A/N: Please READ the whole chapter first before watching the Video Clip. Thank you. ENJOY!
MAINE'S POV
"Alden totoo ba? Totoo bang pumunta ka raw sa bahay?"
Naalala ko naman ang sinabi ni Coleen sakin kanina habang nasa sasakyan kami.
FLASHBACK
"Uyy Meng. Si Alden nga pala, nakita ko nung isang araw sa bahay."
Nananatili naman akong nakatingin parin sa phone ko at hindi tinitingnan si Coleen. Pinagtitripan lang siguro ako nitong bruha na 'to.
"Wag mo kong pagtripan Coleen. Sasabihin ko kay tatay sa bahay na lang kayo maghoneymoon."pagbabanta ko sa kanya
"Sira. Seryoso nga kasi."
Tumunghay ako para tingnan siya mula sa unahan ng kotse.
"Aba't. Oh baka gusto mo wala ng honeymoon? Seryoso din ako."pagbabanta ko sa kanya
"Bakit naman ako magbibiro, e hindi naman ako joker, tsaka ayokong humopia ka, umasado pa."
Binatukan ko naman siya mula sa likuran.
"Alam mo kanina ka pa."
"Aray Meng! Hindi ko lang alam kung pinatawag ni tatay o bumisita sadya."
"Baka sila na ni tatay."sabi ko at bumalik na sa pagphophone.
"Meng! Para kang timang! Huwag mo ng itago ang kilig, tayo-tayo lang andito."
"Baliw ka. Bakit naman kasi 'yun pupunta dun?"
"Okay, huwag paobvious na masyadong curious."
"Mike, paano mo napagtitiisan 'yan? Paalala ko sayo, may mga buwan ka pa para mag-isip."sabi ko at tumingin kay Mike,ngumiti lang naman ito
"Hoy, huwag mo ngang idamay si Mike. Heto na ang nothing but the truth. Saktong pagdating ko nagmano na kay tatay at paalis na. Ngumiti lang sakin tapos lumarga na 'yung tisoy mo. Ano, okay na? Hinga ka na, Meng."
"Anong ngang gagawin niya dun? At bakit naman siya ipapatawag ni tatay?"
"Aba, malay ko. Parang tungkol sa investments e, nakipagkamay pa kay tatay. Try mo palang itanong sa kanya baka mag-aapply maging personal bodyguard mo? Pak, Bola-bola o asado kayo dyan!"
Binalewala ko naman ang pang-aasar ni Coleen.
"Napag-usapan na nga namin dati 'yun nung kami pa na gusto niyang magpaturo at magpatulong kay tatay."
"Paalala Meng huh? Hindi nagmano. Baka kung anu-ano na iniisip mo?"
"Iuuntog na kita kay Mike Coleen. Isa pa."pagsusungit ko at tiningnan siya nang masama
END OF FLASHBACK
"Saang bahay ka ba pumunta?"tanong ko habang nakatingin sa kanya
![](https://img.wattpad.com/cover/124127745-288-k929981.jpg)
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
RomanceShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.