Chapter 4 - In Between

3.5K 176 10
                                    

MAINE'S POV

Maaga akong gumising para makapaghanda ng almusal. Mag-isa na lang kasi ako dito sa condo ko. Unlike before, I used to be with my brother Dean. Sanay na rin naman ako kasi sa NY ako lang din naman, kasi sa work lang kami nagkikita ni Ayi. It's hard yet I think its better this way. Kasi hindi rin naman ako nags-stay ng matagal sa condo, madalas umuuwi lang talaga ako doon para matulog. May schedules when I was in NY were super hectic. I like it that way kasi hindi ko naiisip ang mga bagay bagay, sabi nga ng iba I'm getting workaholic but the truth is it's just my defense mechanism, to save myself from thinking too much and from feeling the pain. I think if not because of my co-workers, assistants and friends, I wouldn't make it. Nung una kasi halos kada break naiyak ako.

FLASHBACK

"Ayi, bakit wala akong nakasched ngayon? Why are we staying here in my unit?"

"Niresched ko, you need to rest. Pahinga ka naman, Maine."

"Kaya ko pa! Kinakaya ko naman diba? May mali ba sa ginagawa ko?"

"You're being hard on yourself, maawa ka naman sa sarili mo. May times na nawalan ka ng malay diba? Good thing nakarecover ka kaagad. Tapos mamaya umiiyak ka na pala sa isang sulok habang break. 3 months ka nang todo trabaho, ngayon ka nga lang magpapahinga."

"I'm fine." sagot ko naman sa kanya

"No you're not. What were you thinking?" Tiningnan ko siya at nakita kong nakakunot ang noo niya. Bumalik ako sa pagkakatitig ko sa lamesa bago muling nagsalita

"Ayi, uwi na lang kaya ako? Kaya ko pa ba?"

"Hindi pa ba, Maine? Nakakathree months ka na oh, pitong buwan na lang. Diba 'yun 'yung nakafixed sa contract? Tapos pwede ka naman magextend."

"Hindi ko kasi ata kaya." This is me and my pessimistic side

"Alin Maine ang hindi mo kaya? 'Yung lungkot ba o 'yung sakit?"

"Parehas." Tumungo ako para hindi niya makita ang mata ko

"Namimiss mo na ba?"

Sinagot ko naman agad siya.

"Oo naman, hindi naman ganun kadali 'yun. Kung siya kaya niya, ako hindi. 4 years din kaming nagkasama nun, and 3 years of being in relationship. Ts--"

"Sabi ko kung namimiss mo ang family mo? Siya parin ano?"

"Pinipilit ko naman e, kaso Ayi alam mo 'yung kusa na lang lumalabas 'yung sakit? Ang sakit e! Ang sakit sakit parin. Alam mo 'yung parang dinudurog ka? Ganun e! Bakit kasi ganun? Ginagawa ko naman lahat ah. Kahit nga banggitin ang pangalan niya, iniiwasan ko. Pero bakit 'yung isip ko ayaw parin tumigil?" Umiiyak na ko.

Ngayon na lang ako ulit makakapagsabi sa kanya. Lagi kasi akong umiiwas sa tanong. I was hoping I could easily forget him. I couldn't even say his name.

"Alam mo 'yung sinasabi nang lahat ng tao sa paligid nyo 'Uy, bakit hindi pa kayo magpakasal?' 'Ninang ako ah, baka kalimutan nyo?'. Tapos nandyan pa 'yung 'Ikaw Maine, kung magkakaanak ka anong pangalan ang gusto mo?' 'Anong gusto mo babae o lalaki'."

"Tapos heto naman 'yung isa, sasabihin 'Wala na kong rason, siya na lang ang hinihintay ko' 'Wala naman sa edad 'yan, nasa ipon.' Tapos heto naman ako, umasa diba? Tanga din e. Because everything was perfect, as much as he is for me. Tapos bigla bigla na lang unti-unti siyang nawawala, na parang super busy, nawalan ng time, tapos nakipaghiwalay."

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon