"Oh Belya nilinis mo bang mabuti ang mga kuwarto diyan sa taas?" Ang tanong ni Manang Lusing, ang care taker ng malaking bahay na iyon. Isa sa pinakamalaking bahay sa barrio namin. Ang Villa Serano, malawak ang Villa Serano at napakalaki ng bahay nila, may limang malalaking kuwarto sa second floor ng bahay isa ang Master bedroom kung saan natutulog noon si Don Roberto Serano at ang asawa niya, yung isa naman para sa guest habang yung tatlong kuwarto para sa tatlong anak niya.
Noong mga batang mag-asawa pa ang mga anak ng Don ay dito lahat sila nakatira sa mansion kaya super close nang mga magpipinsang Serano pero nong namatay ang mga magulang nila ay naisipan na nilang magkanya kanyang buhay. Yung panganay na anak siya ang namamahala sa Hacienda pero sa Maynila nila piniling tumira ng pamilya nila at minsan na lang sa isang taon sila nagbabakasyon dito sa lugar namin. Yung pangalawa naman, nagmigrate sa States kasi US Navy ang napang-asawa niya while yung bunsong lalaki ay nakahanap naman na magandang opportunity sa Amsterdam kaya doon sila namalaging pamilya.
At ako naman... ako si Belya... dating driver ng Don ang Lolo ko at dahil ako ang paboritong apo ay laki niya akong sinasama sa trabaho niya.
Tuwang tuwa ang Lolo ko sa akin, lagi niya akong pinagmamalaki kay Don Roberto.
"Don Roberto alam niyo po ba itong apo kong si Belya pwedeng pwede po yang magartista napakagaling kumanta at sumayaw... "
"Ah talaga" ang sasabihin naman ng mayamang amo ni Lolo, "Magsample ka nga iha."
Tatayo ako sa unahan ng front seat ng sasakyan ni Don Roberto at saka kakanta ng "They try to tell us were to young... to young to really be in love. Tsan tsaran tsan tsan... bahay namin maliit lamang... pero pero pero malinis ito pati sa kusina."
Bentang benta naman ang kabibuhan ko sa mayamang Don kaya sa tuwing makikita niya ako ay lagi niya akong inaabutan ng chocolates, laruan or di kaya limang piso. Oh di ba ang lakas makakitang kabuhayan ang talent ko.Lagi akong nasa mansion na yun dahil kalaro ko rin ang mga apo ni Don Roberto, sa iisang bubong lang sila nakatira noon kaya lagi kaming naglalaro sa playground area nila kung saan may see saw, swing at slides.
Si Ate Sabel ang pinakamatandang apo ni Don Roberto kaya sa tuwing maglalaro kami ay lagi siya ang leader (five years ang tanda ni Ate Sabel sa akin)
"Kunwari na sa Little Miss Philippines tayo ipapakilala mo muna ang sarili nyo tapos talent portion agad." Ang sabi ni Ate Sabel habang nakahilera kaming mga babae na kunwari ay sasali sa Little Miss Philippines, "For our first constentant lets call in Isabela Cruz"
Pumanik ako sa hagdanan na kunwari stage.
"Hello everybody, Im Isabela Cruz you can call me Belya and Im seven years old. My talent is singing and dancing." Tapos hinanda ko na ang pagkanta ng Toyang, "Mahal ko si Toyang pagkat siyang simple lamang..."
"Uy oh, tignan mo si Stephen nakatulala kay Belya."
Si Stephen ang unico iho ng bunso ni Don Roberto. Para sa akin sa kanilang magpipinsan siya ang pinakacute pero pinakatahimik, five years old lang siya noon.
Nahiya si Stephen sa panunukso sa kaniya ng mga pinsan niya kaya namula siya at napayuko.
"Uy crush ni Stephen si Belya."
Hindi makapagsalita si Stephen nanatili lang siyang nakayuko.. so cute!Simula noon ay naging magchildhood love team na kami ni Stephen. Kapag bahay bahayan lagi kami ang nanay at tatay or si kaya magjowa.Di ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa tuwing naalala ko yun, kung sa matatanda ay tingin nila ay laro lamang ang lahat sa amin ni Stephen ay alam namin sa mura naming damdamin na nagkakaintindihan kami.
"Ano taguan tayo ah." Ang sabi ni Ate Sabel, "Maalis taya tayo."
"Maalis taya!" Sabay-sabay naming sinabi.
"Oh si Celine ang taya." Ang kaedad ko na kapatid ni Ate Sabel.
Nagpunta na si Celine sa puno at saka kumanta ng "Pagbilang kong tatlo nakatago na kayo..."
Hindi ko alam kung saan ako magtatago non hanggang sa hinila ako ni Stephen at nagtago kami sa likod ng isang malaking bato.
"Baka makita tayo rito agad ni Celine." Ang sabi ko sa kanya.
"Hindi yan." Ang sagot niya sa akin.
"Kinakabahan ako." Hinawakan ni Stephen ang kamay ko ng mahigpit.
"Belya..."
Napatingin ako kay Stephen, "Mahal kita."
"Ha?"
"Mahal kita." At nagulat ako ng hinalikan niya ako sa noo.
"M-mahal din kita Stephen."
At simula noon naging first boyfriend ko na si Stephen.

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
Fiksi PenggemarAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?