Half American ang Mama ni Stephen, doon siya nagmana ng katisoyan. Katulad ng ilang kuwento sa Gapo isa sa mga anak ng sundalong Amerikano na nastay sa US Base sa Olongapo ang tatay niya tapos iniwan na lang dito sa Pinas. Maganda ang Mama ni Stephen, kaya naman madali niyang nabihag ang puso ng isang mayamang tagapagmana. Nakakalungkot nga lang na after ilang years nilang pamilya nagstay sa Amsterdam ay bumalik dito sa Olongapo ang Mama ni Stephen at iniwan silang mag-ama.
"Ate Kris anak mo, ke-guwapo ate." Ang sabi ng isang tindera sa shop nang makita si Stephen.
Ngumiti naman si Stephen sa mga empleyado ng Mama niya na puring puri sa kapogian niya.
"Eh sino ka man jowa niya?" Tanong sa akin ng tindera.
"Ha ako? Hindi, kababata niya lang ako. Sinamahan ko lang siya rito." Ang sagot ko.
"Kalaro ni Stephen si Belya noong mga bata pa sila. Matagal ko na nga ring di nakikita itong batang ito, dalagang dalaga ka na, tangkad mo pa." Ang sabi sa akin ni Tita Kris.
"Teka, parang namumukhaan kita..." ang sabi ng isang tindera sa akin at saka binuklat nito phone niya, "Tama ikaw nga!" At pinakita niya ang cp niya kung saan pinapalabas sa youtube ang video ko, "Ikaw si Bibang Kusinera!"
Nagtinginan ang mga empleyado ni Tita Kris sa cp ng tindera na iyon, pinagkaguluhan nila ang video ko, "Oo nga ikaw nga si Bibang Kusinera, masasarap yun mga recipe mo maslalo na yung Liempo."
"Uy hindi naman." Ang sabi ko.
"Bibang Kusinera pa picture naman." Ang sabi ng isa.
"Pa-picture? Ano ba kayo, di naman ako artista." Ang sabi ko sa kanila.
"Pero nasa YouTube ka at madami kang views kaya sikat ka."
"Go ahead Belya, pagbigyan mo na itong mga alaga ko." Ang sabi ni Tita Kris sa akin.
"Guys you want I will take your photos with Belya." Ang sabi ni Stephen kaya naman kinuha niya ang celphone ng tindera ng Mama niya at pinicturan kami.
Grabe talaga ang feeling ang lakas maka cloud nine at this point feeling ko artista na talaga ako.
"Uy kawawa naman si Sir Stephen wala sa picture." Ang sabi ng tindera.
"No Im okey here."
"Sir papicture na rin po sama na rin po kayo sa amin."
"Ha pero, walang magtitake ng pictures nyo?" Ang tanong sa kanila ni Stephen.
"Si Miss Belya naman ang kukuha sa atin ng picture tutal nagpapicture na kami sa kanya eh." At inabot sa akin ng tindera ang cp niya, "Isama na rin natin sa picture si Mam para masaya para malaman nila sa FB na pogi ang anak ni Mam."
"Ay oo nga." Ang sabi ng iba, "Uy una ako ha, gusto ko solo kami ni Mam at ni Sir para kunwari future mamanugangin."
Grrrr! Ang kakapal ng mukha nitong mga babaeng ito. Bagong kita pa lang nila kay Stephen pinagnanasahan na nila... kung sabihin ko kaya sa kanila na ako.... ako talaga ang unang girlfriend ni Stephen... noong five years old pa siya.
Pumuwesto na ang unang pipicturan ang pumagitna sa mag-ina.
"Oh sige 1..2..3."
"Uy teka kuha ba kaming tatlo?" Tanong ng babae sa akin.
"Oo naman." Sagot ko.
"Baka di kuha sa picture si Sir Stephen."
Huh! Kung ikaw kaya ang tanggalin ko sa picture. Ikacrop kita!
"Sir Stephen, lets closer." At dumikit siya kay Stephen.
"Huh, but..."
Tapos hinilig niya ang ulo niya sa balikat ni Stephen, "Sige okey na."
Gusto ko ng ibato itong phone sa kakirehan ng babaeng ito, "Okey, okey na." Ang sabi ko ng makunan ko sila ng litrato.
"Yun na yun di ka man lang nag1..2..3 tapos sabihin mo smile."
"Hindi na uso yun saka, maayos naman kuha niyo." Ang sabi ko sa kanya.
"Hay naku, teka nga, pwede ba wag ng solo solo kasi pampatagal oras pa yan, madami pa tayong tratrabahuhin. Group picture na lang tayong lahat." Ang sabi ni Tita Kris sa mga empleyado niya.
Dahil sabi na ng amo nila kaya ayun buti nga at nasira ang mga pangarap nila nasunod ang group picture.
Pagkatapos ng picturan ay bumalik sa kani kanilang trabaho ang mga empleyado ni Tita Kris habang naguusap ang mag-ina sa office ng shop ay tumabi muna ako sa isang sulok upang tawagan ang tatay ni Stephen.
"Hello Tito, andito na po kami sa shop ni Tita Kris... yes Tito maayos naman po kami. Am si Nanay po ba? Makakausap ko po ba siya ng matino pagbalik ko diyan?" Natawa si Tito sa kabilang linya.
"Dont worry, I told her na wag ka ng pagalitan because Im so thankful na at this time ikaw ang kasama ng anak ko."
"Salamat po Tito. Sige po tawagan ko na lang po uli kayo." Ang sabi ko sa kanya.
"Hey Belya, is that Dad?"
"Yah, magreport lang ako na kasama na natin ang Mama mo."
"Ah I see. Lets eat na." Ang sabi niya sa akin.
"Eat."
"I want to eat something here, something that I really missed, sabi ni Mama that resto is still open pa raw. I want to eat there."
"Ganon? So ano bang nakakain ron?"Nilapag sa amin ng waiter ang umuusok pa ng isang sizzling plate ng Sisig.
"Hmmm... I remember this smell... so captivating, ang sarap! Memories are coming back to my mind."
"Memories?"
Tumango siya, "Memories of my childhood here in my grandma's place."
Naalala niya ang childhood niya dito sa Gapo pero ung pagiging magjowa namin di niya naalala.
"Grabe the taste doesnt change at all, this is still my favorite Sisig ever."
Tama naman siya super sarap nga ng Sisig na ito. Napapikit ako at sa bawat pagnguya ko sa pagkaing ito ay inanalyze ko kung paano nila ito niluto, ano kaya ang secret ingredient nila sa masarap na putaheng ito.
Bahay namin maliit lamang... pero.. pero... pero malinis pati sa kusina...
"Uy favorite song mo."
Naidilat ko ang mga mata ko sa sinabing un ni Stephen.
"Toyang." Sabay subo niya ng kanin.
BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?