MAINE'S POV"I want to hug you because..because I know this time, this time I deserve you."sabi ko at lumapit sa kanya para yumakap
Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at ganoon din siya.
"I'm sorry, I was just carried away."lumayo ako nang kaunti sa kanya
Ano 'teh, sobrang close lang ba? Hindi pwedeng may distansya? Kayo pa? Kayo pa?
"No, I'm sorry. Ako ang hindi dapat yumakap sayo, baka ayaw mo pa. Baka hindi ka pa komportable."nahihiya niyang sabi
"No, ano ka ba? Okay lang. "sabi ko at umiling
"But I badly needed that hug really, the one that's coming from you."
Ngumiti siya at hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa mukha ko at parang uminit. Ano 'to?! Pakamatis na ata ang mukha ko, ano ba yan?!
Ngumiti naman ako sa kanya at tumango.
"Congratulations Alden. Uhhmm.. Masaya ako, masaya ako para sayo."sabi ko at inilahad ang kamay ko sa kanya
Bakit may paglahad ng kamay? Siraulo lang Nicomaine? Anong akala mo sayo, principal? O teacher? Nangangampanya ka ba?
"Ahh, thank you. Maraming salamat Maine."sabi niya at nag-aalinlangang tinanggap ang kamay ko at nakipagkamay rin sa akin.
"'Yung kamay ko Alden, kukunin ko na. Huwag kang abusado."sabi ko at tumango-tango
"Ahh, sorry. Akala ko ibibigay mo." sabi niya at nagkamot ng ulo
Ibibigay daw? Teka lang ah, teka lang. Naiinis ako. Nagmake-face naman ako sa kanya.
"Alam kong kaya mo. Sabi ko naman sayo e. Tingnan mo diba? Ang galing."
"Nakaya ko, nakaya ko dahil sayo. Ikaw 'yung naging inspirasyon ko. Narinig mo ba 'yung sinabi ko kanina?"
Naalala ko naman ang naabutan ko sa speech niya kanina.
Salamat po sa lahat. Salamat po kay Lord, sa pamilya ko, kamag-anak ko, kaibigan ko, kay Mama. Ma, nakapagtapos na po ako. At salamat Maine, sa inspirasyon. Para sa iyo 'to at para sa pamilya ko.
"It was never for me Alden. Give credits to yourself. Ginawa mong makatapos nang pag-aaral para sayo. Kasi alam mo na behind this stardom is the real world."
"Alam ko. Masaya rin ako na nagawa ko para sa sarili ko, hindi ko naman itinatanggi 'yun. Alam ko rin na ngayon kaya na kitang ipaglaban, kaya mo na rin akong ipagmalaki."sabi niya at ipinagsaklob ang kamay
"Kahit noon pa naman, proud na ko sayo. Nakatapos ka man o hindi. It doesn't define the Richard Faulkerson Jr. I know."
"This means alot to me. Thank you for coming, Maine. Akala ko, akala ko hindi ka na darating. Akala ko, wala na talaga."
Nakita ko naman siya na parang napapaiyak at nagpipigil nang luha.
"Oh, wag ka namang umiyak oh. Graduation mo ngayon. You should be happy."sabi ko at tinapik ang balikat niya
"I'm sorry nalate ako, I wasn't able to hear you sing. My paproduction number ka pa daw. I actually have a photoshoot on-going. Tumakas lang ako talaga ako. Granting a simple wish from Alden Richards won't hurt. What's Aldub, after all without Alden."pagpapatuloy ko
"Don't say that Maine, I know you have a deeper reason for coming here kahit hindi mo naman alam ang dadatnan mo. Kahit alam mong pwede ka namang hindi pumunta."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. Bistado ba Maine?
Totoo naman kasi, address lang ang nakalagay sa ibinigay niyang card at sinabing sana makapunta ako. Wala man lang akong idea kung anong pupuntahan ko. Kasal ba 'yun o birthday party? Or whatever event that involves him.
BINABASA MO ANG
The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)
RomanceShe loved the ocean because everytime THE WAVES LEFT THE SHORE, they always come back. She loved.. And she refuse to love it now.. Because she can't stop the waves, if only she could learn how to surf.