Di ako mapakali habang naguusap silang mag-ama sa loob ng kuwarto. Okey lang kaya sila?
"Wag kang magalala di susuntukin ni Tito yang si Stephen. Alam naman niyang ipinagtanggol niya lang ang pamilya niya." Ang sabi sa akin ni Celine na ang alam lang ay baka pinagsasabihan ni Tito si Stephen tungkol sa pakikipagaway nito. Hindi nila alam napakasagrado ng pinaguusapan nilang mag-ama.
"Alam ko naman yun. Pero... basta mahirap iexplain." Ang sabi ko sa kanya.
"Alis na nga muna ako, bahala ka na kay Stephen." At umalis si Celine.
Ilang sandali pa ay lumabas ng kuwarto si Tito.
"I did it." Ang sabi niya sa akin.
"K-kamusta naman po siya? Anong reaction po niya?"
"As expected I hurt him. Nasaktan ko siya."
Nanlumo ako di ko alam kung tama pa yung sinuggest ko sa Tatay niya na sabihin na sa kanya ang totoo.
"But thanks iha for giving me courage. Kahit naman mahirap at masakit yun pa rin naman ang dapat kong gawin. Dapat noon ko pa ginawa." Tinapik ni Tito ang balikat ko, "Alam ko kaya mong pagaangin ang loob ng anak ko. You make him happy."
Umalis na si Tito at naiwan ako na nakatayo pa rin sa pintuan ng kuwarto ni Stephen.
Kinatok ko ang kuwarto ni Stephen, "Stephen ayos ka lang ba diyan?"
"You can come in Belya."
Pumasok ako sa kuwarto ni Stephen at naabutan ko siya na nakaupo sa kama niya. Tumabi ako sa kanya at kinausap siya.
"Noong bago tayo bumalik dito sinabi na sa akin ng Papa mo ang totoo, nagulat ako, matagal ko rin naman kasing naririnig sa iba ung tungkol sa tatay mo pero di ko pinaniwalaan kaya nong sinabi niya sa akin ang totoo nagulat ako at nagaalala rin sayo."
"Kaya ba hindi mo ako masagot sagot dahil don? Youre thinking na baka katulad ako ni Papa."
Nagulat ako sa sinabi niya. Kahit kailan di sumagi sa isip ko na katulad siya ng Papa niya. Ang naisip ko lang eh yung pagaalala na baka magrebelde muli siya sa mga magulang niya once na malaman niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya. Di ko alam kung bakit di ko naisip yun siguro ay dahil sa may feelings ako sa kanya at may tiwala ako sa pagmamahal niya sa akin.
"Kahit kailan di ko inisip yun sayo dahil ang totoo naniniwala ako at tiwala ako sa magandang intensyon mo sa akin." Itinaas ko ang mukha niya, "Gusto ko pumasok tayo sa isang relasyon na buo ang tiwala sa isat isa, walang lihiman, walang tinatago. Gusto ko man sabihin sayo ang totoo pero alam ko na hindi ako ang tamang tao na dapat magsabi sayo non."
Hinawakan ni Stephen ang kamay ko at hinalikan ang palad ko, "Buti na lang andyan ka kasi kahit alam ko noon pa man na totoo yung mga sinasabi sa akin ng ibang tao about my family... hindi ko pa rin kasi matanggap. Until now kahit nagconfirm na si Dad sa akin, I still cannot accept it. Feeling ko Im just a mistake, Im made out of love, kung wala ako sa mundo baka mas naging mas masaya ang mga magulang ko. Mas naging malaya sila."
"Stephen, ang Tatay ko nakakulong at pinaniniwalaan ng ibang tao na isang kriminal at ang nanay ko naman may pagkabungangera. Walang perfect na magulang Stephen pero ang sigurado ako hindi man perfect ang mga magulang natin yung pagmamahal nila sa atin yun ang perfect. Yung sakripisyo nila para maging masaya tayo at magkaroon ng maayos na buhay. Wag mong isipin ang mistake ka, mahal ka ng mga magulang mo, ikaw, ikaw ang nagbibigay ligaya sa kanilang dalawa, hindi naman sila magsasama ng matagal at dadalhin ka pa nila sa Amsterdam kung di ka nila mahal di ba? Grabe din yung tiniis nila para sayo. Sobrang protective nila sayo."
Tumango siya sa akin.
"I dont know how will I face other people after I confirmed everything. Kaya ko kaya silang harapin, maslalo na yung mga bullies?"
"Kaya mo yan. Kapit lang." Ang sabi ko sa kanya.
"Thanks for always being there kahit ang sama ng ugali ko, kahit ganito ako, thanks for understanding and accepting my flaws."
Ngumiti ako, "Gusto mo ng hug?" At saka ko inangat ang mga braso ko.
"You really know what I want." At saka siya yumakap ng mahigpit sa akin at doon umiyak sa balikat ko.
** Authors Note: Guys available na rin po sa No Ink ang new and ongoing online novel ko para sa MayWard entitled "When I Found You" Thanks po /Dhosme
BINABASA MO ANG
MY FIRST BOYFRIEND
FanfictionAno ang gagawin kapag di ka na naalala ng first love mo?
