6.

823 63 2
                                    


Pagkatapos kong makahinga ng maluwag mula sa pagkayakap kay Stephen ay nakarating din kami sa Monumento at dahil isang oras pa bago dumating ang bus papuntang Olongapo ay nagyaya muna si Stephen na magalmusal sa McDo.
Naisipan kong buksan ang celphone ko at ganon din si Stephen for sure invaded na ang mga telepono namin ng sangkatutak na sermon mula sa mga mahal namin sa buhay.
Biglang tumunog ang phone ko at si Nanay iyon kaya sinagot ko, "Nay nasa Monumento po kami pasakay ng bus pa-Olongapo. Pagbalik ko ng San Pablo saka niyo ako sermunan ng bonggang bongga."
"May gustong kumausap sayo."
"Po?"
"Hello, Belya iha, Papa ni Stephen ito."
"Ay Sir teka po." At tinawag ko si Stephen, "Uy Papa mo."
Dinedma niya lang ako, mukhang ayaw kausapin ng loko ang tatay niya.
"Sir ano po, eh mukhang saka niyo na lang kausapin ang anak niyo. Wag po kayong magalala, akong bahala sa kanya, nakarating naman po ako noon sa Olongapo kaya medyo kabisado ko po an pagpunta ron. Ako na rin po ang magtitext at tatawag sa inyo kapag andon na kami."
"Thanks for being with him, Belya. Alam ko namang di ko mapipigilan ang anak kong yan pagdating sa Mama niya. Just take good care of him and kung kailangan nyo ng pera just text me at magpapadala ako ng pera." Ang habilin ng Papa niya.
"Sige po Sir. Kayo na rin po ang bahala sa nanay ko, pakisabi naman po sa kanya wag na pong masyadong magalit sa akin."
Natawa si Tito sa akin, "Sige ako na ang bahala sa Mama mo para di ka na niya masyadong pagalitan."
"Thanks po Sir at ako naman po ang bahala sa anak niyo."
Pagkababa ko ng phone ay tahimik na namang kumakain ang loko ng pancake niya.
"Gusto mo pa lang makita yung Mama kaya tayo pupunta ng Olongapo. Nakarating ka na ba ron?"
"When I was a kid. Before we live in Amsterdam."
Napatango ako. Ilang taon na rin kasi niyang di nakikita ang Nanay niya kaya gustong gusto niyang puntahan ito si Pinas.
"Im planning to stay there for several days, a week maybe. Once we get there you can go back to San Pablo. I have money pa rito, eksakto sa paguwi mo."
"No dont mind. Sabi ko naman sa Papa mo aalagaan kita. Sasamahan na lang kita sa Mama mo sabay na lang tayo umuwi ng San Pablo." Nakapangako kasi ako sa Tatay niya at di naman kami pababayaan ng Papa niya pagdating sa allowances. "Saka bakasyon naman eh walang pasok."
"Gosh, I felt guilty right now, naistorbo kita. You dont have to do this dahil Papa asked you saka papagalitan ko ng nanay mo."
"Alam mo Stephen, kahit naman umuwi ako ngayon bubungangaan pa rin ako non saka sabi naman ng Papa mo siya ang bahala sa akin." At kumindat ako, "Ang problema nga lang... wala akong dalang damit."
"My Mom can owe you clothes just... buy your own underwear." Napayuko siya nahiya siguro siya sa pagmention niya ng underwear.

