2. Tamis Ng Unang Halik

1.1K 63 2
                                    


"Sobrang effort mo naman sa pagwewelcome home kina Stephen... as if maalala pa niya na naging magjowa eh five years old lang siya non." Ang sabi sa akin ni Celine habang nagdidilig kami ng halaman sa garden.
"Makakalimutan ba niya yung first kiss niya di ba nga katait pa nga kaming magsecond kiss kung di walang kami na-boom sa taguan."
"Alam mo Belya patawa ka Twenty two years old na ka pero siniseryoso mo pa rin yang mga first love, childhood sweethearts na yan. Di mo naman chinat si Stephen sa FB para tanungin kung naaalala ka pa niya."
"Eh sa nahihiya ako eh saka kung ikaw ngang pinsan nya di kayo naguusap." Ang sabi ko kay Celine.
"Siguro friend ganito talaga kapag lumalaki na kayo at nahihiwalay kayo ng landas yung closeness niyo noong mga bata kayo nawawala. Kaya Friend wag ka ng umasa riyan kay Stephen."
"Friend di naman ako umaasa sa Pinsan mo. Naalala ko lang yung mga..." napangiti ako.
"Yung kakirehan nyo noong seven years old ka at five years old siya. Alam mo Friend pasalamat ka nong time na yun di kita sinumbong sa Lolo mo kung nagkataon kurot sa singit ang aabutin mo." Ang sabi ni Celine.
"Kaya BFF kita eh kasi magaling kang magtago ng sikreto."
Tinignan ko ang celphone ko kung saan andon ang picture ni Stephen,"Bes ang pogi ng pinsan mo noh. May jowa na kaya siya."
Nagkibit balikat si Celine, "Pero baka kasi European Culture na siya, maslalo na sa Amsterdam balita ko mga liberated daw ang mga tao ron, masyadong open, at mahilig sa night life."
Nawalan naman ako ng pagasa sa sinabi niya
"Bes kahit magdeny ka alam ko naman eh, umaasa ka. Kasi siya lang naman ang lalaking nagpatibok ng puso mo. Siya lang ata ang naging crush mo sa tanang buhay mo. Friend open your heart and accept the fact, hindi siya Pilipino sa puso at diwa. Di ba nga sabi ko sayo ang sabi ni Tito di na raw marunong magtagalog yun."
Tanggap ko naman yun. Tanggap ko talaga. Pero di ko talaga alam sa puso kong ito kung bakit sa tagal tagal na ay umaasa pa rin ako. Baka naman nalilinlang lang ako sa motto na First Love Never Dies.

