"Whats marupok? Kanina mo pa sinasabi yan."
"Marupok. I mean Im... hindi ko alam kung ano sa ingles." Ang sabi ko sa kanya at saka niya niluwagan ang pagkaakap niya sa akin.
Tumango naman siya, "Okey. Maybe one day I will also know that."
"Yah." At saka kami nagpatulog sa paglalakad.Isang lumang bahay ang tinutuluyan ng Mama ni Stephen. Kasama ng Mama niya ang Lola nito at ibang kapatid nito at pinsan.
Pagpasok namin sa bahay ang sinalubong kami ng Lola ni Stephen, "Harry?"
Nagkatinginan kami ni Stephen nang tinawag siya ng Lola niya na Harry.
"Harry you come back!" At niyakap si Stephen ng Lola niya.
"Ma, hindi siya si Harry, siya po si Stephen, ang apo niyo." Ang sabi ni Tita Kris si Nanay niya.
"Hindi. Hindi ako nagkakamali siya si Harry. Harry this is your daughter, our daughter, Kristine. Look she look like you."
"Ma, anak ko po yan si Stephen. Magkamukha lang sila ng Lolo niya."
"H-hindi siya si Harry." Ang sabi ng Lola ni Stephen, "Bakit di siya si Harry? Kristine, baka kilala niya si Harry."
"Ma." At niyakap ni Tita Kris ang Mama niya, "Pahinga ka muna sa kuwarto mo." At saka niya tinawag ang kasambahay nila upang dalhin ang Lola ni Stephen sa kuwarto.
"Ma, magiging okey pa ba si Lola?" Tanong ni Stephen sa Mama niya.
"Nagtitake naman siya ng gamot. Pero ganon talaga ang Alzheimers nanghihina na talaga ang memory ng Lola mo maslalo na sa mga recent events. Kahit nga kaming magkakapatid di niya na maalala."
"I think Lola needs assistance at this times. Im proud of you Mom for being with her." At saka siya niyakap ng Mama niya.
"Oops oops oops." Nagulat kami nang biglang dumating si Kuya JJ, "Narinig ko yun. Ingles yun."
"Anong ingles yun?" Tanong ni Tita Kris sa amin.
"Eh heto pong si Kuya JJ, dinare po itong anak nyo. No english policy kapag nagenglish siya magtrutruth or dare siya." Ang explanation ko.
"Baka naman pinapahirapan nyo na niyan ang anak ko." Ang sabi ni Tita Kris.
"Okey lang yan Tita mas madali niya muling maalala ang Tagalog sa dare na yan. Saka di naman siya pahihirapan nitong si Belya sa mga dare niya." Ang sabi ni Kuya Jj.
"Wag po kayong magaalala Tita di ko po pahihirapan ang anak niyo." Ang sabi ko kay Tita.
"Eh anong consequence niya ngayon?" Tanong ni Kuya JJ.
"Am... siya na lang maghugas ng pinggan mamaya. Yakang yaka na ni Stephen yun." Ang sabi ko.
"Okey sige. Magaano ako ng pinggan." Ang sabi ni Stephen sa akin.
"Maghuhugas. Wash."
Tumango si Stephen, "Maghuhugas ako ng pinggan."
"Soap in tagalog is.." ang tanong niya sa akin habang pinapanood ko sya sa paghuhugas ng pinggan.
"Sabon." Tapos tinuro ko ang mga bula, "Bula. Bubbles are bula. Tapos sandok, pinggan, kutsara, tinidor."
"Yah I remember kutsara tinidor." Ang sabi niya, "And the kutsilyo as well."
"Good."
"Kamusta naman. Nagawa bang mabuti ang consequence?" Ang tanong ni Kuya JJ.
"Opo." Ang sagot ni Stephen.
"Ingat lang at baka may mabasag ka sa mga yan. Marurupok pa naman ung nga gamit dito."
"Ano ibig sabihin ng marupok?"
"Marupok means... madaling bumigay." Ang sabi ni Kuya JJ.
"Hindi uy!" Naku nasabi ko pa naman kanina marupok ako baka isipin niya madali akong bumigay. "Ano madaling mabasag or masira."
"Eh bumigay din yun eh. Ikaw talaga." Sabi ni Kuya Jj.
"Para mas magets niyang mabuti." Ang sabi ko.
"Gets ko na. Marupok ay hindi matibay. Tama?" Sabi ni Stephen.
"Tama." Sagot ko.
"Si Belya ay marupok means si Belya ay hindi matibay." Ang sabi niya na ikinagulat ko at ikinatawa ng malakas ni Kuya JJ.
"Kaya pala ayaw nang madaling bumigay. Marupok kasi si Belya." At tumawa pa ng mas malakas si Kuya JJ. Haist ang sarap niyang sabunutan!
"Example lang yun kung makatawa ka naman diyan."
"Whats funny in marupok si Belya?"
Galing din ng inglesero na to. Inulit pa. Mabigyan nga kita ng mabigat na consequence next time.
"Secret di ko sasabihin. Alamin mo." At iniwan kami ni Kuya JJ sa kusina na tawa pa rin ng tawa.
"Belya di ko gets si Kuya JJ." Ang sabi niya sa akin.
"Maglinis ka na nga lang diyan. Wag mong intindihin yun." Ang sabi ko sa kanya.
"I want Mom to come home... with me and with Dad." Ang sabi niya sa akin nang pumapanik na kami sa taas ng bahay ng Lola niya upang pumasok sa kuwarto, "But Im also thinking about Lola. Pano na si Lola if Mom will come with me. Parang I understand na why Mom left us. Lola really need her."
"Buti naman naiintindihan mo, hindi yung nagrerebelde ka agad dahil iniwan kayo ng Mama mo. Alam mo kasi Stephen sa totoo lang kahit papano maswerte ka eh. Hiwalay man ang parents mo ngayon pero mahal ka nila at na proprovide nila sayo yung kailangan mo. May mga bagay lang talaga na kailangang bigyan at pagtuunan ng pansin."
"But you wont blame me. I miss her na. Two years ko na siyang di nakikita in person."
"Negative ka kasi. Pasalamat ka nga at nabuhay ko sa panahon na may internet, may chat at may video call. Imagine mo kapag walang internet, magsusulatan na lang kayong magina, tapos minsan delayed pa yung sulat. Wag kang nega, maraming bagay na dapat kang ipagpasalamat sa Diyos saka may ibang tao diyan na mas kalunos lunos ang kalagayan kesa sayo."
"Whats kalunos lunos?"
Napakamot ako ng ulo. Ayan na naman tayo sa english-tagalog dictionary kong ganap, "Nakaawa parang more poor, more sad than you."
Tumango naman siya, "Yah youre right. Belya Im sorry, I disturb you in coming here with me. Sorry sira ulo ako."
Natawa naman ako sa sinabi niya, "Infairness natawa ako sa siraulo, di ko inexpect yun."
"I just remember it always hearing it from you when we are kids."
At natigilan ako sa sinabi niya.