Sumakay na kami ng bus na pa-Olongapo at habang umaandar ang bus ay nagsimula akong magkuwento sa kanya, "Naalala mo pa ba kung paano magpunta ron sa Lola mo?"
"I guess kaya nga lang for sure there are many changes na. Baka we get lost."
"Hindi naman siguro marami namang natatanungan ron. Ano pa lang ginagawa na ngayon ng Mama mo ron."
"My Lola have a retail business there, sa may bayan."
Napatango ako.
"Excited ka ng makita siya noh, ilang taon mo rin kasi siyang di nakita."
Tumango siya sa akin, "I really do miss her."
Huminto ang bus sa isang bus stop kung saan madami ang nagsakayang pasahero. May isang nanay na may kilik na anak ang umakyat sa bus.
"Ay ate." Tumayo si Stephen at pinaupo ang nanay na may bitbit ang anak at siya ang tumayo sa aisle.
"Salamat pogi." At tumingin ang Nanay sa akin, "ang swerte mo iha sa jowa mo, guwapo na maginoo po."
"H-hindi ko po jowa yan."
"Magkapatid kayo? Malayo itsura niyo."
"Hindi po kami magkapatid."
"Magkamaganak."
Umiling ako, "Magkasama lang po kami, sasamahan ko lang po siya papuntang Olongapo."
"Ah eh di kung di mo pa jowa eh di jowain mo, sayang ang pogi."
"Ate pinaupo ko lang ng tao ang dami niyo ng advise sa akin."
"Naku iha, kung dalaga lang ako at kasing edad niyo... kakareerin ko na yang pogi na yan."
Napangiti ako, "Ganda ng advise niyo, ganda." At napatingin ako kay Stephen na nakatayo at mukhang di naman narinig ang paguusap naman ni Ate.
Sa totoo lang, kung malandi lang ako... kakareerin ko talaga itong lalaking ito eh, maslalo na sa ganitong pagkakataon na kami lang dalawa ang magkasama... hay kung malandi lang ako kanina ko pa yan nahalikan.
Huminto ang bus sa may bayan ng Olongapo kung saan bumaba kami ni Stephen. Pagkababa namin ay matagal munang pinagmasdan ni Stephen ang paligid.
"There are already many changes in this place." Sabi ni Stephen.
"Patay tayo riyan. Naalala mo pa ba kung saan ang shop ng Lola mo?"
"I dont know, I was five years old then."
"Hah, kung ako nga di mo maalala eh ito pa kayang pasikot sikot sa lugar nito. Alam mo ba kung anong pangalan ng shop ng Lola mo."
"Cherish."
"Okey lets look for Cherish. Lets make tanong to the tricycle drivers." At lumapit ako sa pila ng tricycle, "Manong, saan po ba rito ang Cherish? Yung tindahan ng mga damit."
"Naku Miss malayo yun." Ang sabi ni Manong, "Mapapagod kayo kung lalakarin niyo."
"But Belya as I remember its just around here." Ang sabi ni Stephen.
"Naku anong around here? Hindi ah malayo yun baka maligaw kayo." Ang sabi ni Manong.
Nagtinginan kami ni Stephen, "Eh baka maligaw nga tayo, sumakay na lang tayo."
At sumakay nga kami ni Stephen ng tricycle.
"Oh heto na tayo."
Namumula na ako sa inis. Sira ulong manong ito eh kalapit lapit lang pala ng Cherish. Sa kabilang kanto lang.
"Eh loko loko ka pala Manong eh. Isang hakbang lang pala itong Cherish, may malayo at mapapagod kaming nalalaman pa diyan."
"Ayoko lang kayong mapagod."
"Anong ayaw niyo kaming mapagod?! Gusto niya kaming lokohin! Ako Manong ginigigil mo ako!"
Inaawat naman ako ni Stephen, "Belya I just told its just around. You did not believe in me."
"Oo na kasalanan ko na di ako naniwala sayo at nagpauto ako sa Manong na ito."
"Miss sampung piso."
"Anong sampung piso? Kuya parang di nga pumatak yung gasolina mo sa lapit nito. Limang piso ka lang kuya." At binigay ko sa kanya ang limang piso, "Naku Manong umalis ka na at nanggigil ako sayo."
Nang makaalis na si Manong ay napatingin ako kay Stephen na tinitigan ang shop ng Mama.
"Am Stephen lets go inside na." Ang anyaya ko sa kanya.
"Im nervous..." siguro dahil sa ilang years na silang di nagkikita ng Mama niya.
Tinapik ko ang balikat niya, "Relax."
Nagulat ako nang biglang kinuha ni Stephen ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa shop na iyon.
"Welcome to Cherish Shop!" Natigilan ang Nanay ni Stephen na nasa Cashier nang makita niya ang anak niya, "S-stephen, anak, anong ginagawa mo rito?"
Mangiyak ngiyak si Stephen nang makita niya ang Mama niya at mahigpit niyang niyakap ito, "I missed you Mom."

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon