3. Hotness OverLoad

977 64 1
                                    


"Im feeling hottttt...."
Napalunok ako, juskolord anong gagawin ko... bibigay na ba ako? Hahalikan ko na ba siya? Pagbibigyan ko na ba ang init ng katawan niya? Teka wait... agad agad? Hindi ba pwedeng getting to know each other muna kami. Ganito ba talaga kapag namalagi ka na sa ibang kultura?
"It so hot, can you fix the aircon for me? I think theres a trouble with the aircon, its not cool enough.
A-aircon lang pala.
"Okey." At saka ako pumasok ng kuwarto niya upang tignan ito.
Tinignan ko ang aircon naka fan kasi, palibhasa kasi ang lamig sa Europa kaya di masyadong sanay sa aircon.
"Its cool na." Grabe ang sarap ng lamig ng aircon, "Sarap ang lamig."
"Thanks." Ang sabi niya.
"You really dont like eating." Tapos napayuko ako, "Sayang naman kasi yung inihaw kong liempo, baka makalimutan mo ang pangalan mo kapag natikman mo yun at maalala mo na ako ang... first love mo."
Napatingin ako kay Stephen nakaupo siya sa silya, nakahulikipkip at nakangiti sa akin na parang nagpipigil ng tawa.
Teka naiintindihan ba niya ako?
"You understand me?"
Umiling siya, "No. You just look... funny."
"Anyway thanks for fixing the aircon." At nahiga siya kama, "I want to sleep. Tell them I will eat if I want to. "
"O-okey, sweet dreams. " at saka ako lumabas ng kuwarto.

Naghuhugas ako ng pinggan nang nilapitan ako at tinulungan ni Celine sa paghuhugas.
"Nanghihinayang ako sa Liempo." Sabi ni Celine, "Hindi natikman ni First Love."
"Baliw. Hindi ko niluto un para lang sa mokong na yun noh. Para sa buong pamilya niyo yun."
"Defensive naman ni friendship."
"Hindi naman talaga. Ang landi ko naman kung niluto ko yun para sa kanya."
Ngumiti si Celine, "Okey di ka na malandi."
"Hindi ba rin ba kakain yun? Baka mamaya gutom na yun?" At saka sabay naming kinuha ang mga hinugasan naming pinggan para punasan ang mga ito.
Natigilan kami parehas ni Celine nang makita namin si Stephen, nakaupo sa dining table at kumakain ng kanin at liempo.
"Liempo...." ang nasabi ko.
"Why are you both looking at me like that?" Tanong niya sa amin.
"Hows the Liempo? You know Belya really cook that for you." Ang sabi ni Celine kaya sinuko ko siya.
"H-hindi, dont believe Celine, she is just joking."
"The pork is good." Ang sagot niya.
"Yah because it is made with love."
Simple kong sinabunatan si Celine sa pambubuking niya sa akin.
"Am do you want more kanin este rice and the liempo?"
"Im fine here, I can serve myself."
"O-okey."
"I just dont want people who are watching me while Im eating. Its bothering." Ang sabi niya.
Napatango kami ng sabay ni Celine.
"Sabi nga namin aalis na kami." At saka namin madaling nilagay muna ang mga plato sa lamesa at lumabas ng dining room.

Mula ng maging teenager ako ay lagi akong tumutulong sa Lola at Nanay ko sa pagluluto sa Carinderia kaya talagang naexpose ako sa pagluluto. Kung noong bata ako gusto kong makita ako sa TV kaya ako nagsising at dance ngayon ginagamit ko ang mga natutunan ko sa pagluluto para iexpose ang sarili ko sa You Tube.
"Ayan natakpan na ang pimples mo." Ang sabi ni Celine nang nilagyan niya ng concealer ang pimples ko, nilagyan ng kaunting lip stick at kaunting blush on.
"Maganda na ba ako sa You Tube?" Tanong ko kay Celine.
"Friendship, kahit di kita make up-an maganda ka noh." Ang sabi ni Celine, "Take na tayo ha."
At tumango ako.
"Hello po sa inyong lahat. Ako po Belya ang inyong Bibang Kusinera upang magshare sa inyo ng mga easy to cook pero masarap na recipe dito sa Cooking Channel ko na Bibang Kusinera. Ang unang recipe ko pong ituturo sa inyo ay ang inihaw na liempo. Ang sikreto po ng masarap na Liempo ay masarap na timpla sa pagmamarinate kaya ito po ang mga ingredients sa pagmamarinate." At saka ko sinabi ang mga ingredients, "Paghahaluin po natin ang mga sangkap sa pagmamarinate, halo lang po ng halo at kapag nabobored kayo sa paghahalo sabayan niyo ng kanta kasi ang sabi ng Lola ko noon kung gusto mong maging happy yung mga kakain nang niluto mo dapat maging happy ka rin. Katulad nito, bahay namin maliit laman, pero pero pero malinis ito pati na sa kusina... alam niyo po ba yung kanta na ito lagi ko po itong kinakanta noong bata pa ako tapos... " napangiti ako naalala ko si Little Stephen na nakatitig sa akin habang kinakanta ko noon ang Toyang.
"Ngayong tapos na natin..." paglingon ko sa camera ay nagulat ako nang makita ko si Stephen na nakatayo sa likuran ni Celine.
"Uy Belya ano na nakalimutan mo na script mo?" Tanong sa akin ni Celine na walang kamalay malay na nasa likuran niya si Stephen.
"K-kanina ka pa ba riyan?" Tanong ko kay Stephen kaya napalingon na rin sa kanya si Celine.
"What are you doing?" Tanong niya.
"Am we are doing vlog for cooking for You tube. Because Belya wants to be popular in You Tube. You know You Tube Sensation." Ang sabi ni Celine.
"So cheap." At saka siya umalis.
"Suplado nong lalaking yun!" Sabi ni Celine, "Grrr... ginagalit niya ako!"
Inalis ko ang suot kong apron. Tama naman si Stephen ka cheapan lang talaga itong iniisip ko.
"Oh bakla bakit mo inalis yan? Keep rolling tayo ieedit na lang natin yun."
"Tama naman yang pinsan mo. Ka cheapan lang itong vlog na ito."
"Ay sus nagpaapekto ka naman sa gunggong na yun. Walang alam sa showbiz yun noh."
"Ano ka ba? Hindi naman ako magshowbiz noh, hindi ako sisikat kasi hindi naman ako pansinin, hindi ako maganda. Baka nga pagtawanan pa ako ng mga tao eh kasi mukha akong trying hard na maging sikat."
"Hoy Gaga tumigil ka nga sa drama mo. Una sa lahat maganda ka pangalawa naniniwala ako na sisikat ka kasi hindi dahil sa pisikal mo kundi dahil sa positive personality mo noh. Kaya pwede ba wag kang makinig sa Stephen na yun, galit yun sa mundo kaya ganon siya mag-isip kaya siya masungit."

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon