25. Dreams Do Come True

763 51 6
                                    


"Uy amoy Bagoong!"
Bigla kaming napabitaw ni Stephen sa isat isa nang marinig namin ang boses ng mga pinsan niya.
"Nagluto ka ba ng Bagoong Belya?" Ang tanong ni Celine nang pumasok siya ng Dining room.
"Ayos nagpitas kami ng mangga sa likuran." Ang sabi naman ni Ate Sabel sabay lapag ng mga mangga sa mesa, "Celine kumuha ka ng kutsilyo para mahiwa na natin ang mga mangga na to."
Pasimpleng tumabi sa akin si Stephen at patagong kinuha ang isang kamay ko para makadoskarte ng holding hands at itinago yun sa likuran niya.
Di ko namang mapigilan ang mapangiti para kasi akong nakukuryente sa kilig sa ginawa niya pati si Stephen di na ring mapigilan ang pagngiti.
"Anong ngingiti ngiti niyo diyang dalawa?" Ang tanong ni Ate Sabel sa amin.
"Ha...ah..."
"Tulungan niyo kaya kaming magtalop din ng mangga."
"Ha, ah okey sige po."
Nagbitaw kami ng kamay ni Stephen at saka sila tinulungan sa pagtalop ng mangga.
Hindi rin nagtagal ay inamin din namin ni Stephen sa kanila na officially mag girlfriend boyfriend na kami. Una sa pamilya ko at personal naming pinuntahan ang Tatay ko sa kulungan upang ipakilala siya, sumunod ay ang pamilya naman niya at mga kaibigan namin. Natutuwa naman kami kasi lahat ay masaya sa relasyon namin ni Stephen.
Patuloy pa rin ang paggawa ko ng Bibang Kusinera vid sa YT kasama siyempre ang direktor ko na walang iba kundi si Stephen.
"Ganda ng girlfriend ko." Ang sabi niya sa akin habang parehas kaming nakaharap sa laptop niya at pinapanood ko siyang nageedit, "Tapos ang bango pa." Saka niya inamoy ang gilid ng  leeg ko.
"Siyempre nagpabango ako kaya talagang dapat mabango yan." Ang sabi ko sa kaniya.
"Nagpabango ka pa eh dito lang naman tayo sa bahay."
"Eh kahit na, katabi kita palagi eh kaya dapat ano... mabango ako."
Natawa si Stephen sa sinabi ko, "Gusto mo lang na amuyin kita eh. Yung parang ganito." At inamoy niya ang braso ko.
"Hoy hindi, hygiene lang hygiene." Ang sabi ko sa kanya kahit sa loob loob ko di ko alam kung bakit ako kinikilig sa tuwing inaamoy amoy niya ako.
"Hygiene ka pa ah." Tapos luminga siya sa paligid, "Babe, walang tao."
"Hay ano ka ba. Nasa kuwarto lang sila baka biglang lumabas yung mga yun." Ang sabi ko sa kaniya.
"Hindi yun." At saka niya hinalikan ang balikat ko.
"Stephen... sira ka baka makita tayo ng mga kamaganak mo."
"Busy yung mga yun." At saka niya ako hinalikan sa pisngi.
"Stephen..."
"Belya magiisang taon na tayo pero di pa tayo nagkikiss."
Eh paano naman kami magkikiss eh lagi naming kasama ang mga pinsan niya at pamilya namin.
"Eh para namang kasing minamalas tayo sa kiss kiss na yan laging di natutuloy."
"Malay mo naman ngayon." At saka niya hinawakan ang isa kong kamay at hinalikan ito.
"Tapusin muna natin ito." Itinuro ko ang video.
"Baka may tao na mamaya." Ang sabi niya habang nakadikit na ang noo at ilong niya sa pisngi ko... ilang pulgada na lang talaga, "Maslalong maudlot."
"S-stephen..." halos tumirik ang mga mata ko ng muling hinalikan ni Stephen ang pisngi ko at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi upang iharap sa kanya.
Pop! Pop! Pop!
Sabay kaming napatingin ni Stephen sa laptop nang biglang may nagpadala ng mensahe sa amin mula sa messenger.
"Can we invite you to be our guest in our cooking show with Chef Yu?"
"Totoo ba ito? Iniimbitahan nila ako na lumabas sa TV!"
At napatalon ako sa tuwa, "Yes! Makikita na ako sa TV."
"Congratulations, matutupad na ang dreams mong makita sa TV."
"Oo nga, oo nga sobrang nakakatuwa! Tapos makikilala ko pa at makakahalubilo si Chef Yu, sobrang galing magluto non! For sure madami akong matutunan sa kanya. Ang galing!" At napatingin ako kay Stephen. Bigla siyang tumahimik at nagconcentrate sa laptop niya.
"Babe may problema ba? Hindi ka ba masaya para sa akin?"

**Guys after po ng My First Boyfriend pls support When I Found You in Noink site ng Abs. I will update the chapters after this series. Para kasing di pwedeng irepost dito sa watty yun eh.

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon