10. Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko

809 67 5
                                    


"Kaya mo ba yung truth or consequence?" Ang tanong ko ng pabulong kay Stephen habang naglalakad kami pauwi at medyo malayo sa amin si Kuya JJ.
"Hindi ko alam. Ano... am... okey I cannot express myself in Tagalog. Consequence pls."
Ngumiti ako. Infairness honest siya, kami lang nagbubulungan dito pero sunod pa rin un sa rules.
"Pass yun. Alam ko namang mahihirapan ka talaga. Ganito na lang, kapag tayo lang dalawa tutulungan kita, sa abot rin ng aking makakaya na tagalugin ang gusto mong sabihin tapos gayahin mo na lang ako. Ayos ba yun?"
"Oh thanks... I mean... Salamat. Oops tagalog yun."
Ngumiti ako sa kanya.
"Good night is mabuting gabi."
Bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Why? Good is mabuti. Ay no, its magaling, mabait pala." Tapos napakamot siya ng ulo, "Im confused."
"Magandang gabi."
"But maganda is beautiful, right?"
"Yah. Parang beautiful evening."
"Oh I see."
"You still remember that beautiful is maganda in Tagalog."
Tumango naman siya, "Yah I remember that Im often using it when I was a kid."
Natigilan ako. Nagflash ang musmos naming nakaraan. Yung naglalaro kami ng beauty queen at kasama kong contestant kuno ng mga pinsan niyang babae. Suot ang kumot na kunwari ay gown ay papanik ako ng stage tapos ang nakaalalay sa akin ay si Stephen.
"Belya, ang ganda-ganda mo. Para kang Miss Universe."
Tapos mapapangiti naman ako sa sinabi niya at di ko mapigilang magblush. Miss Universe daw kasi.
"Sa preschool, the teacher will tell to my classmates,  si Stephen ay magandang lalaki." Tapos ngumiti siya. Hmp GGSS! Akala ko pa naman naalala niya na sinabihan niya akong maganda nong bata pa kami.
"Pa-hopia ka rin noh." Ang sabi ko sa kanya.
"What did you say?"
"Hopia, I want to eat Hopia. Manlibre ka naman ng Hopia. Libre means you buy me Hopia for free."
"Ah you want me to treat you Hopia?"
Tumango na lang ako.
"Okey, I saw a bakery there maybe I can buy you Hopia there."

"Masarap ang Hopia dito sa Bakery." Ang sabi ni Stephen habang kumakain kami ng Hopia, "With softdrinks." Sabay turo niya sa 12oz na coke.
"Samahan pa ng softdrinks, or di kaya may kasamang softdrinks."
Tumango si Stephen, "Ah kasama is with. Masarap ang hopia dito na may kasamang malamig na softdrinks."
Nagthumbs up ako sa kanya, "You still remember that malamig is cold ah."
"Masarap kasama si Belya."
Napasipsip ako ng tuloy tuloy sa straw sa sinabing iyon ni Stephen.
"Kasi shes always, ano, nakangiti."
Pigilan mo ang pagngiti mo Belya at baka hinoHopia ka lang ni Stephen.
"Nakakatawa si Belya at..."
Ano pang pahohopia nito.
"Caring, alaga?"
"Maalaga." Ang sabi ko sa kanya.
"Maalaga si Belya at mabait at ..." ngumiti si Stephen, "para siyang Miss Universe."
Katait ko ng mabuga ang iniinom ko sa sinabi niya.
"Okey ka lang." Tinapik niya ang likuran ko habang umuubo ako sa pinagsasabi niya.
"Sira ulo ka kasi hinohopia mo ako eh."
Napakunot siya noo. Di niya gets.
"You are making joke in me. Youre bad."
"What joke?"
"You said Im Miss Universe."
"Yes you did. You are like Miss Universe to me, like Pia Wutzbach, confidently beautiful with a heart. Its not a joke Belya, I really mean it."
"Hmp! Ewan ko sayo Buang ka. Ganyan naman kayong mga lalaki eh, dinadaan nyo kaming mga babae sa mga mabulaklak na salita para ma-fall kami, tapos kapag na-fall kami di nyo naman kami sasaluhin."
Napakunot ng noo si Stephen. Di niya gets.
"You know bulaklak flowers."
"So you mean Im telling you flowery words and make you fall for me."
"Yah, but not only you, but the boys in this whole wide world. You boys make us girls fall but you guys will not ano... catch us."
Napangiti si Stephen, "Okey, so you are assuming that Im making you fall for me?"
"Assuming? No, Im not assumera. You guys is just ano... putek nakakaubos ng ingles ang paghuhugot."
"What are you saying?"
"Ano. Dont mind me. Basta wag mo na akong bolahin kasi... marupok ako."
"Your tagalog is getting harder." Pinindot niya ang ilong niya, "Nose bleed."
"Quits lang tayo. Nagnonose bleed din ako sa kakaingles mo. Pasalamat ka nga di kita binisaya eh." Tumayo ako, "Halika na nga at baka hinahanap na tayo ng Mama mo."
Sinundan niya naman ako.
Patawid ako ng kalsada nang...
"Belya wait..."
Hinila ako bigla ni Stephen dahil may isang mabilis na motorsiklo ang katait ng bumangga sa akin.
Umikot ang katawan ko sa mga braso na tila isang sayaw hanggang sa nakapalupot na ang braso niya sa katawan ko at magkadikit na ang dibdib namin.
Space nasaan ka sa mga sandaling ito?
"Im glad I catched you. Muntikan ka na ron."
Napatitig ako sa malaPrinsipeng pagmumukha ni Stephen na parang kalahating inch na lang ang layo sa akin.
Napatitig rin siya sa akin.
May nararamdaman akong malakas na pagtibok sa aming dalawa.
At mas naramdaman kong mas humigpit pa ang pagkayakap niya sa akin kaya maslalo naman akong kinabahan.
"S-stephen..."
"Yes?"
"Shashabi ko namen sha yoh eh... marupok ako."

MY FIRST BOYFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon