Chapter 39 - Trying my Luck

2.3K 106 22
                                    

ALDEN'S POV

Nandito ngayon ako sa Cebu dahil sa isang presscon para sa isang product na ineendorse ko. Natapos na ang mga tanong at pinili kong iwasan muna ang tungkol sa tanong sa amin ni Maine. Pero nagulat ako nang nacorner parin nila ako at isa-isang tinapunan ng mga tanong.

"Alden, Alden. Kumusta na kayo ni Maine?"

"Okay naman po. We're great."tipid kong sagot at ngumiti sa kanila

"Nakita daw kayo na magkasama sa isang mall? Totoo ba ito? May pictures kasi na lumalabas."

"Ahh, yes po. Yes po. Paano ba? After work lang po 'yun. Biglaan."pagdadahilan ko

Masaya ako ngayon dahil kahit paano hindi na kami nagtatago ng sobra ni Maine kahit na syempre mas pipiliin parin namin na pumunta sa medyo hindi mataong lugar pero hindi katulad noon na iniiwasan talaga namin na may makakita sa amin na magkasama.

"Pinuntahan ka raw?"pang-uusisa pa ng reporter

"Ikaw sir, napaka-ano mo rin e! Basta, nagkita po kami."

"Masayang masaya ang fans nyo na nagkabalikan na rin kayo at nakikita kayo na magkasama. Ano ang masasabi mo rito?"

"Kung anuman po ang ginagawa o relasyon namin ni Maine gusto ko po g linawin na hindi iyon dahil sa mga fans namin kung hini dahil kagustuhan naming dalawa iyon. Pero masaya po ako na masaya rin sila sa amin at nakasuporta parin sa aming dalawa kahit matagal na panahon na ang nagdaan."paglilinaw ko

Ayokong maisip ng iba na kaya kami nagpapakita sa publiko ay upang makakuha kami ng atensyon mula sa ibang tao o para sa aming pagsikap ngunit dahil kagustuhan namin iyon at nakakapagod na rin ang magtago.

"Kumusta ang puso mo ngayon?"

"Okay naman. Sobrang okay po. Masayang-masaya."

"Si Maine ba ang dahilan nito?"

"Kayo, tito ah! Basta masaya po ako ngayon. At masaya ako na alam kong may napapasaya rin akong tao."

"May nasagap kaming balita na balak daw ni Maine na magstay ulit dito sa Philippines?"

"Ahh, yes po. Yes po. Dito na po siya sa Philippines for good."natutuwang pahayag ko

"Sa tingin mo ba ikaw ang dahilan nito?"

"Dapat po. Pero pagpray natin 'yan."tumawa ako nang mahina sa naging sagot ko

"So sa sinasabi mo bang 'yan, nililinaw mo na nakikipagbalikan ka kay Maine sa ngayon?"

"Basta maayos po kami ni Maine ngayon, mas maayos kumpara noon."sagot ko sa kanya

Naisip kong hindi muna kumpirmahin ang lahat lalo na at hindi ko pa nakakausap ng maayon si Maine tungkol sa relasyon namin. Bagamat alam kong binubuksan niya na ang puso niya para sa akin, wala pa rin akong kasiguraduhan kung kami na talaga dahil hindi ko pa siya natatanong ng pormal.

"Sa tingin mo ba, maganda 'yung decisions niya na magstay muna ngayon sa Philippines?"

"Kasi kung ano po 'yung happiness niya, dun rin po ako e. Sa akin po, iyon 'yung pinakamahalaga, 'yung happy siya. At alam kong marami rin pong sasaya siya kapag nandito siya."

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon