Good Morning Philippines! Hay ang ganda ng pakiramdam ko. Parang buong gabi akong nakangiti habang tulog.
Agad ako nagtuloy sa banyo upang maghilamos, magtoothbrush at magsuklay. Tapos inamoy amoy ko ang sarili. Mabango pa rin naman.
Nagpunta ako ng kusina upang maghanda ng almusal. Nagluto ng siningag, nagprito ng itlog at prinito ko na rin ang Tapa na minarinate ko kahapon.
Hay ang bango bango ng niluto kong sinangag ah, ang sarap kumain nito.
"Good Morning Miss Beautiful!"
Nagulat ako nang binati ako ni Stephen.
"Thank you este ang aga-aga binobola mo ako."
"Bola?"
"Yah. But not that ball in the basketball I mean you are joking me."
"But I really find beautiful. " umupo siya sa lamesa at humalumbaba habang tinititigan ako.
Gusto kong tumili pero kailangan magpigil. Dalagang Pilipina kasi ako.
"You wait there Im cooking."
"Yah, Im just here." Ang sabi niya.
Habang nakatalikod ako sa kaniya at nagluluto ay di ko mapigilan ang sarili kong mapangiti, tapos matatawa tawa ng kaunti napatakip pa nga ako ng bibig ko kasi baka marinig.
"Are you laughing?"
"No ha. Im cooking." Ang sagot ko sa kanya.
"Belya, I have a question, do you like flowers?"
Natigilan ako sa tanong niya, "Bakit mo naman natanong?"
"Kasi di ba Im courting you. Baka kasi ayaw mo ng flowers."
Grabe naman yun. Parang ayoko ng magluto magpapaligaw na lang ako rito.
"Ah... ano ka ba, hindi naman kailangan na mamahalin, simple lang kaya ako." Pwede na yung tulips madami namang ganon sa Amsterdam, "kahit anong ibigay mo sa akin okey lang ang importante sincere ka at galing sa puso."
"Okey. Thats the hardest giving something to a simple girl like you."
Hays... Kinakailangan ko talaga ng oxygen sa lalaking ito. Nailagay ko tuloy sa likod ng tainga ko ang buhok ko.
"Anyway, forget about that."
Forget about that? Hindi niya na ako liligawan?
"I should not asking you that. It seems unappropriate. Pasensya na, di ako marunong manligaw."
"Siguro sa Europe hindi uso uso ang ligawan noh. Kung gusto mong maging girlfriend ung isa babae tatanungin mo lang tapos kayo na."
"Ha? Im not like that." Ang sabi niya.
"Ganon? Baka naman ikaw naman yung mga babae ang nanligaw sayo."
"Hindi naman. Eh di pa naman ako nagkakagirlfriend." Katait ko ng maihulog ang pinggan na hawak ko sa sinabi niya. Hala seryoso ba siya ron.
"Ikaw di pa nagkakagirlfriend, sa itsura mong yan." Ang sabi ko sa kanya, "Ang guwapo mo kaya."
"Nakakaguwapuhan ka sa akin?"
"Hah? Wala akong sinasabing ganon."
Manginig nginig ako nang maramdaman kong lumalapit siya sa akin at tumayo sa likuran ko.
"Meron kaya. I heard it."
Bumuntong hininga ako. Parang hihimatayin ako sa init nang hininga niya na dumadampi sa batok ko.
"Wala akong narinig na sinabi ko. Wag kang feeling babatukan kita ng sandok ko."
Paglingon ko sa kanya ay nagulat ako dahil sobrang close namin kaya katait na akong na out of balance kung di niya ako nahablot sa bewang.
Maslalo akong di makahinga nang naglapat na ang mga bewang namin.
Napatitig kami sa isat isa at napahawak ako sa magkabilang balikat niya.
"Youre so beautiful and I cant find someone like you, kaya di pa ako nagkakagirlfriend mo."
"H-ha..."
Napatingin na naman siya sa labi ko at napalunok ako.
Ayan na naman tayo.
Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko...
Nag-aabang ang labi ko na muling maglapat ang aming labi. Pero bat ganon bat parang may nasusunog.
Napadilat ako nang maalala ko ang niluluto kong sinangag.
"Naku nasusunog na ang niluluto ko, ikaw kasi eh."
"Im sorry." Ang sabi niya sa akin.
"Umupo ka na lang kasi riyan hayaan mo muna ako matapos sa pagluluto ko saka mo ako anuhin."
"Okey." At umupo siya sa dining table, "I wont disturb you na."
Tumahimik siya saglit nang, "Wait, naalala ko. Belya paano na ung Bibang Kusinera mo? You havent uploaded new videos na dahil youre here with me."
"Eh yun nga. Wala si Celine eh, yun ang direktor ko." Ang sagot ko sa kanya.
"Ganon? Kailangan ang presence ni Celine? Eh you are the Bibang Kusinera naman ah."
"Alangan namang kunan ko ng video ang sarili ko habang nagluluto... ang hirap naman non."
"I can do it for you. I can be your direktor muna, while wala si Celine. Ahem actually, in Amsterdam I joined photography and film club in our school, I also directed videos in our school projects and I love editing. Hired na ba ako Mam."
Impressive ang directing experience ng aplikanteng ito ha "Sige try natin yang skills mo."Sa park ang location namin para sa special segment ng Bibang Kusinera.
"Hello everybody! Namiss niyo ba ako! Pasensya na po ha kung di ako nakapag-upload agad kasi naman po nagbakasyon ako at dahil namiss ko rin po kayo kaya sinama ko rin po kayo sa bakasyon ko. Andito po tayo sa Olongapo! At dito po ay ituturo ko po sa inyo ang isa sa mga paboritong almusal ng mga Pinoy ito ang Tapa. Special Tapa Recipe from me Bibang Kusinera!"
Nang matapos na ang shooting namin ay pinakita sa akin ni Stephen ang video at ang ibang inedit niya na.
"Your angle here is nice. Kitang kita yung smile mo while cooking."
Pinagmasdan ko ang mga kuha niya. Infairness ang galing kumuha ng magandang anggulo ng lalaking ito. Pwede... pati rin ang pagkaedit ang galing! May future...
"Grabe ang galing. May future ka sa directing."
"Yun nga sana ang plan kong kunin sa Amsterdam course in film directing yun nga lang we have to move na here in the Philippines."
Na sad naman ako ron, "Sayang. Okey lang yan. Malay natin maging director ka pa rin."
"Ikaw. You can be a famous celebrity. You have the charm and charisma. Fans mo nga mga tao rito."
"Naku baka hanggang internet lang yun. Sa Social Media naman kahit anong itsura mo pwede, pero sa TV... hindi ako papasa ron."
"Why did you say that?"
"Di naman kasi ako maganda, saka mukha lang talaga akong kusinera. Baka katulong siguro na extra pwede pa."
"How could you say that na you are not beautiful? You are so beautiful inside and out infact your the most beautiful person I ever seen in my whole life."
"Hoy wag mo nga akong echosin. Dami kayang magaganda sa Europe. Daming matatangos ang ilong, maputi, matangkad, blonde."
"Yun ba ang definition ng beautiful sayo, fair complexion, blonde. That is so low."
"Bakit ano ba dapat ang definition ng beautiful sayo?"
"Someone who has very beautiful eyes." At napatitig siya sa akin, "her eyes is always glowing and very expressive, someone who has a beautiful lips... someone who are always smiling."
Di ko mapigilan ang sarili ko na mapa-smile sa sinabi niya.
"Alam mo ba kapag naka-smile ka Im feeling happy. Kahit na bitter ako sa nangyari sa parents ko your smile makes me glow."
Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ang labi ko na di makatiis na ngumiti.
"T-teka uyyy..." at inilayo ko muna siya sa akin, "Tapusin mo na yang video para makapag upload na tayo sa You Tube.

BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?