Chapter 25 - Tomorrow Night

3.4K 161 9
                                    

A/N: Thank you so much for waiting. Sorry for the errors. Hindi ko po alam kung kelan ang sunod na update since I'll be very busy with realidad. I am hoping for your understanding. Siguro ang mapapromise ko once a month. Hahaha! But I'll try po talaga. Malay nyo maging every week, unpredictable po ako e. Let's see po. Anyways, enjoy?

MAINE'S POV



"What the hell?! You--you stopped him, Kuya?!"

Napatayo naman sina Kuya at Alden nang makita ako. Nakita ko naman kung paano silang dalawa nagulat dahil sa narinig ko.

"Maine.."sabay nilang sabi

Nangilid ang luha ko at hindi ko alam kung ano ang dapat na gawin.

Ano na naman 'to? Bago na naman? Hindi ko na naman alam?

"Maine, I can explain."paliwanag ni Alden

"Hindi ikaw ang kinakausap ko! Kuya!" sabi ko at bumaling kay Kuya Nico

"Menggay..please don't shout." saway naman ni Kuya Nico

"I don't care! What?! TELL ME!"inis kong sabi

Ano?! Ayaw niyang malaman ko 'to? Natatakot na siya ngayon?

Bigla namang dumating si Mama Ten.

"Al-Alden kailangan na nating umalis."

"Ma, can--"

"No Alden, go. You are much needed in that photoshoot. Hindi ikaw ang kailangang makausap ko ngayon."malamig kong sabi kay Alden

"Per--"

"Sige na Alden, tama si Menggay. Umalis ka na, ako na lang ang kakausap sa kanya, saka na kayo mag-usap."pakikiusap naman ni Kuya Nico

"Maine please promise me, mag-uusap tayo. I can explain."

"Sige na Ma."sabi ko kay Mama Ten

Sumulyap siya sakin sandali bago sila tuluyang umalis. Hindi parin humuhupa ang galit ko kaya naman nang makita nawala na sila, tiningnan ko ulit nang masama si Kuya Nico. Nangingilid ang luha ko sa inis.

"I can't believe this, Kuya! Of all people! Ikaw?!"

"Menggay. I'll explain to you later. I don't think this is the right place to talk."

Sumang-ayon ako sa kanya. Ayoko rin na maeskandalo pa kaming dalawa. Hindi na kailangan malaman ng lahat ang problema ko.

Umuna na ako sa paglalakad at iniwan siya. Sumakay na ako sa kotse niya at hindi na siya nilingon. Nagsimula na siyang magmaneho nang makasettle na kaming dalawa sa loob.

"A-Alam ba 'to ni tatay?"nanginginig kong tanong

Gusto kong umiyak at sumigaw pero ayokong makita niya 'yun.

"Yes, sinabi ko sa kanya nang makaalis ka na. Pero walang kinalaman dito si tatay, labas siya dito. He didn't know I was going to do that."

Hindi na ako sumagot at hinintay ko na lang muna na makarating kami sa unit ko.

Dali-dali akong pumasok sa condo ko at iniwan bukas ang pinto. Dire-diretso ako sa kusina para uminom nang tubig. Pakiramdam ko aatakihin ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"Meng, I don't know if you'll be able to understand me pero alam kong iyon ang makakabuti sa inyo."sabi niya nang namataan ako sa may kusina

Binaba ko ang baso na pinag-inuman ko at humarap sa kanya.

The Waves Left the Shore (Aldub Maichard Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon