4 Isa Siyang Misteryo
Iba na talaga si Stephen, sabagay five years old lang siya non, inosente at wala siyang masyadong iniisip kaya mabait at sweet siya. Malamang bitter nga siya sa mundo dahil sa nangyari sa pamilya niya. Pauwi na sana ako sa bahay namin nang makita ko sa swing si Stephen tahimik na nakaupo lang don at nakatingin sa kawalan. Ano kaya ang iniisip niya at mas pinili niyang maging mag-isa ayaw ba niya ng kausap?
Mamaya maya pa ay lumabas ang Papa niya sa mansion at kinausap siya, "Stephen, your cousins and tito is looking for you. Makipagkuwentuhan ka naman sa mga pinsan mo."
Deadmabels lang ang mokong, kunwari walang narinig.
"Im getting impatient on you Stephen. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo."
"Leave me alone. I dont want to talk to anyone." Ang sagot nya sa tatay. Hays napakasuplado.
"You have to accept truth Stephen!" Ang sabi ng tatay niya.
"Leave me alone." Ang pagmamatigas niyang sagot rito.
Sumuko rin si Tito at iniwan ang anak niyang mag-isa sa swing.
Nagulat ako nang biglang napatingin sa kinatatayuan ko si Stephen. Shocks! Nahuli niya ako! Nakakahiya kaya madali akong lumabas na ng gate ng mansion.
Late na naman natapos ang practice namin sa choir at alas diyes pasado na ako nakauwi at nang mapadaan ako sa mansion ay naabutan ko ang isang lalaki na nakasuot na jacket, naka cap at may dalang bagpack na palabas ng mansion.
"Juskolord magnanakaw! Hoy magnanakaw!"
Agad akong sinugod ng lalaking yun, tinakpan ang bibig ko at hinila niya ako kung saan.
Naku po. Kikidnapin ba niya ako? Papatayin? Gagahasain? My God! Tulungan niyo po ako!
Nagpumiglas ako at kinagat ang kamay niya.
"Ouch!"
English?
Sinilip ko ang mukha sa ilalim ng cap na yun.
"Stephen!"
"Shhhh! Quiet."
"A-ano.." oo nga pala inglisero ito, "What are you? And why are you.. like that."
"Quiet pls."
"Are you ano? Tanan... este maglalayas ka? You going away in the mansion and your Papa dont know."
"Yes. Im going to Olongapo."
"Olongapo, ang layo non. But why?"
"Its none of your business."
"Pero alam mo ba kung paano magpunta ron. Una sasakay ka ng bus pa-Maynila tapos LRT tapos baba ka ng Monumento para sumakay ng Bus papunta ng Olongapo."
"It seems that you know how can I get there. Good then come with me." At sabay niya akong hinila.
"No... ano yun makikikumtsaba pa ako sa paglayas mo. Baka isipin ng pamilya mo tinanan mo nga ako tapos ipakasal agad ako sayo."
"What are you talking about? Okey if you dont want to come with okey I go, I can take care of myself." Ang sabi niya.
"But wait madaming holdaper sa Maynila, maslalo na sa bus. Tapos baka mashock ka sa LRT dito masikip, palaging humihinto tapos ang dalas magskip train."
"I dont know what are you talking about."
Hindi ko alam. Siguro praning lang ako. Sa itsura kasi nitong lalaking ito mukha siyang mamahaling hiyas na masarap nakawin. Magiging target talaga ito ng magnanakaw inglesero pa naman.
"Wait. Teka." At hinabol ko si Stephen.
"Ill go with you."
Napakunot siya ng noo.
"Sasamahan na kita papuntang Olongapo."

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?