasi ang mga titig niya.
Hinawakan niya ang baba ko at itinaas niya ang mukha ko upang makatingin ako ng diretso sa kanya. Sa mga magaganda niyang mga mata.
Napahigpit ang hawak ko sa buhangin. Puteek bakit ang pogi ni Stephen, nakakaspeechless.
"I love you so much Belya."
"Ahhh..." tuluyan na po akong nawala ng dila.
Hanggang sa unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?