"Bes nagtext na si Ate Sabel, parating na raw sila." Si Ate Sabel kasi at ang fiance niya ang lumuwas ng Maynila upang sunduin ang mag-ama sa airport.
Lumakas ang tibok ng puso ko at napatingin ako sa salamin. Maayos ba ang buhok ko? Oily ba ang mukha ko? Gusot gusot na ba ang suot ko?
"Maayos ka pa rin" at ningitian ako ni Celine.
"Anong sinasabi mo riyan?"
"Kunwari ka pa di ka mapakali sa salamin."
"Hindi ah..."
"Arte mo nagdeny ka pa."
"Ayan na sila!" Ang sabi ng Tatay ni Celine kaya madaling lumabas si Celine ng bahay upang salubungin ang pinsan at Tito niya.
Samantalang ako... freeze... parang biglang napako ako sa kinatatayuan ko. Belya kumilos ka riyan, anong ginagawa mo? Baka hindi mo sila salubungin? Magpakilala ka, ikaw kamo si Belya yung childhood sweetheart... este... kalaro mo noong five years old ka.
"Ang pogi-pogi pala sa personal nitong si Stephen at may height pala siya." Ang narinig kong boses na sinasabi ng Tatay ni Celine.
Napaatras ako... si Stephen... andiyan na siya.
Tatalikod na sana ako nang biglang...
"Belya! Iha!" Tinawag ako ng tatay ni Celine.
Patay na!
Napalingon ako at nakita ko si Stephen...
Juskolord... mukha siyang prinsipe samantalang ako mukhang tagapunas lang ng sapatos niya.
"Oh ayan na ba si Belya?" Ang sabi sa akin ng Tatay ni Stephen, "Dalagang dalaga na ha."
Napangiti ako at di ko mapigilang mamula sa kapogian ni Stephen.
"Stephen, remember Belya? Shes your favorite playmate when you were five." Ang sabi sa kanya ng Tatay niya.
"I dont remember her." Ang sabi niya.
"Ha pero..."
"Where my room, I want to take a rest. Jetlag is killing me."
Napasimangot ako sa sinabi niya. Ang shakeeeeet! Hindi niya ako kilala.
Sinamahan siya ng Tatay niya sa room nila at saka ako nilapitan ni Celine.
"Friend okey ka lang."
Pinigilan ko ang emotion ko at pinilit ngumiti, "Ano ka ba, ikaw na ang nagsabi sa akin di ba? Five years old lang siya non. Expected ko na yang ganyang nga bagay-bagay."
"Hmp! Suplado talaga, kanina pa nga ako sasakyan nagtitimpi diyan sa Bwiset na yan." Ang sabi ni Ate Sabel.
"Shhh, Babe, lower your voice, baka marinig ka." Ang bilin sa kanya ng fiance niya na si Kuya Wes.
"As if naman maiintindihan ako non, di na nga marunong magtagalog yun eh. Kanina pa siya maarte, ang init daw dito sa Pinas, wala pa raw bang ilalakas ang aircon ng sasakyan namin, inaallergy na raw siya sa init hindi na raw siya makakatagal its like hell. Punyeta dinaig pa ang babae sa kaartehan."
"Ate kalma nga." Ang sabi ni Celine sa kapatid niya.
"Hay naku nagiinit talaga ang ulo ko sa lalaking yan!" At saka sila lumabas ng bahay muna ni Kuya Wes para magpalamig.

"Ito na po Tito yung paborito niyong bagong ihaw na liempo." Ang sabi ko habang hinatid ko sa garden table ang inihaw ko na liempo.
"Grabe talaga itong memory ni Belya, naalala niya talaga na paborito ko ang liempo." Ang sabi ng tatay ni Stephen.
"Naalala ko nong bata po ako, dalas nyo pong magmarinate ng liempo sa Lola ko para iihaw. Alam ko Tito matagal niyo ring na miss ito pero hinay hinay lang para sa puso."
Natawa ang magkapatid na Serano sa sinabi ko,"Alam mo tama ka riyan Belya, na miss ko tuloy si Ate Sheila, paborito niya rin kasi ito."
"Si Stephen pala, baka nagugutom na yun." Ang sabi ng tatay ni Celine.
"Oo nga pala, Belya pakikatok naman sa kuwarto ang anak ko sabihin mo sa kanya bumaba at kumain."
"A-ako po?"
"Oo."
Tapos lihim akong ningitian ni Celine.
"S-sige po."
Buong kaba akong bumalik sa loob mansion at inakyat ang kuwarto nila Stephen.
Belya kayo mo yan. Sasabihin mo lang naman na bumaba na siya para kumain.
Inhale exhale then smile.
Ready na akong kumatok sa pintuan nang...
Biglang bumukas ang pinto at bumulaga sa akin ang kapogian ni Stephen.
"Hah..."
Napakunot siya ng noo...
"Ahh..."
Napahalukipkip siya... naiinis na ata baka kasi umusad ang dila ko sa kapogian niya.
"Ano... sabi ng daddy mo ano... bumaba ka na raw para kumain." Ay english pala dapat! Ano, your dad said go down and eat... liempo." Tapos dinaan ko na lang sa ngiti ang pagiingles ko.
"Tell him Im still full. I dont want to eat."
"G-gusto mo pagdalhan na kita rito ng foods..." english nga pala, "Do you like food, here? Up here I will, ano, bring ba."
"I dont want to eat. Do you know what I want today?" At lumapit siya sa akin na parang gusto niyang amuyin ang... leeg ko.
"Do you know what Im feeling right now?" Lumapit pa siya sa akin at bumulong sa tainga ko, "Im feeling... hotttttttt..."

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon