Ilang beses kong inuntog ang ulo ko sa bintana ng bus sa katangahang ginawa ko ngayon. Bakit ba kasi ako biglang sumama sa Mokong na ito. Sigaw tuloy ng sigaw ang nanay ko sa telepono nang sinabi ko sa kanya na nakasakay ako sa bus upang samahan ang kaibigan ko sa Olongapo.
"Walang hiya kang bata ka! May pkuwa-choir ka pang nalalaman yun pala maglalakwatsa ka papuntang Olongapo. Sino ba yang kaibigan mo na yan han?! Lalaki yan noh! Boyfriend mo! Masasabunutan kitang bata ka! Sumama ka sa lalaking di mo pinakikilala sa amin. Humanda ka talaga ka pagbalik mo rito!"
Hindi na ako nakapagsalita pa sa nanay ko. Hindi na ako nakapagexplain isang mabilis na sorry then ibinaba ko na ang phone. Pero bilib din talaga ako sa Mokong na ito ang himbing ng tulog, naghihilik pa. Panatag na panatag, walang tatay na nag-aalala, walang kamag-anak, walang pakialam sa mundo para bang bahala kayo riyan basta ako pupunta ako ng Olongapo.
Napatitig ako sa kanya. Natawa ako ng slight kasi nakanganga siya kung matulog. Baka mapasukan ng kung ang ano kaya hinawakan ko ang labi niya upang isara ito.
"Ahh!" Nagulat ako nang magising siya at kinagat ang daliri ko.
"What are you trying to do to me? Are you playing jokes in me?"
"N-no. Of course not. I just want to close your ano kasi baka mapasukan ng gamo-gamo."
"What?"
"Animals insects might enter your mouth and you might eat it kaya I close your mouth." Ang sabi ko. Putres mauubusan ako ng dugo sa kaka nose bleed sa lalaking ito eh.
"I just thought you are trying to kiss me..."
"Y-you! I kiss you! No no no, big no. You ha, your mind is green."
Ang sabi ko. Tamang bintang itong loko na ito eh.
"Lokong to anong akala mo sa akin manyakis na babae?" Ang sabi ko.
"Pwede."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Nagtagalog ka ba? You speak tagalog?"
Ngumiti siya sa akin, "Oo naman."
"Hinayupak ka!" At pinalo ko siya ng malakas, "Naiintindihan mo ako?"
"Oo nga. Ang kulit mo."
Grrrr... hinayupak siya talaga, ilang chapters na akong ingles ng ingles sa kanya nakakaintindi naman pala siya ng tagalog, "Bwisit ka." At hinila ko ang damit niya, "Hindi mo alam kung gaano kahirap magEnglish, nauubusan na ako ng dugo sayo. Trip mo talaga akong pahirapan noh."
"Eh sino ba ang nagsabi sa inyo na I cant understand Tagalog?" ang sabi niya sa akin.
Natigilan ako, sino nga ba? Si Celine? Kasi sabi niya baka raw di na niya alam magtagalog kasi bata pa siya nang umalis sa Pinas at ilang taon siya sa Amsterdam.
"Eh ang tagal mo ng wala sa Pinas eh."
"So you assumed."
"Ay oo. Ganon naman talaga di ba?"
"Maybe I forgot some Tagalog words but I can understand Tagalog." Ang sabi niya.
"So you mean noong umpisa pa lang naiintindihan mo na ako?" Ang tanong ko sa kanya.
Tumango siya, "Yes. Pati ung kapag natikman ko ang Liempo mo I might remember that you are my first love."
Napatakip ako ng bibig, "Oh my gulay! Nakakahiya. You, forgot forgot that Liempo thing. Kalimutan mo na yun, joke lang yun."
"Okey fine. I will not take it seriously." Sabi niya.
Naiintindihan pala niya lahat... pano ito... pano ko siya pakikisamahan ngayon."Ito ang tren dito sa Pinas." Ang sabi ko sa kanya ng umakyat kami sa LRT.
"What a long line?" Hanggang hagdanan kasi ang pika sa LRT.
"Baka sira na naman kaya mahaba ang pila."
Makatapos ang ilang minuto ay nakaakyat na rin kami at pumila naman para sa tiket.
"Tatlo ang section dito sa LRT 1, may pila sa buntis, PWD at senior citizens, tapos meron din para sa mga babae, strictly no boys allowed don, pero sa section ng mga lalaki pwede ang babae."
"Thats unfair. Why do they have to seperate boys from girls?"
"Because some girls are sensitive, ayaw nila ng maniac na lalaki. Kasi kayong mga lalaki nagtitake advantage kayo maslalo na kapag nagkakagitgitan na. Nanghihipo kayo ng boobs, nangpipisil ng pwet..."
"What are we going to do? it happens masikip eh."
"Masikip? Saan? Sa LRT ba talaga o sa pantalon?"
Napakunot ang noo niya, "What do you mean?"
"Never mind."
Dumating na ang tren at sumakay na kami.
Dahil sa pagewang gewang ang tren at naubusan na ako ng kakapitan ay napapabuwal ako at napapahawak sa ibang pasahero ron.
"Ay!"
"Ano ba Miss?" Ang sabi ng lalaki sa akin ng mapahawak ako sa braso niya dahil katait na akong ma out of balance.
"So sorry Boss di ko sinasadya." Ang sabi ko.
Napatingin ako sa hawakan sa LRT, wala talaga akong mahahawakan.
Nagulat ako nang kinuha ni Stephen ang isang braso ko at ipinalupot niya iyon sa bewang niya.
"Teka ano yan?"
Kinuha pa niya ang isa kong braso at katulad ng isa ay ipinalupot niya rin yun sa bewang niya.
Bale magkadikit ang katawan namin at nakaakap ako sa kanya na parang tarsier habang yung isang kamay niya ang nakakapit sa itaas na hawakan ng tren at yun isa ay nakaalalay sa likuran ko.
Hindi ako makatingin sa kanya sa posisyon naming ito, ang lakas kasi ng tibok ng puso ko, pati hininga niya at dubdub sa dibdib niya ramdam na ramdam at rinig ko sa sobrang close namin. Napansin ko rin ang ibang pasahero sa tren na nakatingin sa amin. May napapangiti may napapataas ng kilay na parang sinasabing, ano ba itong mga ito dito pa sa LRT nagkirehan.
"Stephen, pinagtitinginan tayo ng mga tao..." ang bulong ko sa kanya.
"Let them be... I need to protect you."

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?