9. Youre Driving Me Crazy

809 62 3
                                    


"NO WAY!" Ang malakas na pagkasabi ni Stephen, "Belya doesnt know how to make balance, she might got into accident. Im sorry guys but I have put Belya in this situation and shes with me all this time thats why I felt that I have a responsibility on her."
Napakunot ng noo si Kuya JJ at napakamot ng ulo, "Ano raw? Di ko gets."
"Am..." napagisip si Stephen, "Whats that word, sepang."
"Sepang? Ah baka semplang." Ang sabi ko.
"Yah thats the word. She might get sempang."
"Semplang. Baka sumemplang ako sa bisikleta."
"Yah, If Belya got sumempang her Mom will get more angry on her. Well her Mom is really mad right now because she's with me."
Napag-isip ako. May point itong si Bulol este si Stephen don ah. Baka magwala lalo ang inang ko kapag naaksidente ako rito.
"Alam ko na. That one." At tinuro niya ang sidecar na walang bubong, "I will drive on that and Belya will be in the passenger seat."
"Insan sure ka kaya mong magbike niya. Sanay ka na solo lang."
"In Amsterdam I have already drove a bike with kids in a carrier. And Belya its not that heavy I guess." Ang sabi niya.
"Eh di sige, at dahil you guys are my special visitors. Libre ang renta ko sa inyo nito."
Natuwa kami sa balitang iyon ni Kuya JJ.
"Thanks Kuya." Ang sabi ni Stephen, "at saka niya kinuha ang sasakyan namin.
Infairness kay Tisoy ah, swabeng driver sa bisikleta, maayos magdrive. Feeling ko tuloy isa akong Prinsesa na nakasakay sa karwahe na may guwapong driver, ay hindi, hindi na lang ako Prinsesa, mas maganda ata kung lover na lang ako ng sweet na driver.
"Are you okey there? Is my driving okey."
"Yah, Im okey and youre driving is ... crazy, youre driving me crazy." Ang nasabi ko.
"Ha?"
"Joke lang un, wag assuming."
Ngumiti naman siya.
Mga ten minutes kaming umikot sa Plaza tapos parang huminto muna siya. Napagod na ata, grabe din ang sikat ng araw kasi at pawis na pawis siya.
"May pawis ka sa mukha mo."
"Pawis?"
Oh my goodness. Nakalimutan niya na kung ano ang pawis. Ano nga ba ang english ng pawis? Na-mental block ata ako ng pawis.
"Yah, in youre face there is.... ano nga ba yun? Basang basa ka na ng pawis. Youre wet."
Napakunot siya lalo ng noo, "Im wet?"
Juskolord ano nga ba yung nasabi ko. Hay naku ang hirap magexplain ako na nga lang...
Tumayo ako, inabot ko ang ulo niya at itinaas ng bahagya ang shirt ko na buti na lang ay mahaba at malaki sa akin para punasan ang pawis sa noo niya. Pasensya siya, wala akong panyo rito kaya shirt ko na lang.
"Pinagpapawisan ka kasi. Di mo ba naramdaman yun?;
Di siya nakapagsalita. Nakanganga lang siya. Tulala mode pinunasan ko lang ng pawis.
"You just have told me that I have sweat in my face."
"Ayun sweat! Sweat ang english ng pawis! Pero katunog lang yun ng wet ah, di mo ako na-gets non?"
"You should not use your shirt to wipe my sweat, you should ask me to use mine."
"Ang arte mo naman. Naglalaba naman ako ng T-shirt, mabango naman ito." At inamoy ko pa ito.
"That's not it! I almost saw your..." huminga siya ng maluwag, "Never mind that. Lets continue driving."
Bumalik na ako sa side car at nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

"Enjoy ba enjoy?" Ang tanong ni Kuya JJ nang binalik na namin ang bike niya, isang oras din kaming nagpasikot sikot sa plaza.
"Yah of course. I really miss my bike, I really miss Netherland, the river, the houses, the cheese, the night life, my friends." Halata talaga sa kanya na doon na siya nagkaisip sa bansang iyon, "Im sorry guys, I just miss it."
"Ayos lang yun Pinsan. Hayaan mo at masasanay ka rin dito sa Pinas. Masaya naman dito sa Pinas eh laging nagtutulungan ang mga tao at mga hospitable. Ay teka alam ko na para maslalong masanay ka sa rito sa Pinas. MagTagalog only ka."
"Tagalog only. You mean I have to speak Tagalog?"
"Good idea. Para nga maging magaling kang managalog." ang sabi ko, "Dinudugo na kasi kami sayo."
"What's dinudugo?"
"Oh tignan mo na. Nose bleed, youre nose bleed."
At tumango naman siya, "Okey Ill try my best."
"Magtagalog ka na."
"Now na?" Tanong niya sa amin.
"Yes yes yoh." Ang sabi ni Kuya JJ.
"Okey, gagawin ko po."
Very good may "po" magalang na bata.
"Pero teka para mas may challenge dapat may penalty." Ang sabi ni Kuya JJ.
"What? I mean... ano."
"Kapag nagenglish ka, susundin mo ang iuutos sayo or sasagutin na tanong sayo ni Belya."
Nagulat ako sa naisip na penalty na yun ni Kuya JJ, "Ako? Ako lang?"
"Oo kasi utang na loob niya sayo ang pagsama mo sa kanya papunta rito. Pagnagenglish itong si Stephen pamimiliin mo siya truth or consequence. Kapag truth, magtatanong ka sa kanya, kahit anong tanong. Tapos kapag consequence, may ipapagawa ka sa kanya. Gets ba mga tsong mga tsang?"
Nagtinginan kami ni Stephen, kayanin kaya namin ang Truth or consequence?

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon