20. ALAGANG GIRLFRIEND

782 47 12
                                    


Sa paglapit ng mukha niya ay ipinikit ko ang aking mga mata.
Hanggang sa maramdaman ko na lang na dumampi ang kanyang labi sa aking noo.
Napadilat ako bigla.
Noo?
Bakit sa noo lang?
Ano ako lola?
"Im planning to talk to your Nanay and if possible your Tatay."
"But why?" Ang tanong ko sa kanya.
"Because I want to court you and to show my sincerity and respect to them."
Napakagat ako ng daliri ko, "May ganon?"
"Oo naman. I dont want them to think na pinaglalaruan lang kita. Alam pa nilang I came from a different culture na." Ang sabi niya sa akin.

"Belya! Belya!" Mabilis akong napalabas sa kuwarto ko ng marinig ko ang malakas na boses ng Nanay ko.
"Hinahanap ka ni Stephen."
Nagtinginan kami ni Stephen ngunit di nagsasalita sa isat isa.
"Oh, bakit ganyan ang reaksiyon niyo sa isat isa?" Ang tanong ni Nanay sa amin, "Hindi kayo nagsasalita, ano bang problema?"
"Tita I heard you love Siopao in a Chinese restaurant in the bayan. I brought some." At inabot niya sa nanay ko ang isang kahong Siopao.
"Nag-abala ka pa salamat." Ang sabi ni Nanay pagkakuha sa siopao
"And nakikita ako ng magandang duster din sa bayan, naisip ko bagay po sa inyo." At saka niya binigay ang duster.
"Ang sweet mo naman yata Stephen. Anong meron?" At saka siya tumingin sa aming dalawa.
"Nay si Stephen po kasi...."
Ngumiti si Stephen kay Nanay, "I want to court Belya." Ang diretsang sinabi ng lalaking ito sa nanay ko.
"Ha?"
"Gusto ko pong maging girlfriend ang anak niyo and then asawa po after."
"Ano?! Asawa agad!"
Loko talaga itong lalaking ito, binibigla ang Nanay ko.
"Hindi po Nay manliligaw pa lang po siya."
"Im sorry po. Nabigla ko po ata kayo sa sinabi ko. I just want to show my sincerity to your daughter."
Napatango si Nanay, "Ah ganon. Sensya na rin. Akala ko naman din kasi ilang araw lang kayong nagkasama sa Olongapo ay gusto niyo ng magpakasal agad. Bueno okey lang naman sa akin kung manligaw ka o maging boyfriend nitong anak ko. Basta ang importante lang sa akin maging masaya si Belya."
Napangiti ako at natouch sa sinabi ni Nanay kaya nilapitan ko siya at niyakap.
"Thank you po Nay."

Halos araw-araw akong hinahatid sundo ni Stephen sa pinagtratrabahuhan ko habang siya naman ay nag-aapply na rin sa University sa amin para matapos niya na rito sa Pilipinas ang kursong naiwan niya sa Amsterdam.
Madalas din siyang dumalaw sa bahay upang makipagkuwentuhan at minsan naman ako naman ang niyayaya niya sa kanila upang maglaro ng video game.
Madalas din kaming kumain sa labas, gusto niya kasing iexplore ang pagkain ng mga Pilipino. Naging interesado siya sa fishball nagpabili pa nga siya sa grocery para lutuin namin sa bahay nila.
"Luto na."
At saka ko nilapag ang niluto kong fish ball sa dining table nila, "Oh ayan ha, one to sawa na yan. Heto pala ang suka." Ang inabot ko sa kanya ang suka.
"Ang sarap pati nong ginawa mong suka."
"Salamat. Alam mo Stephen gumaling ka na uling magtagalog."
"Maybe I used to na, lagi kasi kitang kasama eh."
"Sabagay." Kumuha ako ng stick at nilagyan yun ng fish ball saka isinawsaw yun sa suka at saka un isinubo sa kanya, "Masarap?"
"Oo naman. Galing sayo eh."
At saka ko pinahiran ng tissue ang bibig niya.
"Pa ganyan ganyan ka hindi naman tayo." Nagulat ako nang sinabi sa akin ni Stephen yun.
"Aba Stephen ang arte mo ah ikaw na nga itong inaalagaan diyan."
"Ang gusto ko alagang girlfriend, eh hindi naman kita girlfriend so anong tawag diyan."
"Alagang magkaibigan. Hay naku Stephen ang drama mo bahala ka na nga riyan." At nagpatuloy ako sa pagkain ng fishball. Hmp bakit ko pa kasi sinubuan pa ito naginarte tuloy. Kaya ko lang naman kasi nagawa un kasi kumportable na ako sa kanya.
"Belya, ang tagal-tagal ko ng nanliligaw and it seems naman that we are happy everytime na magkasama tayo pero di mo pa rin ako sinasagot. May kulang ba sa akin?"
Napatingin ako kay Stephen, kung pwede ko lang sabihin na walang kulang sayo Stephen pero kapag sinagot kasi kita ako ang magkukulang sayo. Mahirap sabihing mahal kita pero may itinatago pala ako sayo. Gusto kong maging honest sayo at maging totoo. Kausapin ko na kaya ang Papa niya tungkol sa lihim na ito.

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon