Ang hirap talagang spellengin ng mga babae. Hindi mo maintindihan. I thought me and Belya are okey. She seems sweet and caring in me like a usual girlfriend will do to her boyfriend pero yun pala she's not yet ready to level up our relationship. Nag-assume ako na okey na confirmation na lang ang kulang pero hindi pa pala. May kulang pa ba sa ginawa ko?
"Am Stephen, salamat sa paghatid ha."
I nod. Huh! Nakakainis pinaasa niya ako ron.
"Goodnight and sweetdreams."
"Goodnight." Then I kissed her forehead.
She entered their house and I walk back home.
"Pare sisiw lang sa akin yung bansot na yun." I heard a group of guys talking while walking in the street. Their faces seems familiar, "Lalampasuhin ko yun." Pati na rin ang attitude nila.
They were the bullies in our school when I was kid and Iam one of their victims.
Napaatras ako, makikilala kaya nila ako?
I remember when I was a kid Im quietly reading a book with some of my classmates when this guy approached, "Hoy Stephen, pakopya nga ng assignment natin."
"Ayoko nga." Ang sagot ko sa kanya.
"Ang yabang nitong Tisoy na ito. Ano porket mayaman kayo at kilala ang Lolo mo rito magmamayabang ka na."
"Thats not it. Me, my Dad and my Mom we help each other in doing my assignments kaya I will not share it to anybody. Why dont you asked your Mom and your Dad to help you." Ang sagot ko sa kanya.
"At pinagmamayabang mo pa yang Tatay at Nanay mo! Alam mo ba ang sabi ng Nanay ko, hindi mahal ng Tatay mo yang Nanay mo!"
"Hindi totoo yan!" Ang sagot ko sa kanya, "Baka ikaw ang di mahal kasi ayaw ka nilang tulungan sa assignments mo!"
"Totoo yun, usap usapan kaya sa amin. Sabi nila napilitan lang daw ang Papa mo na pakasalan ang Mama mo kasi buntis siya."
"Hindi totoo yan! Ang sinungaling yung Mama mo!" Ang nagsimula na akong manglaban grinab ko ang uniporme niya, "Salbahe ka!"
"Totoo yun kaya nga wala kang kapatid eh kasi di kayo mahal ng Papa mo."
"Mahal kami ng Daddy ko!" Sa sobrang galit ko noon ay pinagsusuntok ko siya hanggang sa awatin kami ng guwardiya sa school at ipatawag kami ng Principal.
That time worried na worried na ang parents ko sa nangyari sa akin.
"Pambihira naman kasi yang mga taong yan napakatsismoso at itinuro pa sa mga anak nila ang pagiging madaldal nila." Ang galit na sinabi ni Papa habang yakap yakap ako ni Mama dahil umiiyak ako.
"Wala tayong magagawa, bata yun eh. Ang nagwoworry ako kay Stephen, paano kung mas malala pa rito ang gawing pangbubully sa kanya, maslalo na kapag lumaki na siya. Alam mo na ang pinaka ayoko sa lahat ay masaktan ang anak ko. Ako kaya kong tiisin ang sakit pero ang anak ko..."
And that's when my Father decided to moved in Amsterdam.
"Kakausapin ko ang Boss ko, tatanggapin ko na yung trabahong inaalok nila sa akin ron. Magpapaassign na ako ron, lilipat na tayong lahat ron para sa anak natin.
Masakit kasi I will missed my cousins maslalo na si Belya pero sabi ni Papa kailangan daw para sa ikabubuti ko kaya lumipat kaming pamilya sa Amsterdam.
"Stephen?" Nakita pala ako ng dati kong classmate na bully at nilapitan niya ako, "Ikaw nga hanep ang pogi ah, tisoy pa rin saka yamanin pa rin."
Tumango naman ako pero kahit matagal na yun ay talagang ang sarap pa rin niyang suntukin.
"Ay naalala niyo ba siya, si Stephen, yung kaklase natin nong Kinder."
"Ay oo di ba nagsuntukan kayo non." Ang sabi ng isa.
"Thats past." Ang sabi ko sa kanila, "We are only five and six years old then."
"Oo binugbog pa nga ako ng Nanay at Tatay ko non dahil sa ginawa ko sayo tapos ikaw ang sosyal nangibang bansa." Ang sabi niya, "Pero kita mo naman, di ba sabi ko sayo, tama ako, hindi mahal ng Tatay mo ang Nanay mo. Tignan mo hiwalay na sila."
Tinikom ko ang mga kamay ko. Kalma Stephen, kalma, chill, di mo sila ka level.
"Dude, ilang taon na rin tayong di nagkita, mga bata pa tayo nun, immatured ka pa rin." Ang sabi ko sa kanya, "Ano bang problema mo sa akin at bata pa lang tayo pinag-iinitan mo ako?"
"Ikaw? Pag-iinitan kita? Bakit dahil sa mayaman kayo at guwapo ka? Hindi uy! Nakakatawa kaya yang pamilya mo, nagsasama sila noon dinala ka pa sa ibang bansa eh di naman pala nila gusto ang isat isa."
Red alert. Kaunti na lang makakasapak na ako ng tao.
"I think I better go home. I dont want to talk to a piece of trash like you."
"Uy teka napipikon, ano yun di mo pa rin matanggap? Or baka naman natatakot ka kasi..."
Lumapit ako sa kanya at inangat ko tshirt niyang suot, "Bakit ba ang laki ng problema mo sa mga taong mas angat sayo? Wala akong ginagawa sayo. After so many years wala ka pa ring pinagbago, utak kindergarten ka pa rin! Sa susunod na marinig ko pa mula sa bibig mo ang tungkol sa pamilya ko, youre dead."
"Stephen..."
Binitawan ko siya bigla nang makita kami ni Ate Sabel kasama ang asawa niya.
"Ginugulo ka na naman ba nitong lalaking ito." Ang sabi ni Ate Sabel, "Hoy ikaw, ang nanahimik nitong pinsan ko ha ginugulo niyo na naman. Wala ka talagang magawa sa mundo, maghanap ka ng trabaho tulungan mo ang mga magulang mo labas masok ka ngbpresinto."
"Oo nga." Ang sabi ng asawa ni Ate, "Layuan niyo si Stephen kundi pababarangay namin kayo."
Natakot naman ang mga lalaking yun at tumakbo palayo sa amin.
"Ayos ka lang Pinsan?" Ang tanong sa akin ni Ate.
"I just cant believe that they havent change." Ang sabi ko sa kanila.
"Ewan ko ba. Mas lumaki ang sungay nong nagsilakihan." Ang sabi ni Ate, "Pumasok na nga tayo."
Naunang pumasok sa bahay sin Ate at Kuya nang may naalala ako from my childhood past.
"Mama, Papa, sabi po nila di niyo raw mahal ang isat isa. Is that true?" Ang tanong ko non sa parents ko.
My parents looked at each other as my Mom smiled at me and give me a hug, "Stephen, dont listen to them. Mahal ka namin ng Papa mo, mahal na mahal."
BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?
