22. The Right Time

730 43 8
                                    


"Stephen!"
Belya run inside in my room and give me a hug.
"Nakwento sa akin ni Ate Selya." The she checked my face, "Ayos ka lang ba? Wag kang magalala kapag nakaharap ko yung Mokong na yun lagot yun sa akin, saka kakausapin ko rin ang Tatay non, para kausapin ang anak niya. Matapang lang siya sa ibang tao pero takot yun sa magulang niya."
"Para ano, para bugbugin ang anak nila tapos babalikan ako non. Its like a cycle hindi ito matatapos, wag na lang Belya."
"Sure ka? Teka saan ka pa tinamaan?"
At itinuro ko ang gilid ng lips ko kung saan may kaunting sugat.
"Teka kuha lang ako ng ointment." And I stopped her.
"Ayoko mahapdi yun, maslalong sasakit."
"Eh anong gusto mong gawin ko?"
"Kiss."
"A-ano?"
"Kiss. Just a kiss and it will heal. Swear."
Kinagat niya ang labi niya, "Sira ka ba baka may makakita sa atin rito."
Napangiti ako, "Wala yan."
"Baka may biglang pumasok sa kuwarto mo mahuli tayo."
"I will just lock the door."
Patayo na sana ako nang bigla niya akong hinala pababa at saka binatukan.
"Aray!"
"Akala mo ha! Akala mo madadala ako riyan sa mga diskarte mo. Wag mo akong utuin!"
"Gosh Belya Im just joking."
"Joke ka diyan. Eh tumayo ka na nga para isara yung pintuan."
"Eh sabi mo baka may pumasok sa kuwarto ko kaya Im just following you."
"Hala? Ako pa ang... " napailing siya, "Hay naku Stephen wag mo akong baligtarin ha. Basta dito ka lang at kukuha ako ng ointment."
"Ayoko non, painful."
"Hayaan mo ng painful para matauhan ka!" At saka siya lumabas ng kuwarto ko para kunin ang ointment.
It takes a minute or two already pero di pa rin siya bumabalik. Naiinip na ako, madali ko pa naman siyang ma-miss.
Lumabas ako nang kuwarto to look her hanggang sa matagpuan ko siya sa dining room hawak na ang ointment.
"Sir nagwoworry na po ako sa anak niyo." I heard her voice and check kung sino ang kausap niya, she's talking to my Dad, "Sabihin niyo na po sa kanya ang totoo."
"Belya, Im afraid sa magiging reaction ni Stephen, baka maslalo siyang magrebelde sa akin. Im sure he will not accept the truth."
"Pero Sir kailangan po niyang malaman."
"Baka tuluyan na akong di mahalin ng anak ko. Ito pa nga lang hiwalay lang kami ng Nanay niya nagrerebelde na siya paano pa kaya kapag nalaman niya na ang tunay na dahilan ng paghihiwalay namin ng Nanay niya."
"Sir kailangan niyo pong lakasan ang loob niyo at ganon din po si Stephen kailangan din po niya maging matatag."
My knees are shaking while hearing them talking. This is what Im most afraid of... the truth.
I dont wanna hear it...
Umatras ako.
"Hoy Stephen andiyan ka lang pala." Celine saw me, "Pinuntahan pa kita sa kuwarto mo pero wala ka."
Hindi ako makasagot kay Celine at napatingin sa akin sina Belya and Dad.
"Stephen, kanina ka pa ba diyan?" Ang tanong sa akin ni Dad.
"I just passby."
"Passby? Eh parang kanina ka pa nakatayo diyan, sinisilip mo si Belya." Ang sabi ni Celine.
Nagkatinginan si Belya at si Dad.
"Hoy hindi. Napahinto lang ako kasi nakita ko si Belya." I told Celine.
"Am Stephen, pwede ba tayong mag-usap?" Dad asked me.
"Dad dont worry wala akong narinig. Wala akong narinig sa pinaguusapan niyo ni Belya."
"Let's talk."
Hinila ako Ni Dad sa loob ng kuwarto upang makapagsolo kami.
"I think tama si Belya at ang Mama mo, youre in a right age and sa tingin ko you are matured enough to understand everything that I will say."
Napayuko ako. I know Its time for me... to confirm.
"Masakit ang katotohanan pero naniniwala ako na darating din ang oras you will accept everything."
"Few years ago napagdesisyunan na namin ng Mama mo na tuluyan ng maghiwalay kasi di ko natupad ang pangako ko non sa kanya bago tayo lumipat sa Amsterdam." Dad took a deep breath, "Nagkaroon ako ng affair don."
Halos di ako makahinga sa sinabi niya.
"I have an affair... with a man."

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon