After naming magupload sa Youtube ay mabilis na dumami ang viewers ko sa video na yun at ang dami ring comments:
"Mukhang blooming si Bibang Kusinera"
"Ang ganda ni Bibang Kusinera ah, mukhang inlove"
"Parang may nagiba sa video niya, iba ang editing saka nagbago ang dating saka ang ganda ng angulo ni Bibang Kusinera."
"Nafocus ang video sa pagngiti ni Bibang Kusinera... hindi na tuloy yung mga niluluto niya ang mukhang masarap kundi ang mga ngiti niya"
Napahawak ako sa pisngi ko. Nagbablush ako!
"Hows the feedback of your avid viewers on the new vid?" Ang tanong ni Stephen sa akin.
"Nanibago nga sila sa video ko pero maraming nagandahan."
"Ows talaga pabasa nga." Kukunin niya sana ang celphone ko nang bigla kong itinago ito sa likuran ko.
"No."
"Makikibasa lang ako, bakit ayaw mo?" Ang tanong niya sa akin.
Because nakaka-akward yung mga comment nila sa akin.
"Because Im not yet finish reading."
"You can read it with me."
"Ayoko, gusto kong magbasa ng magisa."
Tumango naman siya.
Hay makikibasa pa kasi may sarili naman siyang telepono.
"Okey. Magbabasa na lang ako mamaya sa phone ko."
"Ganon nga." Ang sabi ko sa kanya.
"Dad texted me. He will pick up us raw dito bukas."
"Agad agad?" Hala ngayon pa nga lang nagsisimula uli ang love story namin nitong si Stephen tapos maghihiwalay na kami, "I mean, nagulat lang ako talagang susunduin tayo ng Papa mo rito."
"Yah. He said that."
"Namiss ka siguro ng Dad mo."
"Thats cheesy." Ang sagot niya sa akin.
"Maniwala ka sa akin namimiss ka ng Papa mo, ikaw rin naman namimiss mo rin ang Papa mo. Uy wag kang magdeny. Anak din ako, namimiss ko rin ang Tatay ko at namimiss niya ako kaya alam ko ang mga bagay na yan."
"Okey, I admit, I miss him. Especially his sermon." Ang sabi niya.
"Sira ka talaga. Mahal ka kasi ng Papa mo kaya lagi ka niyang sinisermunan, ayaw ka niya lang maligaw ng landas."
"Maligaw what?"
"Maligaw ng landas. Meaning to become bad and have a bad future."
Tumango siya sa akin.
"Yun nga lang di na magkatabi ang kuwarto natin."
Napalunok ako sa sinabi.
"Tapos I have to walk pa few steps before we see each other. You will be busy with your usual activities."
"OA mo naman magkikita pa naman tayo." Ang sabi ko sa kanya.
"Pero madali kitang mamiss eh."
"Eh anong gusto mong gawin natin?"
Hinawakan niya ang isa kong kamay at tila tumaas ang boltahe sa buong katawan ko.
"I want you..."

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?